Special Chapter 1: Drunk

15 0 0
                                    

Doha's POV

Inimbitahan ako ni Marco na uminom at sa totoo lang, iniisip ko talagang magpakalasing ngayon. Dati si Rome ang kasama ko sa inuman pero nang umalis siya, madalas si Marco na.

Yun naman kasi pag kasama ko, laging si ate ang topic ng paguusap namin. Hindi pa kasi umamin, patay na patay naman kay Paris.

Buti pa si Marco, daming nalalaman pag nalalasing. Matalino din 'tong siraulong 'to, di lang marunong magseryoso.

Nagulat ako nang pumasok ang isang lalakeng kamukha ni Marco pero di tulad niya, nakaleather jacket ang lalake at mukhang kagalang galang. Aah. Nakauwi na pala siya.

Nung una kong makita si Marco, akala ko talaga siya si Isaiah. Magkamukhang magkamukha kasi sila. Akala ko nga nagpapanggap lang siya para kay Rya pero nang maging close kami, magkaibang magkaiba sila.

Si Isaiah, sobrang seryoso samantalang mahilig naman magjoke si Marco.

Pagalis ng kambal, umorder pa ako ng dalawang bote. Bahala nang malasing. Nakakainis naman talaga kasi si Selena, ngayon niya ako kailangan pero pinapalayo niya naman ako sa kanya.

Napasandal ako sa upuan ko, pinapaikot ang bote sa kamay ko. Biglang may lumapit sa aking babae kaya napabuntong hininga ako, kung sana si Selena lang 'to. "Mukhang lonely ka, you want some company tonight?" Tanong niya habang hinahawakan ang harap ng tshirt ko.

Nakasuot siya ng pula na katerno ng pulang pula niyang lipstick. Mula sa eye level, kitang kita ko ang pamumutok ng dibdib niya. Naramdaman ko yung hininga niya sa leeg ko habang palapit ang kamay niya sa pagkalalaki ko.

Shit. Kahit pinangako kong loyal ako sa isang babae, lalake lang din naman ako. Madaling matukso.

"Sorry, hinihintay ko ang girlfriend ko." At tumayo ako palayo sa babae na mukhang nainis sa ginawa ko. Pinlano kong umalis na ng bar pagkatapos magbayad sa ininom namin ni Marco kanina pero nakuha ng isang babae ang atensyon ko, isang babaeng talagang pamilyar sa akin.

Erika's POV

Porket nagbago lang ang itsura ko, feeling close na ang mga kasamahan ko sa cheerleading club. At for the first time sa boring kong buhay, nakapasok ako sa isang bar.

Hindi 'to iba sa naiisip kong style ng bar. May inuman, may sayawan, malakas na music, at mga magkasintahan na kulang na lang ay maghubad sa isang gilid.

"Oh my gosh, si captain!" Tili ni Hailey na nagpakilig sa mga kasama namin sa cheering team. Napalingon ako sa tinuturo niya at nakita si Doha na papunta sa table namin.

Kahit saan talaga tingnan, ang gwapo niya. Kahit sa St. Charbelle siya nagdecide na pumasok, naging sikat pa rin siya sa St. Celestine na school namin dati. Bagay na bagay sa kanya ang nickname na 'God-Doha' dahil parang kaya niyang gawin ang lahat.

Tumigil siya sa table namin kaya nagpacute ang mga cheering team members. "Captain, mag-isa ka lang?" Tanong ng isa at tumango lang ang nagiisang lalake sa table namin. "Sama ka na lang sa amin."

Umiling lang si Doha. "Uuwi na ako." Sabi niya. "Naparami na kasi ang nainom ko, kinumusta ko lang kayo." Sa gulat ko, bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti. Shit, ang ganda talaga ng dimples niya. "Huwag masyadong uminom ng madami."

"Opo, captain!" Sabay sabay na sigaw nila kaya iniwan na kami ng lalake. Dumaan siya sa likod ko at naramdaman ko ang kamay niya na dumaplis sa may bewang ko.

Ano ba yun? Uminit ba talaga sa bar o ako lang yun? Nagaya sila na sumayaw pero wala ako sa mood at medyo nahilo ako gawa ng paginom ng isang baso ng beer. Ang hina ko talaga uminom kaya hindi ako pwede dito eh.

"CR lang ako." Paalam ko at hilong hilo na pumunta sa CR para pakalmahin ang sarili ko. Pero pagdating ko ng CR, sinuka ko na lang lahat ng nainom at nakain ko.

Hindi talaga ako pwede sa mga ganitong sosyalan at inuman.

Laking gulat ko na nakatayo si Doha sa labas ng pinto. Kanina pa ba siya? Akala ko uuwi na siya. "Diba sabi ko wag ka uminom ng madami." Pasigaw niyang sabi kaya napakurap ako.

Dati, sa panaginip ko lang nakikita si Doha sa harap ko. Ngayon, nakatayo na talaga siya sa harap ko at kinakausap ako. "Sinabi nang wag kang iinom ng marami diba?" Palapit siya ng palapit at naramdaman ko na lang ang dingding sa likod. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat hakbang niya lalong lalo na nung kinulong niya ako sa braso niya. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" At naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.

Gusto kong pigilan 'to. Dahil sinasabi ng utak ko na masama ang gusto ko pero nang hawakan niya ang bewang ko at haplusin ang likod ko, nanaig ang puso ko.

Tinulak niya ako papasok ng cubicle nang hindi napuputol ang halikan namin. Pero habang painit nang painit ang nararamdaman ko, iniisip ko kung baka dahil lang sa pagkalasing kaya niya nagawa 'to.

Pero di ko matatanggi na gusto ko 'to. Si Doha at ako. Kami lang. Ang makasama siya na kaming dalawa lang. At ngayon, hahayaan ko muna ang sarili kong magpakalasing kay Doha. Wala na akong pakealam kung may makakita man sa amin dito o kung magalit man siya pagkatapos nito. Ang mahalaga, kasama ko siya.

Napasandal ako sa braso niya at hinahabol ang hininga ko, pawis na pawis ang katawan ko pero wala lang ang lahat. Kasama ko siya, yun ang mahalaga.

Napatingin ako sa kanya at mukha siyang nabuhusan ng malamig na tubig paghaplos sa buhok ko. "Shit!" Sigaw niya sabay tayo at tinampal-tampal ang noo niya. "Shit!" Paguulit niya sabay suot ng mga damit niya.

Hindi ko alam kung anong mas masakit ngayon: ang tingin niya sa akin o yung idea na isang pagkakamali lang ang lahat. Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko hanggang lumuhod siya sa harapan ko at pinahiran ang pisngi ko. "I'm sorry." Bulong niya at mas lalo akong napahagulgol. "Hindi ko 'to dapat ginawa sa'yo." Napalunok ako. Ang sakit sakit. Pwede bang tumahimik na lang siya at lumabas? Mas magiging maayos siguro ako pag ganun.

"Pero di ako nagsisisi, Erika." Napatingin ako sa kanya sa gulat. Tama ba ang pagkakarinig ko? "Kung may mangyayari man, papanagutan kita." Napatitig na lang ako sa mga mata niyang nangungusap. Mukhang hindi nga siya nagbibiro sa sinasabi niya. "Bigyan mo lang ako ng panahon na magpaalam kay Selena."

Mas lalong sumikip ang puso ko. Nakuha ko na ang isang bagay na gusto ko pero ibig sabihin naman nito ay aalisin ko ang karapatan kay Selene. Magkakaroon nga ng isa, mawawalan nan ng kabila. Ano bang dapat kong gawin para maging okay kami ng ate ko?

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon