Summer Sunshine

13 2 0
                                    

Marco's POV

"Yes, isend mo na lang kung kailan ka available but can you just inform me yung important details?" Rya asked to someone on the phone that made me shake my head. Nasa Queen City of the South siya, known for famous beaches pero eto siya at nasa shade. Nakikipagusap sa phone.

Lumapit si Isay kay Rya habang hawak hawak yung seashells na kinuha niya. "Ate, akala ko kukuha tayo ng shells."

Binaba niya yung phone sabay ngiti kay Isay. "Wait lang baby ha. May kausap lang si ate sa phone."

"Ibang iba na siya sa ate Rya na kilala ko." Sabi ni Mark habang nakatingin sa kanya. Napangiti ako, kahit si Mark napapansin na. May binulong ako na ikinagulat niya. "Kuya, baka magalit yan."

Umiling ako. "Di yan. Akong bahala." Agad siyang tumakbo papunta kay Rya at agad na kinuha ang phone niya. Buti na lang at athlete si Mark kaya mabilis niyang naiabot sa akin yung phone Rya.

"Ano na namang trip ba 'to?"

"Mageenjoy ka o itatapon ko 'to?" I extended my arms sa dagat, holding her phone. Natawa naman si Mark habang nilalapitan si Isay.

Napailing si Rya habang naglalakd palapit sa akin. "Mageenjoy na nga eh." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Para makasigurado, pinatay ko yung phone niya at inabot sa kanya. "Annoying!"

I smiled. Kailan kaya ako maaalala ni Rya?

Bumalik siya para ilagay yung phone niya sa bag niya at hinubad yung suot niyang Tshirt. Nakasando siya sa loob that made me blink. Mukha siyang model nung tinanggal niya yung damit niya at napalunok ako.

Marco, ngayon ka lang nakakita ng babaeng nakasando?

Kasama sa activities ng resort ay ang glass boat na pwede mong makita yung nasa ilalim ng dagat.

"Ate, ang cute ng starfish!" Sigaw ni Isay habang pinanggigigilan si Rya. Napangiti lang siya habang tinuturo yung ibang mga isda.

"Yan ang ate Rya na kilala ko." Bulong ni Mark at napatango ako. Mas maganda ngang tingnan si Rya na nakangiti.

"Kuya, ang ganda ng fishes!" Sigaw ni Isay.

"Oo, ang ganda nga." Bulong ko pero sa tapat ako nakatingin at hindi sa ilalim. Bigla naman akong binangga ni Mark sa balikat. Nakita ba niya?

Bago matapos ang April, pumunta kami sa Kawasan falls para magswimming. Si Mark tumalon na lang sa falls na parang wala lang sa kanya.

"Talon na, ate." Sigaw niya kay Rta na nakatingin sa baba. Napailing siya at dapat babalik na sa baba nang harangin ko siya.

Akalain mo, may kinatatakutan pala 'to. "Tara, tatalon tayo." Sabi ko at mahigpit na humawak sa kamay niya. "On the count of three." I said then nagbilang. Pagdating ng three, sabay kaming tumalon.

Hindi ko alam kung dahil sa adrenaline o sa higpit ng pagkakayakap sa akin ni Rya pero nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso.

Napangiti si Rya at lumango pabalik sa pampang. Napatigil ako. Gago talaga 'tong kapatid ko, paano niya nagawang saktan si Rya?

Kung sana ako na lang ang umuwi nung panahon na yun, eh di sana masaya kami ngayon. Sana ako ang mahal niya at sana tinatawag ko siyang akin.

Pumunta din kami sa Oslob para magsnorkelling at magswimming kasama and mga whales at sharks. For the first time, simula nang dumating si Rya sa Cebu, nakita ko yung sincere niyang ngiti at nageenjoy siya.

April pa lang dapat ay uuwi na siya pero naextend yung bakasyon niya hanggang May dahil sa sobrang pageenjoy niya.

As for her request, dumaan muna kami ng Sto. Niño de Basilica bago siya ihatid sa airport. "Nung bata ka, lagi mong sinasabi na dito ka ikakasal." Sabi ng mommy niya sa kanya. "Pero honey, baka hindi ka na ikasal sa future dahil sa ginagawa mo."

Natawa ako at tinitigan niya ako ng masama. "Wag ako Rya. Simbahan 'to." Sabi ko.

Natawa lang ang mommy niya. "Di talaga kayo nagbabago." And I smiled. Hindi naman ako maalala ni Rya eh.

Nang nasa airport na, niyakap nila si Rya and I hastily made my exit. I doubt kailangan ako sa mga ganyang eksena.

Umakyat ako ng eroplano and made my way sa upuan ko. "Excuse me, can we switch seats?" Tanong niya but instead of answering, I chewed my gum. "Can you stop that?"

I smirked. Deja Vu. "Stop what?"

"Chewing gum." And she stopped, a sudden recognization appearing on her face. "Annoying kid!"

And I smiled. Yes Rya, I am your annoying kid.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon