Goodbye

27 2 2
                                        

Rome's POV

"Eh captain, paano na yung mga chikababes mo niyan?" Tanong ni Xander sabay batok ko sa kanya. Dapat pala hindi ko na inaya 'tong mga 'to na maginuman.

Napailing naman si Harold. "Chikababes? Eh isang babae lang naman ang tintingnan ni Captain, si..." Bigla kong naisubo sa bunganga niya yung chicharon na pulutan namin.

Kalalaking tao, sobrang daldal. Nandito pa naman yung kapatid niya, baka mamaya ibuko ako nun at di pa ako makaalis.

Umaasa ba ako na tulad ng mga korning pelikula, hahabulin niya ako? Malamang hindi, hindi naman siya ganun.

At ang dahilan ng pagalis ko ay ang pagpili ko sa anong magpapasaya sa kanya. Mas gusto ko na masaya siya sa mga kaibigan niya sa ngayon, makakapaghintay naman ako. Kailan ba hindi?

Ano ba namang kabaklaan ang sinasabi ko? Iba na talaga nagagawa ng alak sa sistema ng tao.

"Alam na ba ni ate na aalis ka?" Umiling lang ako. Ayokong malaman niya at wala akong kakayahan na sabihin sa kanya. Buti sana kung iiyak siya na wag ko siyang iwan pero paano kung bigla niyang sabihin na wala siyang pakealam? Baka mas ikabakla ko lang.

"Bantayan mo yun. Sabihin mo wag masyadong magtraining at tigilan ang kakakain lalo na pag natatalo yung team nila."

"Asa kang titigil yun." Tapos napahinto siya. "Kaya ba hiniling mo na ikulong ko si Selena?" At tumango ako. Tingnan mo 'to, tinulungan ko na nga siya wala pa rin utang na loob.

Last chance ko nang sabihin sa kanya ang lahat nung gabing yun pero masisisi ko ba ang sarili ko kung hindi ako makapagsalita sa tuwing nakikita siya?

Oo bakla na talaga kung iisipin pero naalala ko pa rin ang unang beses na nakita ko siya.

Regional athletic tournament yun at nakuha ko yung MVP bilang Captain ng  basketball namin sa highschool. Nang tawagin siya para sa female MVP, ginusto kong alamin yung pangalan niya at kung saang school siya nagaaral. Napanood ko siyang maglaro at talaga namang masasabi ko na para sa kanya talaga ang MVP.

Nung una, di ko matatanggi yung paghanga. Bihira lang naman talaga yung mga babaeng sobrang galing kung maglaro lalo na sa volleyball habang napapanitili yung ngiti sa labi nila. Makikita talaga sa kanya na mahal na mahal niya yung sports.

Stalker man tawagin pero inalam ko yung pangalan at school niya. Yun nga lang, pagaari na siya ng iba at ang gagong si Renz yun.

Si Renz, mortal na karibal ko yan kahit na magkababata kami. Halos lahat ng babae, siya ang tinitilian kaya lumipat ako ng school nung naghighschool kami. Akala ko dun na siya mananatili sa school niya pero umabot yung kasikatan niya hanggang sa school namin at kasabay nun ang paglaganap ng babae niya.

Akala ko seryoso si Renz kay Paris noon kaya wala akong ginawa para makaclose siya kahit gustong gusto ko. Eh lecheng gago yun, sabay sabay pala mga dinedate niya puro volleyball captain pa.

Lumipat ako sa St. Charbelle nung second year at sinimulang bwisitin ang buhay ni Paris hanggang sa magustuhan ko na lang siya. Nung panahon na ginago siya ng boyfriend niya, ako ang sumalo sa kanya pero lalo lang siyang nagalit sa akin.

Nabwisit ako sa kanya nun. Pasalamat nga siya, hindi pa sila kasal nung malaman niya yun. Niligtas ko na siya, siya pa ang galit. Mga babae nga naman.

Pero nasaktan lang naman siya. At parte ako ng kasalanan na yun.

"Babalik ka pa?" Tanong ni Doha na pinaglalaruan yung bote niya.

Tumango ako. Syempre, babalik ako. "Papglipasin ko lang yung isang taon. Wala pa naman sigurong boyfriend yun pagbalik ko."

Natawa lang ang future bayaw ko. "Hihintayin ka nun."

Hintay. Isang bagay na sanay na sanay na akong gawin.

Naghintay. Naghihintay. Maghihintay.

Naghintay na mapansin niya.

Naghihintay na maging malapit sa kanya.

Maghihintay na mahalin niya.

Isang taon. Isang taon laban sa ilang taon na naghihintay sa kanya. Kayang kaya yan!

Dahil kung para kay Paris, lahat gagawin ko. Lahat pipilitin ko.

Je T'aime, City of Love.

Isang katagang hindi- hindi magbabago. Katagang alam kong masasabi ko sa kanya ng harap-harapan.

Paris, mahihintay mo naman ako diba?

A Friendship to RememberMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon