Paris' POV
'I'm bringing you sexy back. Hey!'
Justin Timberlake kept on singing as my background music. Hindi naman ako mahilig sa kanya before pero ngayon, I think sobrang sexy ng boses niya.
Not just that. Ang sexy niya. Period.
Because of my obsession with him, napanood ko bigla yung Friends with Benefits at in fairness, sobrang kinilig ako sa flash mob confession. Sana biglang magkaroon ng ganung flashmob for me.
Sana madali lang abutin si Justin Timberlake.
"Paris!" Rinig kong sigaw ng isang babae sabay bukas ng pinto at pasok ni Leighton at Selene. "Happy na, Birthday pa." Sabay nilang kanta.
'Tong dalawang 'to, forever childish talaga eh. Si Selene umupo sa lapag at tiningnan yung picture frames na nasa taas ng bedside table. If I know, tinitingnan na naman niya si Doha. Di ba siya nagsasawa sa mukha nun? Baka nga sa future, silang dalawa pa yung magkatuluyan.
Isa pa si Leighton na umupo sa kama ko. "Mas bagay sa'yo 'tong lipstick na 'to." Sabi niya sabay turo nung pink shade ng lipstick. Always the fashionista.
"Regalo ko?" Tanong ko habang nilalagay yung pin sa buhok ko. Hindi naman sa nagpapaganda ako ng bongga pero mas maayos naman kung presentable ako, hindi ba?
"Nasa baba." Leigthon said.
Tumayo naman si Selene at tumabi kay Leighton. Yung ulo niya, pinatong niya sa balikat ni Leigh and for the first time, nakita ko ang pagiging touchy ni Selene. Eh di sila na ang close. "Hinarang ni tita, sa pinto pa lang."
Biglang may kumatok sa pinto na binuksan ni Doha. "Ate, ang bagal mo!" Reklamo niya. Pasalamat siya matangkad siya at di ko siya mabatukan.
Exactly one year lang naman ang tanda ko kay Doha kaya sabay na lang kaming inenroll ni mama sa school. "Hoy Selena, regalo ko?" Sa Wednesday na din kasi ang birthday niya kaya pinagisa na lang ni mama yung party, aalis na din kasi si papa papuntang China eh.
Pro-golfer si papa kaya madalas siyang magtravel while model naman dati si mama. Would you even believe na childhood sweethearts sila then nagkita uli sa Italy?
Nung bata ako, pinapangarap ko yung lovestory na katulad sa kanila. Yun ang dahilan kung bakit kinakaibigan ko lahat ng kapitbahay namin dati pero wala eh. Walang 'the one', walang 'Mr. Right'. In the end, I gave up. Baka naman maiba yung lovestory ko sa kanila.
Actually, feeling ko nung highschool ako required na magkaboyfriend ka bago magcollege. And nainggit din ako sa friends ko na may mga love life. I'm pretty pero bakit walang nanliligaw?
Yes, call me a hopeless romantic. Kasalanan 'to ng mga pocketbooks at drama sa hapon na pinapanood ng maid namin. Kasalanan ng fairytales na kinukwento ng teacher namin nung Kinder.
Nang manligaw si Renz, I thought he's the one. He made me feel good, made me happy. We were tagged as the best couple back in highschool. He was the dance club president while I rule the sports club.
Then it all changed last year. Yes, recently lang talaga kaya if you asked me kung nakamove on na ba ako, I'll say no. Mahirap pa rin tanggapin na pagpasok ng New Year ay single ka na.
Tanggap ko naman na sa ibang college siya pumasok pero ang masakit ay yung may iba na din pala siya kaya dun siya nagaral. Masaklap, meron din siya sa ibang school and what's frustrating is Volleyball Team Captain din sila like me.
That time I felt na ginagamit niya lang ako. For status or popularity, di ko alam. Basta masakit. Akala ko siya na. Akala ko may forever na. Wala pala talaga.

BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
Fiksi PenggemarFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...