See You Again

21 0 0
                                    

Joshua's POV

"Teka, hinto muna!" Sigaw ni Harvey sabay tingin sa alin. Nasa rehearsal studio kami ngayon at nagpapractice ng bagong kanta. "Joshua, di ka nakakasabay."

Napatingin sa akin si Gelo at Sandro na parang nagaalala. "Oo nga, medyo lutang ka nung nakaraan Josh." Ethan asked. Napatigil ako. Josh? Namimiss ko nang may tumatawag sa akin niyan.

"Joshua, ayos ka lang? Nagnew year lang, nagbago ka na." Tanong ni Gelo at napatango na lang ako.

Sino ba naman ang hindi magiging okay? Hindi na sinasagot ni Leighton ang tawag ko, hinaharang pa ako ng guards sa subdivision nila. Hindi na rin siya nagoonline sa facebook. Nung nalaman ko na sinugod sa ospital yung father niya, pumunta ako pero pinaalis din.

I don't know where we are. Hindi ko alam kung kami pa ba? Kung kami na ba? Kung naging kami nga ba? Ewan ko, naguguluhan ako.

"Kuya!" Pagbati ni Yanna nang pumasok na ako sa bahay. "Nagluto ako. Wala pa si kuya Yohan pero..."

Napailing ako. "Sorry baby. Wala ako sa mood kumain." At dere-deretsong pumasok sa kwarto ko.

After Christmas, nakitira na sina Yanna at Yohan sa condo ko para may makasama naman daw ako. Buti na nga lang at dalawa silang nandito, hindi ako masyadong nalulungkot.

Tinry ko uling tawagan si Leighton pero hanggang ring ang naririnig ko. Nagsend ako ng message sa kanya pero hindi naman siya nagrereply. Inopen ko ang facebook at nakita yung friend niya na nagtag ng status. Napangiti ako, at least okay na sila ng kaibigan niya.

Be strong, Leighton.

Ps. Naaawa na ako sa wall mo kaya nilagyan ko ng status.

Selene Perez? I clicked her profile and found out that other than Elle and Paris, common friend namin si Yohan. Kilala siya ni Yohan?

"May number ka ni Selene Perez?" Baka ito na yung chance ko para makausap si Leighton uli. Kahit sandali lang, makita ko nga lang siya magiging masaya na ako.

Umiling si Yohan. "Sa FB lang kami naguusap. Bakit kuya?"

"Kailangan ko siya kausapin."

"Teka, itetext ko si JC." Ang tanging nasabi niya and I was praying na sana mabigyan na ako ng chance na makita siya uli, na makausap, mayakap siya. Kahit isang beses lang.

Pumayag si Selene na makipagkita sa akin the day before our concert sa isang coffee shop malapit sa school nila. May pumasok sa shop na babaeng nakasalamin at dere-deretso sa harap ko. "Hi. I'm Selene."

Tumayo ako and offered my hand. "Joshua."

"I know. Nakikita kita sa pictures." Sabi niya at naupo na. "Dadalhin ko sana si Leigh pero ayaw niya sumama nung nalaman na nandito ka."

I nodded. Umiiwas nga siya. Pero bakit? "I don't know kung bakit umiiwas siya. I just want to see her, to hold her again. Please, tell her na gusto ko lang makausap siya uli."

She sighed. "Joshua, she's going through a lot right now. Yung daddy niya, kami, yung arrange marriage kaya siguro ayaw niyang makagulo pa sa'yo."

"Gusto kong maging nandyan para sa kaniya pero tinutulak niya ako palayo." Selene sighed. "Please, tulungan mo ako to talk to her."

Tumango si Selene. "I will. Just tell me kung anong gagawin ko." I told her about the concert and kung kaya niyang pilitin si Leigh na pumunta. Although, hindi one hundred percent ang plano. Umaasa ako na magkikita kami uli. Selene wouldn't fail me.

"Joshua, may nangyari ba kaya umiiwas siya?" Tanong niya and I shook my head. Hindi na kami nagkita after ng party. Selene smiled. "Huwag mong saktan si Leigh ha." She said and I nodded. Wala naman akong planong saktan siya. 

Concert night and I'm ready to meet Leigh. What's surprising is nung nagtext si Selene na kasama niya si Leigh, buti na lang. We started with our hit songs at nagkakantahan yung fans. Hinanap ko si Leigh sa crowd and spot her sa may dulo, looking straight at me.

On one of our breaks, I seized the chance to talk to her pero wala eh. Siya talaga ang umiiwas.

"Leighton." I called seeing her walking sa hallway, leaving the concert grounds. "Leighton, please hear me out." And she stopped, turning to me.

Nasa stage ako at walang pakealam kung lahat ng fans ng group namin ay nakatingin sa akin. "What happened to us? Bigla ka na lang naging cold. Did I do something wrong? Leighton, it's killing me."

There was an eerie silence sa hall. Kinuha ko yung wireless mic ni Harvey at bumaba para makalapit kay Leighton. "Leighton, I miss you." And I stopped in front of her. "I love you."

I hate seeing her like this, never ko pa siyang nakitang malungkot and it's literally killing me. Hinawakan ko yung kamay niya as a tear escaped her eye. "Leigh..."

But she slipped her hand away from mine. "I'm sorry, Joshua." At umalis na lang siya without saying anything.

Nakita ko na lang mawala sa akin ang pangarap ko, nawala ang babaeng pinakamahal ko.

Paguwi ko, wala nang tumatakbo sa isip ko. Umupo ako sa tabi ni Yohan na nanonood ng TV. Nagulat ako nang makita ko yung isang balita, Villafuente-Ford wedding. Ikakasal talaga sila. Kaya ba sumuko na siya?

"Kuya." Nagaalalang tawag ni Yohan.

Lumabas ako at dumeretso sa car park. Bahala nang mahuli for over speeding, ayoko na kung hindi lang naman si Leighton ang makakasama ko. Bahala na kung iba ang maging headline bukas, wag ko lang mabasa yung kasal nila.

The next thing I knew, may maliwanag na ilaw at hard impact. Then all I can see is red while calling her name.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon