Doha's POV
Nung bata ako kapag tinatanong ng teacher kung anong pangarap ko, lagi kong sinasagot na gusto kong maging super hero. Paglaki ko, narealize ko na mahirap palang ipagtanggol ang lahat. Yung babaeng mahal ko hindi ko nga kaya, yung ibang tao pa kaya?
At yan ang nararamdaman ko habang nakikita si Selena na nakatulala sa librong binabasa niya.
Simula lumabas yung pictures sa homepage, hindi ko na sila nakitang magkakasama at si ate ang nagkwento na gusto ni Rya na magkanya-kanya na sila. Sa panahon ngayon, dapat mas pinagtitibay pa nila ang friendship nila hindi yung ganito. Dapat inaalam nila kung sino ang may kagagawan ng lahat.
"Akala mo ang bait, two timer pala." Malakas na pagkakasabi ng isang babaeng classmate namin.
"Hindi na nakuntento kay God-Doha, pati ba naman si papa Justin." Pagtutuloy ng isa pa.
"Bitch naman pala."
Napatayo ako sabay palo ng desk ko kaya napatingin ang lahat sa akin, maging si Selena. "Isa pang makarinig ako ng tungkol kay Selena, sasapak na talaga ako ng babae." Nakakapintig na kasi ng tenga.
Napatingin ako sa babaeng mula kaninang umaga ay nakayuko na at napailing lang siya sa akin. Pumasok si Justin at natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. Ngayon lang siya pumasok simula kumalat yung picture nila ni Selena. At sa totoo lang, naiinis ako sa kanya. Hindi kaya siya ang nagplano ng picture?
Umupo siya sa upuan niya, katabi ni Selena at kitang kita na gusto niyang kausapin yung katabi niya. "Akalain mo yun, siya na ang bago ni Justin. The best talaga siya eh, naunahan pa niya si Doha kay Selene." Narinig kong sabi ng isang lalake sa may harap.
Bwisit! Tatayo na ako pero inunahan ako ni Justin na kwelyuhan siya at biglang sinuntok sa pisngi. "Hoy Justin, magkakademerit ka niyan eh."
Bigla siyang tumigil at napatingin kay Selene. "Under ka pala eh." Pangaasar pa ng lalake. Talagang nakakainis naman kasi yung lalakeng 'to. Kung ako si Justin, baka napatay ko na 'to.
"Magpasalamat ka ginagalang ko yung babaeng binabastos mo." Nasabi lang ni Justin sabay alis ng classroom. Napatingin ako sa kanya. Tama nga yung hinala ko, may gusto si Justin kay Selene.
"Hindi ka kakain?" Tanong ko habang tinitingnan yung pinggan ni Selene na hindi niya man lang ginagalaw. "Baka magkasakit ka niyan."
Napatingin siya sa akin tapos sa ibang mga schoolmate namin na nagbubulungan. College na kami pero parang highschool pa rin sila kung umasta. "Doha, pwede bang si Paris muna ang samahan mo?" Bulong niya na ikinagulat ko. Napatitig lang ako sa kanya at iniiwasan niyang tingnan ako.
"Yun ba ang gusto mo?" Tanong ko at napatango siya. Bumuga ako ng hangin. Bakit ba ang tigas ng ulo nito ni Selena? "Bakit?"
"Mas kailangan ka ng ate mo ngayon." Sagot niya at napailing ako. "Please. Ayoko munang madamay ka sa mga issue. May game pa kayo next week."
"Pupunta ka diba?"
Bigla siyang ngumiti, yung ngiti na ang tagal ko nang hindi nakikita. "Titingnan ko." Ginulo ko yung buhok niya at tumayo para pumunta sa gym. Sana maging okay ka lang Selena.
Pagdating ko ng gym, nagkakagulo yung teammates ko. Simula kasi umalis si kuya Rome, ako na ang inassign as team captain. Napailing ako nang mapansin yung tinitingnan ng mga teammates ko, as usual mga cheerleaders na naman.
"At shit lang pare, ang hot niya!" Sigaw nung isa.
"Bakit kaya ngayon ko lang siya nakita? Transferee ba siya?"
Napailing ang isa. "Halos October na, imposibleng nagtanggap pa sila ng transferee."
"Pero may kamukha talaga siya."
Mga 'to, kalalaking tao pero ang hihilig sa tsismis. Napapitik yung isa at sandaling napatingin sa akin. "Kahawig niya yung girlfriend ni captain." Napatigil ako. Girlfriend ko?
"Yung dinedate nung playboy?" Tanong ng isa kaya sabay sabay silang pinatahimik yun. Binigyan ko sila ng masamang tingin.
Si Selena ba ang tintukoy nila? Kahawig ng member ng cheering team? Napatingin ako sa kabilang side ng court kung saan sila nagpapractice. Nandun si Selena, nakauniform ng pangcheering team. Kasali ba siya dun?
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Anong...?" Pero paglingon niya, mas nagulat ako. Totoo namang si Selena siya pag nakatalikod, pareho sila ng tayo, pareho ng buhok.
Napatitig ako nang ngumiti siya sa akin. At kahit wala na siyang salamin o braces, alam ko kung sino siya. Walang iba kundi ang project partner ko. "Anong nangyari sa'yo, Erika?"
Hinawi niya yung buhok niya tulad ng laging ginagawa ni Selene, maging sa galaw parehong pareho sila. "Ang hirap humanap ng OJT pag nerdy ang itsura ko kaya nagayos ako ng konti." Sagot niya. Konti? Konti ba yan? Ang laki ng nabago sa itsura niya.
"Nagpaplastic surgery ka ba?"
Tumawa siya at hinawakan ako sa balikat. "Nakakatawa ka talaga, Doha." Bumaba yung kamay niya sa braso ko at napalunok ako. "See you around." Sabi niya sabay kindat at tsaka tumakbo sa mga kasama niya.
Napailing lang ako habang pabalik sa side namin sa court. "Naks, captain." Pangaasar ng isa. "Iba talaga sex appeal mo." Napatawa na lang ako sa kanya.
Saglit akong napatingin sa kabilang court at nakita si Erika na nakatingin sa akin habang kinakagat yung labi niya. Napahinga ako ng maluwag. Sa pisikal lang sila halos magkapareho pero talagang ibang iba siya kay Selena.
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanfictionFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...