Want you back

18 0 0
                                    

Justine's POV

Hindi pa rin talaga nagbabago ang hangin ng Manila, polluted pero masarap sa pakiramdam. Kahit ilang taon na akong hindi umuuwi, ganun pa rin yung dulot ng lugar. Memories.

Malayo pa lang, nakita ko na si kuya Basty na parang tangang kumakaway sa gawi ko. Nakakahiya talaga 'to kahit kailan. Mas gusto ko pa nung suplado siya tulad ng rant niya dati.

"Gwapo ah."

"Tss. Kailan ba hindi?" Natawa na lang siya at kinuha ang luggage ko. "Bakit ba ako pa ang dapat makipagcollaborate sa bago mong artist?" Tanong ko at umiling siya.

Psh. Hindi naman ako uuwi kung hindi niya ako inutusan na magrelease ng bagong manga para sa publishing niya. At ang gusto pa niya, makipagcollaborate ako sa new talent niya.

Bigla niya akong tinapik sa likod. "Kumusta ka sa Japan? Madami bang chicks dun?"

Natawa na lang ako. "Chicks ka dyan?"

"Siya pa rin ba?" Natigil ako. May iba pa ba? "Akala ko ba magmomove on ka na? Kaya nga pinadala kita sa Japan eh."

I shook my head. Yun ang original na plano, pupunta ng Japan at kakalimutan siya. Humingi pa ako ng sign para lang dun pero nagulat ako na si Chitoge pa rin ang nakatuluyan ni Raku sa ending ng manga ng Nisekoi. Sabi ko pa sa sarili ko, kakalimutan ko na siya pag si Onodera ang nakatuluyan ni Raku pero eto ata ang way niya para hindi ko siya makalimutan.

Isa pang dahilan ng paguwi ko ay si Yohan. Kinukulit niya na din kasi ako na makipagkita sa kanya kaya imbis na umuwi muna, dumiretso ako sa coffee shop na sinabi niya.

Pagpasok ko, agad na sumalubong ang mga nanay na kasusundo lang sa mga anak nila sa malapit na school. May anak na ba si Yohan at dito niya ako dinala?

Pero mas nakakagulat yung nakauniporme siya na pampulis. "Anong cosplay yan?"

"Sira!" Sagot niya at naupo ako sa harap niya. Akalain mo yun, nagmukha siyang matured sa itsura niya ngayon. "Sir, para sa pagkakaalam mo, pulis na ako." Napatingin lang ako sa kanya sa gulat. Si Yohan? Pulis?

"Weh?" Natawa na lang siya at pinakita pa niya yung id niya. "Galing mo mangpeke ah. Saan galing 'to? Sa Recto?"

Umiling siya sa sinasabi ko sanay ng paginom ng tubig na nasa harap niya. "Ako ang may hawak sa kaso ni Selene." Ulit, napatingin ako sa kanya. Hanggang ngayon, lumulundag pa rin ang puso ko kapag naririnig ang pangalan niya.

"Anim na taon na ang nakalipas." Pasimula niya at napatango ako. Ang tagal na pala. "Gusto na nilang isara ang kaso. Wala na din naman si Gio." Nabalitaan ko na lang bago ako umalis papuntang Japan yung pagsuicide ni Gio sa kulungan. "Pero JC, may bago akong leads at malaki ang posibilidad na buhay pa si Selene."

Napatahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Tama namang isara na ang kaso pero malakas ang pakiramdam ko na tama si Yohan. "Sa'yo ko lang sasabihin 'to." At lumapit siya para bumulong. "May nakita akong butcher knife, hindi kalayuan sa kotseng sumabog. PinaDNA ko at tumugma sa dugo ni Selene. Walang bangkay, yung kamay lang ang nakitang sunog sa crime scene kaya malamang..."

"Pero hindi na siya nakita simula nun."

"Dahil walang naghanap sa kanya. Lahat naniwala na patay na siya kasabay ng pagsabog nung kotse pero JC, imposible. Buhay si Selene."

Napabuntong hininga ako. Kung buhay siya, saan ko siya hahanapin? Biglang tumayo si Yohan at mag binati sa likod ko. Nagulat ako na sa paglingon ko, nakita ko si Doha. "Gusto kang kausapin ni Doha kaya dito kita pinapunta." Tinapik niya ang balikat ko. "Mauuna na ako. Tatawagan kita."

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon