Crash

11 0 0
                                    

Gio's POV

Hindi ko ginustong manakit ng tao pero naniniwala ako na kapag gusto ko, makukuha ko basta konting tiyaga lang.

Kung sa pelikula, makikita mong nagiingay yung mga hostage, kataka-taka na hindi nila tulad si Selene. Sa malapitan, kahawig nga niya si Erika pero di tulad nun, mas tahimik na version si Selene.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong niya na kalmadong nakaupo sa passenger seat. "Hindi naman ako makakatakas, hindi mo ba pwedeng alisin yung posas?" Tanong niya at napangiti na lang ako.

Para hindi makatakas, ipinosas ko ang kanang kamay niya sa hand rail sa taas. Binuksan ko ang glove compartment at tumambad ang isang butcher knife sa loob. "Ialis mo ang sarili mo. Matalino ka diba?" Napairap na lang siya na ikinangiti ko.

"Gio, bago mo ako patayin. Anong koneksyon ni Erika dito? Siya ba ang nagutos sa'yo na gawin 'to?" At sa lahat ng action movie, gusto talagang malaman ng bida kung bakit siya nasa gusot na 'to bago siya mamatay.

Umiling ako, hindi inaalis ang mata ko sa daanan. "Ginusto kong gawin 'to para sa kanya."

"Bakit? Gusto mo si Erika?" Again, umiling ako. Bakit ko nilayo si Elle kay Kenjie kung si Erika naman yung gusto ko? Hindi naman pala siya ganun katalino. "Gusto ni Erika na mamatay ako?"

Sa huling taon ko sa highschool, excited ako na maging kaschoolmate si Gabrielle para sa next year. Ang tagal na kasi simula nung nagkita kami, sinipa pa niya ako nun. Muntik pa nga akong mabaog dahil sa ginawa niya.

Pero imbis na sa St. Dominic kung saan dapat kami magaral, pumunta siya sa St. Charbelle dahil sa mga kaibigan niya. Noon okay lang sa akin, ganoon naman talaga kung mahal mo diba? Kung saan siya masaya, dun ka.

Wala akong naging kaibigan sa academy dahil sa pagiging nerd at lampa ko, kaya nga madalas akong ibully ni Gabrielle nung bata kami. Hindi naiba ang college life ko. Akalain mong may nerd pa kahit ang tatanda na namin at isa dun si Kenjie Villafuente.

Kaya lang dahil sa yaman nila, hindi ko siya pwedeng kainisan o sasaktan ako ni papa kaya naging alila ako sa pinakamayamang lalake sa campus. Dahil sa kanya, nakilala ko ang isa pang katulad ko.

Si Erika, laging sinasaktan ng mga babae dahil sa makapal na salamin na lagi niyang sinusuot. Sa nakakagulat na dahilan naging magkaibigan kami at naikuwento niya sa akin ang buhay niya.

Galing siya sa St. Charbelle Highschool, kaparehong school ni Gabrielle at ampon siya ng yaya ng dreamgirl ng school. Naikuwento din niya ang tungkol sa kapatid niya na napaampon sa isang matandang magasawa. Sinabi din niya na lagi siyang nasa St. Charbelle para magstalk sa crush niya, si Doha Alcantara.

Nang sumama ako sa pagstalk niya, nakita ko ang tinatawag niyang 'basketball prince' na kasama ang isang babaeng nakasalamin. "Siya ang kapatid ko." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.

Ang unfair ng mundo. Lahat ng gusto niya, nasa kapatid niya na hindi man lang siya kilala. Lagi siyang nasasaktan, hindi tulad ng kapatid niya na ang saya ng buhay. At simula nun, ipinangako ko sa sarili ko na iingatan ko si Erika.

"Ikaw ang binantayan ko, nakilala ko si Apollo, at nagulat ako sa connection mo kay Elle." Tanging nasabi ko. "Nakakagulat nga na naayon sa plano ko lahat ng nangyari. Si Elle at Kenjie, ikaw, si Doha at Erika."

"Anong gagawin mo pagkatapos mo akong patayin?" Tanong niya sa mahinang boses at natawa ako. "Tingin mo ba ito ang gusto ni Erika?"

"Tingin mo ba papatayin kita?" Napatingin siya sa akin at nagulat sa sinabi ko. Inapakan ko ang preno ng kotse pero ayaw tumigil, mukhang mamamatay pa nga kaming dalawa. Sa di kalayuan, makikita ng dulo ng kalsada dahil sa ginagawang tulay.

"Kailangan nating lumabas. Pagbilang ko ng tatlo, lumabas ka ng kotse." Natatarantang sabi ko.

"Sige." Narinig kong sabi niya. Agad akong nagbilang at pagdating ng tatlo, binuksan ko ang pinto at tumalon paalis.

Nahulog ang kotse sa ginagawang tulay nang hindi nakakalabas si Selene. Nanlaki ang mata ko sa realization, nakaposas siya sa kotse. Paano nga siya makakalabas? Ang tanga mo, Gio. Nakapatay ka. Kapatid pa ng babaeng iniingatan mo. Kaibigan pa ng babaeng mahal mo.

Rinig na rinig ang tunog ng sirena ng pulis at mga kotseng nagmamadali sa kung saan ako. May isang lalakeng humawak sa braso ko at ipinosas ang parehong kamay ko sa likod. Hindi ko ininda ang sakit sa braso ko nung tumalon ako sa kotse, mas masakit yung tingin na binigay nina Erika at Elle dahil sa ginawa ko.

Isang bagay na hindi ko ginusto pero mukhang pinlano ko. Isang bagay na hindi ko ginusto pero habambuhay kong pagsisisihan.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon