Paris' POV
"Rome." Sabi niya habang tinuturo ang sarili niya. I laughed, being reminded of a childhood movie na kamukha niya. "Jerome Halili." He said emphasizing every syllable.
Duh. Hindi naman bingi yung kausap niya nor illiterate, bakit parang nageexplain siya sa bata? Elle looked like she's really bored and I won't even judge her.
"Ako ang pinakagwapong captain ng basketball team." Pagmamalaki pa niya and I shook my head. Naku naman, nagbubuhat na naman siya ng double deck niya.
The girl sitting at the bleachers rolled her eyes in annoyance. Kanina pa siya naghihintay dito. Nasaan na ba si Kenjie? Ngayon lang siya nalate ng ganito.
Nagaya kasi si Elle na pumunta sa mall kaya tinawagan niya ang 'slave' niya para ipagdrive siya. Talaga naman kasi 'tong babaeng 'to. Di ko alam kung revenge against guys ang gusto niya pero halata namang umaarte lang siya about amnesia niya.
Nahuli siya ni Rya nang pumunta kami sa kanila after ng aksidente niya. Dere-deretso kasi siya sa kusina nun. Imagine, nabundol siya sa paa tapos nagkaamnesia.
Pero hindi na namin sinira yung trip niya. Supportive friends kami eh.
"Captain!" Sigaw ng isang teammate ko sabay bato ng volleyball sa akin. Agad ko namang tinry yung spike ko.
Sa gulat ko, walang sumalo sa teammates ko. Lahat sila nakatingin sa entrance ng gym kung saan may heavenly creature na pumasok.
Bilib din naman kasi talaga ako sa kagwapuhan nito ni Kenjie, napapalingon ang lahat kahit saan siya pumunta. Selene even described him as the guy who came out from a romance comic book. Mayaman na, gwapo pa. Para siyang prince sa fairytale books that came to life.
"Beb. Alis na kami." Sigaw ni Elle habang kinukuha ni Kenjie yung bag niya. Dati nakakapasok yan nang walang gamit sa school, laging humihingi ng papel o hihiram ng ballpen. Hindi nga uso take down noted dyan eh. Pero ngayon may libro na ang mahiwagang backpack niya.
Kenjie turned to me, smiling. Ang gwapo talaga nito. "We'll get going, Paris." Ang well-mannered pa niya.
Feeling ko may tinatagong lihim 'tong lalakeng 'to dahil sa sobrang pagiging perfect niya.
Naramdaman ko na lang na may tumamang bola sa braso ko. Aba, masakit yun ah. Paglingon ko, may hawak na bola si Rome at mukhang ibabato sa akin.
"Naiinggit ka? Magboyfriend ka na kasi!" Sigaw niya kaya kinuha ko yung nola sa lapag at binato sa kanya. Bwisit talagang lalake 'to.
"Magboboyfriend tapos katulad mo lang? Wag na uy!"
"Kasing gwapo ko?"
"Saang banda?" Nagsitawanan naman yung teammates ko. Tapod na kadi yung practice ng basketball team kanina pa. Di ko nga alam kung bakit nangugulo si Rome dito.
Dahil tapos na din ang warm-up, sinabihan ko na lang yung teammates ko na bukas na kami magpractice uli. Nakakadrain kasi tapos may nangiinis pa. At least bukas, sa St. Dominic magpapractice yung basketball team kaya walang makikigamit ng gym.
"Sabay ka na sa akin paguwi." Alok ni Rome habang umiinom ako ng tubig.
Umiling lang ako. Naghihintay kaya sina Doha at Sydney sa akin. "Dali na. Dadalhin kita sa langit." Naibuga ko tuloy yung tubig sa kanya.
Ang SPG talaga nito. Feeling ko pag kasama mo siya, dapat ihanda mo na yung sarili mo dahil may matutunan kang ikakasala mo.
"Di ka pwede dun. Demonyo ka eh."
Natawa naman siya, revealing his perfect white teeth at yung mga pangil niya na nagpapacharm sa kanya. May lahing bampira ata 'to eh. Pero bakut di niya kamukha si Edward? Mas bagay pa siyang Jacob dahil sa itim ng balat niya.
"Oh. Inaadmire mo na naman ang kagwapuhan ko."
"Walang dapat iadmire kasi wala namang kagwapuhan."
"Hard mo talaga sa akin." I shook my head to ignore his protests at kinuha na ang bag ko to head sa shower rooms. "Mali. Ako pala ang hard dahil sa'yo."
Diyos ko, patawarin Niyo po ako. Mapapatay ko ata ang lalakeng 'to.
"Rome, one. Paris, zero." Bulong niya sabay tapik sa balikat ko.
Gusto kong sakalin si Rome, yung tipong hindi na siya makakahinga kaya lalong mangingitim yung mukha niya.
Over ka Paris, hindi naman maitim si Rome.
Nung first year kami, madalas idescribe ni Leighton si Rome as the typical 'tall, dark, and handsome' guy. Tall, oo. Dark, super check. Handsome, still questionable. Di ko nga alam kung bakit tinitilian ng mga babae yan, siguro kasi mukha siyang ipis.
Paglabas ko ng shower room, wala nang tao sa gym. Baka naguwian na silang lahat kaya lumabas na ako at tinext si Doha kung nasaan sila.
Hindi pa man ako nakakatanggap ng reply, nakita ko si Rome na nakaupo sa isang bench na katabi ng bench na inuupuan ng one happy family.
"Hi ate." Bati ni Sydney habang nagfofold ng papel. Littering yang ginagawa nila ah. "Tinuruan ako ni ate Selene na gumawa ng paper cranes."
Napangiti lang si Selene habang nagfofold din ng paper crane. Naku, kalat na naman yan sa bahay mamaya. "Pulutin niyo yan ah."
"Opo, mama." Pangiinis na sabi ng tatlo, including Doha, kaya natawa si Rome.
Napansin ko na nagfofold din siya ng pink na papel pero hindi crane ang ginagawa niya kundi airplane. Bata lang ang peg? Pinalipad niya yung paper airplane na napunta sa field tsaka umalis na parang wala lang.
"Uwi na tayo." Sabi ko sa kanila kaya niligpit na ni Selene at Doha yung mga papel na tinupi-tipi nila.
"Ate Selene, di ka sasabay sa amin?" Tanong ni Sydney nang tumayo na siya at naiwan si Selene na nakaupo. Oo nga, on the way lang naman siya.
Umiling siya as sagot. "Hihintayin ko pa si Alex eh. Ingat kayo."
"Ingat ka din." Sabi ni Doha sabay gulo sa buhok niya.
Sayang inabutan si Doha ng anti-boyfriend promise, sana naging sila na lang ni Selene. Kahit nga si Sydney boto kay Selene para kay Doha, aagainst pa ba ako?
Napadaan kami sa field at nakita ko yung pink airplane kaya pinulot ko yun. Mahirap na, baka pagalitan kami for littering. Pero imbis na itapon sa basurahan, nilagay ko na lang yun sa bag ko.
Nagdinner kami sa labas lalo na at wala naman sila papa sa bahay, nasa vacation sila sa Japan kaya di na ako magtataka kung magkakaroon ako ng kapatid na Tokyo or Osaka ang pangalan.
Hindi unique yung names namin tulad ng akala ng iba. Kung saan kami ginawa, yun ang pangalan namin. Madalas kasi magtour sila daddy abroad dahil sa competitions na sinasalihan niya kaya kung saan-saan kami galing.
Pagdating sa bahay, kanya kanyang pasok na sa kwaro. Si Doha baka magoonline na naman. Si Sydney, magkakalat lang ng papel yun. At dahil sa pagod, baka makatulog na ako agad.
Kukunin ko sana yung phone ko sa bag when a pink paper caught my attention. Rome's paper airplane. Bakit ba hindi ko na lang siya tinapon?
I don't even know what possessed me pero inalis ko sa pagkakatupi yung paper airplane and somethingvwas written on it that made me surprised.
J.T. My city of love
JT? Justin Timberlake? City of Love? Paris yun diba? Ako? Pero tinatawag din ni Rya na City of Love si Rome so baka ang mraning niya ay siya.
Waaaaah. Ang gulo!
Akala ko pagod ako, mukhang hindi pa ako makakatulog sa lagay na 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/84150739-288-k559432.jpg)
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanfictionFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...