Rya's POV
"Meeting adjourned." I said that made the council clap their hands. So far, so good. Puro positive remarks ang natanggap ng council namin this year so we made sure to get ready for next school year.
Isa-isa nang lumabas ang mga members ng school council habang inaayos ko yung papers na kailangan for the school year.
"President, ieemail ko na lang sa'yo yung minutes ng meeting." Sabi ni Raffy, ang secretary ng council.
I shook my head. "No pressure. Kahit next month na yan." I said then smiled at her. "Enjoy your vacation."
Arianne, my vice president, giggled. "Bait talaga ni president." Compliment niya and I just smiled. Hindi naman sa mabait but alam ko na yun yung kailangan para maging okay yung relationship namin sa buong council.
"Binobola niyo naman ako." Sabi ko. "Sige na. Uwi na at magsimula nang magbakasyon." I said at natawa sila habang bidding me farewell.
Bukas, fourth year graduation na lang ang kailangan ko isupervise and vacation na! Excited na akong pumunta sa Cebu sa Wednesday at magstay ng two weeks. Kailangan ko kasing bumalik agad para sa enrollment next month.
Papunta na ako sa field to watch the fourth year practice when Rome came running to me. "Hi Rya." He greeted. Take note, hindi Ri-Ya ang pagkakasabi niya kundi Ra-Ya. Never pa akong kinausap ni Rome ng ganito, hindi naman kami close tulad ng sila ni Paris.
"Yeah. Hi, Jerome." Then he smiled tapos tumakbo pabalik sa field kung nasaan yung mga classmates niya. Oo nga pala, graduating na si Rome this year. Pero bakit bigla niya akong binati? May something ba?
Nabobother ako sa inaasal ni Jerome. Binati niya kahapon and now, during the graduation ceremony, inabutan niya ako ng bottled water sa gilid at panay ngiti. Why do I feel na may kasalanan siya sa akin? But is that even possible? Hindi naman kami nagkakasama ah. Why is he like this?
Should I ask him? Or should I ask Paris? Pero baka hindi niya din alam.
"Pupunta ka sa Australia? Naks! Bigtime!" I overheard one of his friends say. Aalis si Rome for Australia? "Paano mo na yung chicks mo dito?" And I shook my head. Typical guy.
"Babalik ako para umamin sa isang babae, don't worry." Sabi niya then turned to me. "Hi Rya!" He's so weird!
Shrugging thoughts about Rome, I braced myself sa pagpunta sa Cebu. Ang tagal na din since huli akong nakapunta dun at buti na lang, dun yung medical mission nila mommy kaya makakauwi ako.
Nang makalapag na yung eroplano sa Mactan Airport, I inhaled Cebu air. Ibang-iba sa stuffy feeling sa Manila. Isang backpack at maliit na maleta lang yung dala ko, may maleta pa akong extra sa bahay namin sa Kawasan para sa pasalubong later.
Biglang may bumusinang sasakyan na sobrang familiar, si Tatay Elmo! He was the caretaker sa bahay namin here sa Cebu. Pag pumupunta sila daddy dito, siya ang nagiging driver nila. "Aba, dalagang dalaga ka na, Brianna."
"Naku naman tatay, bolero ka pa rin." Sabi ko as he helped me with my luggage. Sa backseat ako ng sasakyan umupo, nasanay na akong dito nakaupo eh.
He started driving on the highway and I can see the big difference between Manila and Cebu, wala man lang traffic dito or magaling lang talaga magdrive si Tatay Elmo. The clouds had turned purple in color, a scene you don't usually see sa Manila.
Siguro the fact na busy ang lahat sa Manila to appreciate little things at being a free-spirit here in Cebu changes everything. I smiled. Sana nandito yung apat to see this. "Iha, gutom ka na ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/84150739-288-k559432.jpg)
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanfictionFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...