Weird

10 1 0
                                    

Rya's POV

"I miss you girls!" Sigaw ni Leighton nang magkita kita kami during lunch. After ng summer vacation, eto na lang yung first time na nagkita kita kamimg lima.

Nagyakapan kami sa gitna ng cafeteria without caring sa mga schoolmates namin na nakokornihan sa ginawa namin. Pake ba nila? Eh sa talagang namiss namin ang isa't isa eh. Two months din kaya kaming hindi nagkita-kita.

After naming umorder ng pagkain na binebenta sa cafeteria, umupo na kami sa regular naming pwesto. Nilabas ko yung otap at dried mango na inuwi ko galing sa Cebu habang pinapamigay na ni Leigh yung mga pasalubong niya.

"Nga pala, bakit hinihingi mo yung listahan ng transferees, Paris?" Tanong ko at napansin na napatingin si Selene kay Paris. Umiling lang siya habang binibigay ko yung listahan.

Mas konti nga yung transferees this year kumpara last year at karamihan dun ay galing sa St. Dominic. "May nangyayari ba sa St. Dominic? Halos lahat kasi ng transferee galing dun."

"Oo nga pala. Taga St. Dominic si kuyang pogi diba?" Tanong ni Selene at napatango ako. Dun ko napansin na napatahimik si Elle kasabay ng pagbibigay ni Paris ng makabuluhanh tingin.

Bakit pakiramdam ko may nangyari habang nasa Cebu ako?

Napatingin ako kay Leigh na imbis na kumain ay naglalaro ng phone niya. "Diet ka?" Tanong ko at mukhang nagulat siya. Ano bang ginagawa niya sa phone niya at panay ang ngiti niya?

Sumilip si Selene aa phone ni Leigh. "Nagreply na si Alex?" Tanong niya at mukhang nagulat naman si Leigh. "Diba nakitext ako sa'yo kanina?"

"Aaaah." Sabi ni Leigh habang tumatango. "Wala pa. Hinihintay ko nga eh."

Why do I feel like there's something weird sa kanila?

Biglang nagtilian yung mga babae sa cafeteria and I sighed. Akala ko pagkagraduate ni Rome tapos na 'tong tilian na 'to but I was wrong. So wrong.

"Hi Brianna." Pagbati ni Marco while I massage my temples, marinig ko pa lang boses niya nasestress na ako. Napatingin naman yung apat sa akin na parang may kasalanan akong nagawa sa kanila.

"Girls, this is Marco." I introduced.

"Akala ko si Isaiah." Elle commented.

Kaya pala ganun yung tingin nila sa akin. "They do look alike." Sabi naman ni Leigh.

Marco grinned. Nakakainis talaga yang mga ngiting yan. "Mas gwapo ako sa kakambal ko." He noted and I shook my head. Magkamukha kaya sila, paano niya masasabi na mas gwapo siya? Weirdo talaga ng lalakeng 'to. "I'm Marco." Pakilala niya. Paulit ulit lang?

"Paris." She said while shaking his hand.

"Elle."

"Leighton." At bumalik na naman siya sa phone niya.

Ngumiti si Selene kay Marco. "Selene."

"Type ko yung buhok mo." Napatango ako. Ano kayang trip ni Selene at nagpahombre siya ng buhok? Blonde at pink pa talaga, buti na lang at hindi mahigpit yung hair color sa school.

Umiling si Elle. "Buhok lang ba talaga ang type mo?" Kaya biglang natawa si Selene habang umiiling.

"Naku Marco, nakareserve na yan." Si Paris naman ang nagsabi kaya tinakpan ni Selene yung bibig niya.

Yes, something is really weird with my friends.

"Shit!" Biglang sigaw ni Leighton.

Marco chuckled. "Ang cute naman pala ng mga kaibigan mo eh." I shook my head. Annoying talaga kahit kailan. Nawala na si Rome, napalitan naman ng isang Marco. Great. Just great.

Napatingin naman kaming lahat kay Leighton who looks like someone na mamamatay na sa sobrang excitement. "Bakit?" And this is new, Leighton doesn't curse.

"I got three tickets for Unstoppable's concert." Exclaim niya sabay tingin kay Selene. "You have to come with me this Saturday."

But Selene shook her head. Bakit siya agad? Last time I checked, si Elle ang fan ng Unstoppable. "May pupuntahan ako sa Saturday eh."

She lookes like someone na natalo sa isang gameshow. Why does she want Selene to go with her? "Paano ka nakakuha ng ticket?" Tanong ni Elle.

"Binigay ni..." And she stopped, looking at me. "Binigay ng kuya ni Selene." At napangiti lang yung binanggit niya. Kailan pa siya naging close sa kuya ni Selene? Ibig sabihin hindi alam ng kuya niya na may lakad siya sa Saturday?

"Leigh, akin na lang yung isang ticket." Elle begged and she just nodded. Siya naman talaga ng reason kung bakit nakilala ni Leigh yung Unstoppable.

But there's something bothering me. Worried pa ako dati na baka hindi magenjoy si Leigh sa Unstoppable but look at her now acting like a life-long fangirl.

"Sama din ako." And she stopped, staring at me with a surprised gaze.

Kailangan ko malaman kung anong meron at ang weird ni Leigh. Also, ang reason kung bakit hook na hook siya sa Unstoppable.

I saw Marco shake his head while sighing. He's being annoying again.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon