Rya's POV
Christmas eve na mamaya. Uuwi na din sila mama at papa galing sa Tacloban kung saan yung last medical mission nila. Last year, mga kaibigan ko yung kasama ko dito sa bahay at nagawa namin yung promise. I sighed. Hindi naman siguro kami magiging ganito kung hindi ginawa yung promise na yun.
Ngayon, ang kasama ko sa bahay ay yung mga Palma. Sina Marco at Isaiah nagluto ng pwede naming Noche Buena habang namili kami ni Isay ng mga regalo at pandesign sa bahay. Wala yung mga maids kahit yung driver dahil sabi ni Marco, dapat kasama nila yung pamilya nila.
Nung umaga, tumawag sila tita Ruth kina Isay para bumati. At dun ko natuklasan ang pagkakaiba nina Marco at Isaiah. Si Marco, sobrang sweet niya sa parents niya. Naiinis pa nga si tito Isaac dahil sa pagpapacute niya. Si Isaiah, cool kid. Laging monotone lang kung sumagot sa parents niya.
After nung talk nila, pumasok si Isaiah sa kwarto niya leaving me and Isay sa sala. Si Marco, gumagawa pa ng graham balls dahil sa hiling namin ni Isay. At in fairness, mas talented si Marco sa kusina kaysa sa amin ni Isaiah.
Ang swerte ng magiging girlfriend niya. I'm sure hindi sila magugutom dahil sa talent niya. I shook my head, ano bang naiisip ko? Pero totoo naman. Si Marco ang ideal husband sa kambal na Palma.
I blinked nang makita siya sa harap ko, wearing an apron at may hawak na isang graham ball. "Tikim." Kukunin ko sana yung inaabot niya pero umiling siya. "Aah." Unconciously, napanganga ako at sinubo niya yung ginawa niyang dessert.
Tumango ako. Not bad. Hindi siya matamis, hindi rin matabang. Just right. "Masarap." Sabi ko at napangiti siya. Nagabot din siya ng isa kay Isay at naexcite naman ang batang katabi ko.
Ang swerte ng mapapangasawa niya at mukhang magiging magaling din siyang daddy. "Ano yan?" Tanong ni Isaiah at umupo sa tabi ko. I froze. Two weeks na halos na nandito si Isaiah pero di pa rin ako mapakali pag nandyan siya. Yes, I slapped him once pero minsan gusto ko siyang yakapin. Gusto kong magsorry siya at sabihin na he wants me back pero walang hint about that.
"Hindi 'to para sa'yo." At dumeretso si Marco sa kusina. Ang hard niya talaga sa kuya niya. Simula bumalik si Isaiah, wala na silang ginawa ni Marco kundi magaway. Ang childish naman kasi talaga nung mas nakakabata. Buti na lang at wala akong kapatid, baka nabatukan ko yun kung nagong kasingchildish ni Marco.
Noche Buena and kararating lang nila mama at papa. Buti nga at di sila nahirapan sa byahe dahil sa peak season na. "It's weird seeing the two of you together. Parang mga bata pa kayo nung last ko kayong makita." Comment ni papa sa kambal. Well, it is indeed really weird. Ewan ko nga kung bakit hindi ko alam na may kakambal pala si Isaiah when we were together.
Ang kwento sa akin ni Mark, si Marco daw ay pabalik balik sa Cebu. Kami daw yung magkakalaro nung bata kami. Hindi nga daw niya kilala si Isaiah dahil hindi naman daw yun pumupunta sa kanila. Ngayon, napapaisip ako. Kung si Marco yung laging kasama ko nung bata ako, bakit laging sinasabi ni mama na may chemistry kami ni Isaiah?
"Eto naman kasing si Isaiah, masyadong busy sa Boston." Comment naman ni mama. "Ano bang pulinagkakaabalahan mo dun?"
Napangiti si Isaiah at kinamot ang batok niya. "Actually tita, pumunta lang talaga ako dito because of Marco and to invite you sa wedding ko."
Napatigil kaming lahat at nahulog yung tinidor ko dahil sa gulat. Napatingin siya sa akin at para makaiwas, nagexcuse ako para kunin yung nahulog sa baba. Nakasalampak ako sa sahig, hawak hawak yung tinidor ko. Ikakasal na siya? At naramdaman ko na lang na umiinit na ang mata ko.
"Hoy." Tawag ni Marco sabay palo sa balikat ko. Aray! Masakit yun ah. Lumapit siya sa akin, sobrang lapit na nararamdaman ko yung init ng hininga niya. "Wag ka nga umiyak. Di mo kinagaganda yan." Tapos kinurot niya yung braso ko.
"Aray Marco. Sadista ka ba?" Nagulat na lang ako nang umangat yung tablecloth at lahat sila nakatingin sa amin ni Marco.
Umiling na lang si mama. "Hindi talaga kayo nagbabago." At napabalik kami sa upuan namin. In fairness, effective si Marco. Umurong yung luha ko dahil sa kanya. Napangiti lang ako habang pinapanood siyang makipaglaban sa cheese ng lasagna niya. Marco is always full of surprise.
"Boo!" Sigaw ni Marco at naparoll eyes ako Sino ba namang manggugulat na ang lakas ng footsteps? Binigyan niya ako ng isang platito na may tatlong graham balls. "Para sa'yo yan. Tatlo para I love you."
Natawa na lang ako. Cheesy. "Uuy, hindi siya nagalit sa akin. Love mo na din ako?"
Din? I stopped. I sighed then took one graham ball. Hindi lang basta kahit anong chocolate yung nilagay niya, belgian chocolate yung hinalo niya. Iba 'to sa pinatikim niya kanina.
Naalala ko yung truffles na ginawa nina Leigh nung first year college kami. Nanalo pa kami na best booth nun dahil ang daming pumila sa belgian truffles ni Leigh at brownies ni Elle. Namimiss ko sila. Kumusta kaya ang Christmas nila?
"Umiiyak ka na naman." Comment ni Marco at umupo sa tabi ko. Bigla siyang may tinutok sa temple ko that made me nervous. Napatingin ako sa hawak niya...glue gun? "Brianna, in every girl with a broken heart there's a guy with a glue gun." Tapos inihipan niya yung duli ng glue gun while winking at me.
I shook my head, wiping my tears. Dami pang sinsabi ng isang 'to. "Brianna, can you please let me fix your broken heart?" He asked at napatingin ako sa kanya. Is he seriously asking me that? "Just one year." Then he shook his head. "Kahit one month lang. Just let me take care of you. I promise Brianna..."
Kumuha ako ng isang graham ball at isinubo yun sa kanya. "Don't promise anything, Marco." I said then smiled bitterly. "One year. Pero wag mong gamitin yung glue gun ha." Natawa naman siya.
"But Rya, isn't it time to talk to your friends? Wag na pairalin yung promise niyo, dapat alamin niyo kung sinong nagplano na masira kayo." Suggestion niya that made me nod. Tama siya! Hindi kami dapat naghiwa-hiwalay nang ganito, dapat alamin muna namin kung sino ang nagplanong paghiwalayin kaming lima.
Nakita kong kinain niya yung huling graham ball kaya pinalo ko yung balikat niya. "Gagawan na lang kita uli bukas." Panlalambing niya that made me laugh.
Hay naku Marco. I hope to have more surprising days with you.
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanficFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...