Sister

15 0 0
                                    

Apollo's POV

Nasa rounds ako ng duty ko nang nagring ang phone ko. Napabuntong hininga ako nang makita ang pangalan ni Giovanni sa home screen ko. Kahit ayoko, kailangan sagutin si Gio o baka magsumbong 'to sa tatay niya. "Pumunta ka dito." Utos niya sabay baba ng tawag. Alam naman niyang hindi ako pwedeng lumabas ng ospital eh.

Nagvibrate uli ang phone ko at may message na lumabas, galing sa kanya. 'Twenty minutes o madadamay si Selene dito.' I hissed. Napagusapan na namin na hindi siya madadamay dito ah.

Dali dali akong nagdrive papunta sa warehouse na tinext niya, gulat na nakatali sa upuan yung kapatid niya at isang kaibigan ni Selene. Napailing ako, wala talagang sinasanto 'tong bwisit na 'to.

"Bantayan mo sila." Utos niya. Nagundertime ako sa trabaho para magbantay sa dalawang 'to.

Pagkaalis ni Gio, agad kong tinawagan si Andrea. "Selene, nasaan ka?" Pero bago pa man siya sumagot, sumigaw yung babae. "Selene, wag mong sagutin!"

Bigla kong binaba yung tawag. Aish. Nagvibrate yung phone ko kaya pinatay ko na lang yung gadget. Bahala na kung tatawag si Gio mamaya.

Napatingin ako kay Rya na nakatitig sa akin ng masama. Umupo ako sa isang upuan na katapat nilang dalawa at tinanggal ang salamin ko. "May gusto kang itanong?"

"Bakit magkasama kayo ni Gio? Akala ko ba kapatid mo Selene, bakit mo ginagawa 'to?" Napailing ako. Ang daming tanong.

Pinunasan ko yung salamin ko gamit ang dulo ng polo ko at bumuntong hininga. "Hindi ko kapatid si Selene. Six ako nang iuwi siya sa bahay nila tatay para maging kapatid ko daw." Explanation ko habang ngumingiti ng mapait. "At si Gio, half brother ko siya." Maging si Christopher ay nagulat sa sinabi ko.

At dahil na rin sa laki ng utang na loob ko sa gagong yun, hindi ako makapalag sa mga gusto niya. Alam ko naman na baliw 'tong lalakeng 'to pero hindi ko alam na ganito katindi na ang kabaliwan niya.

Napatingin sa likod ko si Rya at nakita ko ang shadow ng isang tao. Napalingon ako at nagulat. Bakit magisa lang si Selene? At bakit nandito siya? "Anong ginagawa mo dito?" Lumapit ako sa kanya pero siya ang lumayo.

"Pakawalan mo si Rya."

"Umalis ka na dito bago ka pa makita ni..." Biglang nagpark ang isang puting kotse sa labas ng warehouse. Bumalik na si Gio? Bakit ang aga naman niya bumalik? "Selene, umalis ka na."

Pero umiling siya. Nakita kong bumaba si Gio sa kotse niya at bumalik sa dalawang hostage niya pero wala na sila at tali na lang ang natira. "Selena, tara na." Tawag ni Doha na nasa may pinto sa likod. Hindi talaga matalino 'tong si Gio, buruin mo wala nang bodyguards ang gilid, may backdoor pa.

Tinulak ko siya palapit kay Doha. "Sumama ka na. Selene, umalis ka na dito." Papasok na si Gio sa loob at pasipol-sipol pa.

"Kuya, paano ka?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya. Alam kong narinig niya yung sinabi ko kanina pero bakit kuya pa rin ang tawag niya sa akin?

Palapit na si Gio kaya naitulak ko si Selene palapit kay Doha. "Umalis ka na." Agad naman siyang kinuha ni Doha at lumabas sa back door.

Bumukas ang pinto at napatingin sa akin si Gio. "Wala ka talagang silbi!" Sigaw niya sabay sampal sa akin. "Sinasabi ko na nga ba at dapat hindi na kita pinaiwan dito."

"Tigilan mo na nga ang kabaliwan mo. Ang dami nang nadadamay. Ano pa bang gusto mong mangyari?"

Tumalikod siya sa akin at mukhang may kinuha sa bag niya. "Gusto kong sumaya si Erika." Bulong niya. "Si Erika na iniwan ng pinakamamahal mong si Selene." Kaya kasama si Selene sa gulong 'to. Pero bakit? Anong koneksyon niya kay Erika?

Humarap siya sa akin at tinutok ang isang baril. Baliw. Talagang nababaliw na nga si Gio. "At dahil wala kang kwenta..." Bigla niyang kinalabit ang gatilyo at naramdaman ko ang sakit sa kaliwang binti ko kasabay ng pagbagsak ko.

Hindi lang baliw si Gio, hindi rin siya marunong umasinta. "Kuya!" Sigaw ng isang babae at sabay kaming napatingin sa mayari ng boses. Bakit nandito pa siya? Sinabi ko nang umalis na siya ah.

Tumakbo siya papunta sa akin, kasunod ni Doha na tinutukan naman ni Gio ng baril niya kaya napatahimik siya. "Umalis ka na!"

Pero umiling na naman siya. "Kuya." Bulong niya sabay tingin sa kanya ni Gio.

"Ang boyfriend mo ang isusunod ko." Sabi ni Gio sabay ngiti kaya napailing si Selene. "Tumayo ka dyan para mailigtas mo sila." Umilung ako. Wag siyang susunod kay Gio. Pero sadyang matigas ang ulo ng babaeng 'to.

Tumayo siya na nakatingin kay Gio. Bigla siyang hinila nito palapit sa kanya at tinutukan ng baril. "Tangkain niyong sumunod, papasabugin ko utak nito."

Lumabas sila ng warehouse. Isang kalabit lang at mapapatay niya si Selene pero putsa, wala akong magawa dahil sa sakit ng binti ko. Lumapit sa akin si Doha, hawak ang cellphone niya na parang may dinadial.

"Sundan mo siya, baka may mangyaring masama kay Selene." Pero huli na ang lahat dahil narinig namin ang mabilis na pagandar ng sasakyan paalis sa lugar.  

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon