Rain

12 0 0
                                    

Elle's POV

Lunch at nag-aya na naman si Rya na sama-sama daw kaming maglunch ngayon. Nakakagulat nga lalo na at Monday, alam naman niya na ang hirap ng sched ngayon pero ininsist niya na kailangan talaga maglunch nang sabay-sabay.

Syempre, dahil 'to sa natuklasan namin kagabi. Dahil sa kadaldalan ng kapatid ni Joshua, nalaman namin yung tungkol kay Doha at Selene. Akala ko, siya yung makakatupad ng promise dahil wala siyang interest sa mga lalake. Hindi rin pala talaga siya makatiis sa charm ni Doha.

"I'm sure naman na hindi sila." Reaction ni Paris nang ikuwento ko yun sa kanya. "Kung sila since highschool dapat alam natin at sabi ni Doha, nanliligaw daw sila kay Selene."

Si Leighton naman parang lutang. Unlike other days na panay tingin siya sa phone niya, ngayon mukhang tahimik yung mga fanboys niya sa cellphone. "Nililigawan ni Doha si Selene?" tanong ni Marco sabay pagaray. Bakit nga ba nandito siya?

Dried mangoes lang naman ang hiningi namin kay Rya nung umuwi siya galing Cebu, nagulat na lang kami nang naguwi siya ng tarsier. Para nga siyang chewing gum na nakadikit lagi kay Rya. "Nasaan na nga ba si Selene?" tanong ni Rya at napailing ako, hindi ko pa siya nakikita sa buong araw.

Napadaan si Doha sa table namin at dahil alam namin na wala si Selene para sagutin ang mga katanungan namin, itong lalakeng 'to na lang ang isasalang namin sa hotseat. "Upo." Utos ni Paris sabay turo sa available na upuan sa tabi ni Marco. I shook my head, mukha siyang pulis at kriminal naman si Doha. "Magsabi ka ng totoo ah."

"Kayo na ba talaga ni Selene?" Tanong ni Rya at napangiti naman siya. Lagi talagang ngumingiti 'tong lalake 'to.

He shook his head. "Diba may promise kayo? Bakit niyo ako tinatanong ng ganyan?"

"Sabi ni Yohan eh." Si Leigh naman ang nagsalita that made me surprised, may pakealam pala siya.

Napabuga siya ng hangin and this was actually the first time na nakita kong ganito kaseryoso si Doha. "Iniingatan ko lang ang sa akin. Maiintindihan ni Marco yun and honestly, hindi niyo magegets yung meaning namin dun." Marco even nodded as if understanding him. Mga lalake nga naman.

"Pero may plano ka talagang ligawan si Selene?" Si Marco naman ang nagtanong. Naks, isa pang concerned.

Doha laughed. "Ako lang makakaalam nun." That made Paris shake her head in annoyance. "Hindi pumasok si Selene, nasa ospital yung lolo niya eh."

"Okay na ba lolo niya?" Rya asked. "Bakit di niya kami sinabihan?"

"Wala din naman tayong magagawa eh. Okay na daw pero magbabantay pa siya ng three days." See. Si Doha langay alam ng lahat na yan. Naku, guguho ang langit at lupa pag di nagkatuluyan ang dalawang yan.

I felt my phone vibrate at kahit ayaw kong icheck ang message, napilitan ako. Nakakainis kasi yung vibration eh.
From Kenjie
Hanggang kailan mo ba ako iiwasan?

Bakit ba ang kulit ng taong 'to? Tapos na ang usapan namin, tapos na ang responsibility niya bilang slave ko at ayoko na siyang makita uli.

Napatayo ako para ibalik na yung tray sa counter pero biglang may lalakeng dere-deretso kung maglakad, nabunggo ko tuloy siya. Nahulog yung salamin niya sa may paanan ko na agad ko naman pinulot at inabot sa kanya. Typical nerd.

Sa gulat ko, nakatitig siya sa akin na may galit sa mata. Nabangga ko lang, galit na agad? I shrug then walked away pero narinig ko muna siyang bumulong, "Hindi pa rin marunong magsorry." Kilala ko ba siya?

Pagdaan niya sa gilid ko, binunggo niya yung balikat ko. Yup, may galit nga siya sa akin. Sino ba siya at ganyan siya kung makabangga?

Binalewala ko na lang ang nangyari nung lunch at excited na umuwi pero napahinto ako sa shed dahil sa biglang pagbagsak ng ulan. Wala pa naman akong payong at ayokong takbuhin yung pauwi.

Biglang may itim na kotseng pumarada sa harap ng shed at napamura ako. Familiar yung kotse na 'to. Shet, ano bang ginagawa niya dito?

Lumabas si Kenjie sa driver's side na may dalang payong at timakbo sa may shed kung nasaan ako. Mas gumwapo siya since yung huli kaming nagkita sa Vigan at naramdaman ko na lang na uminit yung mukha ko. Namiss ko din pala yung kagwapuhan ng baliw na 'to.

"Ihahatid na kita pauwi." Sabi niya and I shooky head. Magpapatila na lang ako ng ulan. Ang lapit lang kaya ng bahay namin. "Gabrielle, please let's talk."

"Wala naman tayong dapat pagusapan ah."

"Then why are you avoiding me?" Bakit nga ba ako umiiwas? Diba dapat mas nagiging close kami dahil relatives kami? "I've missed you so much."

And my heart skipped a beat. Abnormal na naman yung puso ko. Dapat magpacheck up na ako eh. Ayoko pang mamatay.

Hinawakan niya yung kamay ko at naramdaman ko yung warmth na si Kenjie lang ang meron. "Please, I just want to clear things." He was begging and suddenly, feeling ko napakaganda ko. Imagine, this handsome guys is begging for my attention. Shit lang!

"Abuela is not my relative, naging yaya siya ng daddy ko dati and I'm not the Gian you know. Wala ngang tumatawag sa akin ng Gian eh." He explained that made me look at him. "From the start, I knew you're faking the whole amnesia thing but I just can't get away from you." Pagconfess niya kaya mas lalo akong napanganga. Tama nga siguro yung hinala ko.

"Gabrielle, I really like you." And I gasped. Ang ganda ganda ko talaga. "Para ka nang habit sa araw araw ko at sobrang namiss ko nung naginarte ka at lumayas sa buhay ko."

Wow ha! Ako pa talaga ang naginarte? Tinulak ko siya kaya bumagsak yung payong at napunta siya sa ulanan pero shit lang talaga eh. Legal bang maging ganun kagwapo pag nababasa? Yung bangs niya bumabagsak sa may mata niya kaya mas lalong umamo yung mukha niya.

Pag nagpatayo ako ng shampoo factory, siya ang gagawin kong model.

At muntik na akong mahimatay nang ngumiti siya sa akin. "Does this mean we're okay?" He asked and I nodded. "Let me be your slave forever, wag lang ako mawala sa tabi mo." And I felt my cheeks heating up.

"Natatahimik ka na. Gutom ka na, ano? Let's eat, my treat." At kinuha niya yung payong para tuyo akong makapasok sa kotse.

Honestly nung bata ako, ayoko ng ulan. Dahil dun, di ako makalaro sa labas. Hindi rin ako makakain ng ice cream pag umuulan.

Habang lumalaki ako, mas nakakaemo yung ulan. Who would have thought na may lalakeng magcoconfess sa akin sa ulanan? And I realized na kahit anong ayaw mo sa isang bagay, magugustuhan mo din yun because of a happy memory.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon