Kit

11 1 0
                                    

Paris' POV

"Let's go team!" Sigaw ko sabay kuha ng bola na gagamitin namin. Other than being a graduating student, I'm still the volleyball captain kaya medyo nakakapagod ang sched. Todo training na din ngayon dahil magkakaroon na ng interschool competitions starting next month.

I waited for my teammates to get ready para sa warm up and unconciously touched the cross pendant hanging from my neck.

Eto yung gift na binigay ni Rome nung birthday ko and if I opened the gift sooner, sana nalaman ko yung pagalis niya. Nainis din ako na alam ni Doha na aalis siya and he didn't bother telling me.

Bakit Paris? Pipigilan mo ba siya?

Napaisip din ako dun. Kung alam ko na aalis siya, pipigilan ko ba siya o hahayaan ko?

Aaaay ewan. Ayokong isipin dahil baka magsisi lang ako.

We started out with a warm up game and somehow, namimiss ko yung mga panahon na may nangungulit sa akin habang naglalaro. Ang tahimik pala ng gym pag wala si Rome.

I missed a few spikes dahil panay ang tingin ko sa bleachers for someone to piss me off pero wala, bakit ko ba hinahanap ang nasa Australia na?

"Captain, medyo off ka ngayon ah." Sabi ng isang teammate ko habang nagpapahinga kami. Hawak ko pa rin yung cross na nasa leeg ko. "May problema ba?"

I shook my head. I can't let him distract me. Nakakainis. Distracting na nga siya pag nandito tapos ganun pa rin nung nawala. Gosh Rome, nakakabaliw ka! "Hindi pa ako nakukundisyon. Feeling bakasyon pa rin kasi eh."

Natawa naman sila and I told them na pwede na silang magshower para makauwi ng maaga. Gusto ko sanang itext si Doha para magpasundo pero wala pa ako sa mood umuwi kaya tatambay muna ako dito sa school.

I checked my phone, may isang message galing kay Rya.
Lunch tomorrow. I miss you guys.

Simula bumalik siya sa Cebu, hindi pa kami nagkikita. Pati yung bag ko kay Leigh, di ko pa nakukuha. Kahit si Selene. Buti pa si Elle na lagi kong pinupuntahan sa kanila. Oh my gosh. Si Elle nga pala. Pumasok kaya yun ngayon?

Sinabihan ko na siya na wag masyadong magaalala tungkol kay  Kenjie pero halatang bothered na bothered siya. Naaawa pa ako kay Kenjie na gusto siyang kausapin pero si Elle na ang may ayaw.

Biglang tumunog ang school radio at nagsalita ang DJ. May nakikinig pa kaya sa kanya ng mga ganitong oras? Wala nang klase halos lahat ng department ah.

At kung hindi ako busy sa volleyball team, baka ako na yung nagsasalita sa school radio ngayon. I shrugged, heading to the shower room para magpalit ng uniform. Sa bahay na lang ako maliligo.

"I will now read a letter sent by one student." Sabi niya and I sighed. So childish! Hindi ako nakinig sa letter, all I caught was that transferee siya sa school who pursued his dream kaya napunta sa school na 'to. "That dream is the women's volleyball team captain." I heard then gasped. Ako yun.

"Miss Paris Alcantara, I fell in love the first time I saw you at sana dumating ang araw na makita mo rin ako." Biglang tumalon yung puso ko. My first ever public confession at sa school radio pa. Again, napaisip ako kung may nakikinig pa ba ngayon sa radio namin o umuwi na ang lahat? Narinig kaya nilang may nagconfess sa akin? Gusto ko bang may makarinig nun?

"From your secret admirer." I never believed in such a thing as secret admirers kaya nga against ako sa pagiging torpe ni Doha when it comes to Selene. But it felt good knowing na may nagkakagusto sa'yo, even calling you his dream.

But the mysteriousness made me nervous. Paano kung hindi pala siya ganun kaattractive? Hindi naman sa tumitingin ako sa outside appearance pero it's a factor pa rin naman eh. Paano kung playboy pala siya? Moreover, paano kung dati siyang murderer or rapist?

I shook my head. Ano bang pinagiisip ko? Paano magkakaroon ng rapist sa school eh sinasala ni Rya lahat ng papasok sa school? Then it clicked, kilala ni Rya lahat ng transferee. Should I ask her or not? Paano kung magalit siya?

Aaaaaaah ewan! Paris calm down!  Bigla kong naramdaman yung kwintas sa leeg ko and sighed. Hindi kaya si Rome yun?

Sige magassume pa!

I sighed ng mapadaan ako sa field, dito ko pinulot yung paper airplane na may JT. Je T'aime. Yun nga ba talaga ng meaning nun or tulad ng nauna, inassume ko na naman ang lahat?

Biglang may tumamang soccer ball sa balikat ko. Yung totoo? Lagi na lang akong natatamaan ng bola. Pinulot ko yung bola at nakita ang isang lalake na papunta sa akin. Bakit parang ngayon ko lang siya napansin sa soccer team?

Nung first year si Doha, member siya ng soccer team at nirecruit lang ng basketball team dahil sa tangkad niya at history niya sa sport kaya kilala ko lahat ng nasa soccer team. So baka nga bagong recruit siya ng soccer team.

Mukhang nagulat naman siya na ako yung natamaan ng bola. Inabot ko sa kanya yung hinahanap niya. "Bago ko lang sa team?" At tumango siya.

"I'm Christopher but you can call me Kit. Transferee ako from St. Dominic." Sabi niya and I nodded. Galing pala siya sa school nila Kenjie so baka magaling siya sa soccer. Sila ang champion last year eh. "I'll be around if you need me, Miss Paris." At tumakbo siya pabalik sa mga teammates niya.

Wait. Miss Paris? Transferee? Hindi kaya siya yung secret admirer?

Again Paris, wag assuming. Baka maraming transferee.

Pero paano niya ako nakilala?

And why am I interested to know more about this Kit?

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon