Lost Chances

10 0 0
                                    

Marco's POV

"Athletic meet." Pagbasa ko sa isang folder na nasa taas ng table ni Rya. "Fourth year OJT. Kailangan pa ba 'to?" I asked and she looked at me, bored.

Kukuha siya ng isang papel galing sa folder. "Sagutan mo na lang yung form mo para matahimik na ang buhay ko." Grabe talaga 'to sa akin eh.

"Saan ka magOOJT?"

"Papasok akong intern kay mama." Sagot niya at napabuga ako ng hininga. Talagang magdodoktor 'to eh. Kahit naman nung bata pa kami, madalas niyang sabihin na pangarap niyang maging doktor katulad ni tita.

Pero pag ganun. Hindi ko siya makakasama sa OJT. "Si Selene, saan magOOJT?" Alam ko na si Elle ay may kompanya, maging si Leigh kaya baka dun na ata sila papasok para sa OJT. Si Paris, may athletic meet pa kaya madedelay ang internship niya.

Rya shrugged habang nakatingin sa akin na may pagtatanong. "Gusto mo ba si Selene?" Nagulat ako. Mukha bang gusto ko siya?

"Selos ka naman." Bulong ko kaya sinipa niya ako sa ilalim ng table. Napatawa na lang ako, kasabay ng pagboom ng speakers galing sa school radio.

Ang corny talaga nito. Ilang beses ko na binabanggit kay Rya na dapat alisin na yung school radio dahil puro chismis lang naman ang naririnig dun. Di ko nga alam kung bakit hindi sila pinapahinto ng mga teachers.

Ginulo ko na lang yung mga papel sa lamesa ni Rya na ikinainis niya. "So Erin ang topic natin ay about five female friends na naglolokohan, tama ba?" Tanong ni Andrew, ang baklang host ng school radio.

Nagsalita yung Erin. "Napakafamous nila sa school dahil sa since highschool pa ay magkakaibigan na sila at nung naheartbroken sila, gumawa sila ng promise na hindi hahanap ng boyfriend."

Napatingin ako kay Rya na napatigil sa ginagawa niya. "Di nila alam naglolokohan lang sila. Yung isa, nakaattract ng gitarista ng isang banda samantalang yung isa naman ay ang heartthrob ng St. Dominic ang nilalandi."

Hindi maganda 'to. Sino ba kasi yang nagsasalita sa school radio na dakilang tsismosa? At bakit ang dami niyang sinasabi, wala namang ebidensya?

"Nabasa mo naman last week yung confession sa isa pa na galing sa soccer member at yung president na laging may kabuntot na unggoy." Aba! Sumusobra na talaga 'to ah. Humanda siya sa akin pag nalaman ko kung sino siya.

Nakakuyom na ang kamao ni Rya at mukhang papatay na siya ng tao kaya natahimik ako, baka mamaya ako ang paginitan nito. "At yung inaakala nating napakabait, dakilang two timer. May basketball captain na, may playboy pa."

Tumawa naman si Andrew at muntik ko nang mabato yung speaker sa council office. "Mukhang imposible naman yang sinasabi mo."

"Eh di tingnan niyo sa homepage ng school natin." Sabi nung babae at napatingin ako kay Rya na nagtatype sa laptop niya.

Hinawakan ko yung braso niya bago niya iclick yung enter. "Pwede bang kumalma ka lang?" Pero mabilis niyang naclick yun at lumabas yung mga picture ng kaibigan niya.

Si Elle na may kausap sa ulanan, si Leigh na may date sa isang restaurant, si Paris na nakikipagusap sa isang nakasoccer uniform, si Selene na nakatingin kay Doha at isang may kasamang lalake na parang nasa amusement park, at si Rya habang bitbit ko yung mga libro niya.

Nakikita ko yung panginginig sa kamay ni Rya habang tinititigan yung mga pictures sa laptop. "Hindi mo ba sila hahayaang magpaliwanag?"

Pero natahimik siya. "Naniniwala ka ba agad dyan sa mga litratong yan? Hindi mo ba papaniwalaan muna yung mga kaibigan mo?"

Nagulat ako ng bigla siyang tumungo. "Ano pang silbi? Sinira na nila yung promise namin." Napabuntong hininga ako. "Much better pa siguro kung magkanya kanya na lang kami." She said sabay palo sa desk niya at labas s council room.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Letseng pagiging bitter kasi yan at umabot pa sa ganito. Mapapatay ko talaga yang radio show na yan eh.

Pero pakiramdam ko mas may kailangan akong pataying tao. "Tol!"

"Wag mo akong tawaging 'tol. Umuwi ka dito kung ayaw mong balatan kita ng buhay Isaiah."

Dahil kahit ayaw kong magkita pa sila uli, kailangan niyang maramdaman na may ibang lalake pang para sa kanya.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon