Leigh's POV
New Year's Eve and unlike any other family, nagdidinner lang kami ni daddy sa hotel. Hindi ako lumalabas pag ganito because of my phobia in fireworks. Takot ako sa tunog nun dahil sa trauma ko nung bata ko.
I've been a victim of kidnapping when I was young at puro putok lang ng baril yung naririnig ko nun habang nililigtas nila ako mula sa kidnappers. I don't know kung anong nangyari sa kaso nun or kung nahuli yung mga kidnappers ko.
"Did you go to Kenneth's home?" Tanong ni dad that made me shook my head. Bakit ako pupunta sa kanila? That's just bizaare. "Why not?"
"Why dad?"
"You should pay respects to you future parents in law."
I dropped my knife and fork. Akala ko nakalimutan na namin 'to. Dad and I haven't talked about the engagement. Well, we haven't talked about anything at all. "Dad, I can't do this."
Dad looked at me. Yung tingin na binibigay niya sa mga clients niya sa work. "Dad, you can't force me to marry Kenjie. May girlfriend siya and she's..."
"Leaving." Pagtutuloy ni dad that made me surprised. Leaving? "I'm going to force her out of the country so don't worry about that girl." What did he mean force her out of the country? Papaalisin niya si Elle?
"Leighton, I'm doing this for your own good." Sabi niya and I glared at him. Kahit daddy ko siya, hindi pwedeng pakealaman niya ang buhay ko ng ganito.
Mahal ko si Joshua, the first reason kung bakit hindi kami pwedeng ikasal ni Kenjie. Plus the fact na may something sa kanila ni Elle makes everything difficult for us. Ayokong nang dagdagan yung issue namin ni Elle and if there's anyone I want to talk to, siya yun.
"Dad, I won't marry Kenjie and that's final." Sabi ko then stood up. Wala na akong pakealam kahit bastos ako tingnan dahil iniwan ko ang pagkain ko. Pero ayoko ng ganito, hindi si daddy ang magdedesisyon ng buhay ko.
"Leighton Frances Ford!" Tawag ni daddy pero di ko siya nilingon. There's one person that I want to see now.
Kumuha ako ng cab at binigay yung address ng condo niya. Sana wala silang gig ngayon, sana hindi siya busy. "Joshua!" Tawag ko habang dinodoorbell yung unit niya. Sabi sa lobby, hindi naman daw siya umalis. "Joshua, kailangan kitang kausapin."
Bumukas yung pinto and I was shocked to see a girl with wavy hair, wearing a white tank top at boxers na halatang kay Joshua. "Hi, are you here for...?" Bati niya pero nablanko ako. May babae sa condo ni Joshua.
"Baby, sino ba yan?" Rinig kong sigaw ng lalake sa loob. Hindi ako pwedeng magkamali, si Joshua yun. Damn, he's cheating on me?
Napangiti ako although gusto nang bumigay ng tuhod ko. "Nagkamali ako ng room. Sorry." At agad agad akong pumunta sa elevator. Please Joshua, sabihin mong nagkakamali lang ako. Pero kahit bagalan ko pa ang kilos ko, magisa pa rin akong bumaba sa elevator.
Pinaglaban ko siya. Ready na akong itakwil yung arrangement para sa kanya but here he is, fucking another girl in his apartment. Damn you, Joshua Navarro!
Wala na akong mapuntahan. I don't have my dad. I don't have Joshua. I don't have friends. Saan na ako pupunta?
Isa na lang naiisip ko, si nanay Linda. Pagkita niya pa lang sa akin, niyakap na niya ako agad. "Alam ba ng daddy mo na nandito ka? Naku, ang dami pa namang nagpuputukan sa labas. Paano kung nasaktan ka?" Then I realized, nawala yung takot ko sa fireworks dahil sa sakit na nararamdaman ko. Then I passed out.
Nagising ako sa isang kwarto. Deja Vu. Pero di tulad ng dati, mas pangbabae ang kwarto na 'to. May anak ba si nanay Linda? Pero wala naman akong kasama dito.
Napatingin ako sa paligid, may dalawang pinto. Binuksan ko yung isa dahil naiihi na ako pero imbis na CR, may mga pictures na nakadikit sa dingding. At hindi lang basta kahit anong pictures: ako, si Rya, si Paris, si Elle, at si Selene. What's freaky is that may pictures kami since highschool at mukhang sinusundan niya yung bawat kilos namin.
Nandun din yung mga picture na lumabas sa homepage and much more. Siya. Siya ang naglabas ng mga picture. And maybe tama nga si Marco. There's someone sabotaging our friendship.
"Ano ma? Gising na ba siya?" I heard a female voice ask kaya sinara ko yung pinto at bumalik sa kama. Bumukas yung pinto revealing a girl with blonde and pink hair. Imbis na magkunyaring tulog, my eyes widened in surprise... Si Erika?
Bakit kahawig niya si Selene? Napapatitig na lang ako sa similarities nila. Ginagaya ba niya si Selene? "Okay ka na ba Leighton?" Tanong ni nanay at tumango lang ako. "Uuwi ka na sa inyo?" Again, I nodded.
The truth is nang nalaman ko na kwarto ni Erika yun, natakot ako sa kanya. What if creepy stalker siya ng group namin? Yung mga pictures, yung panggagaya niya kay Selene...it's freaky.
Nasa cab ako on my way home nang magring yung phone ko. Si Elle. Great, just the person I want to talk to. "Elle." Sabi ko agad. "I found something weird."
"Teka Leigh..."
"Hear me out." Kailangan ko 'tong sabihin sa kanya. "Si Erika. She's copying Selene. She's stalking us. She's the one behind the homepage."
Then she sighed when I stopped. "Hindi mahalaga yan. Leigh, hindi ka ba nanonood ng news? Nadala sa ospital yung daddy mo." At biglang nahulog yung phone ko. Asking the driver kung pwedeng ihatid na lang ako sa St. Dominic Hospital.
Why are these things happening to me?
![](https://img.wattpad.com/cover/84150739-288-k559432.jpg)
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
ФанфикFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...