Kiss

11 0 0
                                    

Joshua's POV

Ang tagal kong hindi nakita si Leigh pero ayos lang, she needs time dahil busy siya sa OJT niya. Then the first time na magkita kami uli, malalaman ko na ikakasal na siya sa tagapagmana ng Villafuente.

"Bakit ka kasi nandito?" Tanong niya without even looking at me. Hindi ako galit sa kanya, kahit ako ay nagulat sa fact na yun. Mas naiinis pa nga ako sa sarili ko ngayon.

I shook my head. I'm sure may reason kung bakit ininvite ng parents ni Villafuente ang magulang ko. At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano yun. "Look. I waited for you and thought na dito lang kita makakausap." Pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Leighton, are you mad at me?"

And she looked at me. Hallelujah. Namiss ko yung mga mata niya. I missed everything about her. Kung pwede ko lang siyang yakapin right there and then, nagawa ko na.

"Masaya ka naman sa fangirls mo diba? Fangirl mo lang naman ako diba? Stop treating me as special kung hahalikan mo lang din naman lahat ng fangirls mo." She said that made me stop. So that's the reason. "Nakakainis kasi eh. Ready na nga akong sabihin kay Rya at Elle kahit magalit sila para sa'yo tapos hahalik ka lang ng kung sino sino sa harap ko pa."

She turned to me and noticed that we're only centimetres close to each other. I cupped her cheeks but she revolted. "Tapos ka na?" I asked and she nodded, calming down. "Leighton, a kiss isn't a kiss if no one meant it."

"It's still a kiss."

I leaned closer, placing my lips on hers at halatang nagulat siya. "That was my first kiss." Bulong niya sabay hawak sa lips niya.

I quirked an eyebrow. "Really?" I asked and she turned to me as I shake my head. "Akala ko pa naman first kiss ko na yun, wala palang meaning sa'yo." Then I laughed at the memory. "Sinukahan mo pa nga ako nun eh."

"Ano?" She half-shouted and I laughed.

"Nung dinala kita sa condo ko nung nagpakalasing ka sa bar. You kissed me sa elevator then..." Tinaas niya yung kamay niya, stopping me and I laughed. Naawa pa ako sa janitor nun dahil kailangan niya maglinis sa elevator hanggang madaling araw.

Napailing siya, hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Did I really do that?" She asked and I nodded kaya napatakip siya ng mukha. Really, Leighton is such a cutie. "Oh my God. Nakakahiya."

Again, I cupped her cheeks and stared at her eyes. Those twinkling eyes. "Leighton, I'm sorry about that kiss. Accident lang yun." I said then leaned closer, ghosting my lips above hers. "At kung may gusto man akong halikan, ikaw lang yun." To my surprise, siya na ang lumapit to kiss me.

Before, I don't believe na may fireworks when you kiss pero mas matindi pa pala sa fireworks ang feeling when you kiss the girl you like, para kang nakidlatan. Na parang may electricity sa loob ng katawan mo na nagpapabilis ng tibok ng puso mo.

"Woah!" We hear someone say and hastily let go of the kiss. Standing there, awkwardly looking at us, is Kenneth Villafuente. Shit! Yung engagement. "Sorry to disturb you pero I need to talk to you, Leighton."

"Iiwan muna..." Pero bago ako matapos, Kenneth told me to stay.

Leighton held my hand and I smiled at her, assuring na nandito lang ako. "We need to stop this engagement." Pasimula ni Kenneth and I sighed in relief. "We can't get married, Leighton."

"I know, Kenjie. Elle and I are already complicated, ayoko nang mas lalo pa siyang magalit sa akin." She answered and Kenneth nodded as if agreeing with her. Is he going out with Elle?

Kung ganun nga, wala kaming magiging problema. "Leighton, I need your help. Tatakas kami ni Elle."

"Teka, pag ginawa mo yun magmumukhang kawawa si Leighton." I claimed that made the two look at me. "At paano kung balikan ng kompanya niyo sina Elle? Sina Leighton?"

She shook her head. "Paano na ang future ni Elle pag ginawa niyo yan? Do you think makakaalis kayo without your parents knowing?" She said that made me smile. Nakakatuwang isipin na ang daming sides ni Leigh: may cute and bubbly childish Leigh at isang wise and systematic Leigh.

"Kenjie, we can stop this engagement. Not like this."

"Pero eto lang ang naiisip ko to stay with Gabrielle."

Leigh smiled at nakita ko yung paglapit niya kay Kenneth. "I'm happy Elle met someone like you. Ngayon, alam ko na hindi na siya masasaktan in the future." At nakita ko kung paano pahalagahan ni Leigh yung mga kaibigan niya.

Too bad they're not okay. Magiging perfect sana yung magiging plano para ibreak off ang engagement kung lima silang magtutulungan.

Kaya instead of making a plan to break off this engagement, mukhang mas kailangan naming unahin na mapagayos yung lima.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon