Paris' POV
I miss you, Paris.
Yan ang bumungad na post ni Rome pagkaopen ko ng FB ko. Simula kasi kumalat yung picture namin ni Kit, di na ako nagopen ng kahit anong social media account dahil sa pambabash ng mga schoolmate naming walang magawa.
At dahil sa assumera ako, wala akong magawa kundi isipin na namimiss na nga ako ni Rome.
Ikaw Paris, namimiss mo ba si Rome?
Minsan gusto kong burahin yung isang side ng utak ko. Yung mga tanong nung subconcious mind ko, mas mahirap pa sa algebra equations na tinuturo sa highschool.
Pero di mo nasagot yung tanong ko, namimiss mo ba si Rome?
Namimiss ko nga ba siya?
Biglang may bagong notification na galing sa facebook ni Rome, nagpost siya ng pictures with title sa album na 'I miss Paris' at puro pictures niya sa iba't ibang sight seeing sa Paris.
Oh eh di siya na yung pumunta sa Paris. Badtrip!
Bakit disappointed ka?
Bakit nga ba? Ewan ko ba. Lately, parang gusto kong kausapin si Rome pero pag magtatype na ako, umuurong yung mga sasabihin ko. Siya na patravel travel habang natalo ko yung last game ko para sa volleyball team.
Dapat ko ba siyang kausapin o hindi? Bahala na, hihingi na lang ako ng sign.
"Announcement." Sigaw ng team leader namin sa department and I rolled my eyes. Bakit kaya ako lang ang babae sa department namin? Buti na lang din at napunta ako sa sports section ng magazine kung saan ako nagOOJT.
Muntik na akong bumagsak nang makita ko si Renz na katabi ng team leader namin. "This is Lorenz Henares, siya ang nakassign sa department natin habang wala si Sir Timothy." Nasa Guam daw ang boss namin para sa vacation niya pero bakit si Renz pa?
Ngumiti lang siya at tumitig sa akin. "Please be good to me." Lately, umeepal siya sa buhay ko. Kakaiba talaga si Renz. Nung kailangan mo, iniwan ka. Nung nakamove on ka na, lagi namang nandyan. Badtrip lang.
"Paris, pakixerox nga 'to para sa akin." Utos ni Bryan sabay abot ng isang folder. Yung totoo, anong OJT 'to? Wala pa akong ginagawa kundi magxerox at magtimpla ng kape.
Bago pa man ako tumayo, may kumuha na ng folder sa akin. "Bryan, kaya mo naman sigurong ixerox 'to diba?" Tanong ni Renz sabay abot ng folder sa nagbigay sa akin kanina. "Paris, samahan mo ako."
At bago pa man ako nakareact, hinawakan na niya yung kamay ko at pumunta kami sa coffee shop sa office. "Nasstress ka ba sa OJT mo?"
Wow! Just wow! Ngayon pa siya nagpapanggap na ang bait niyang boyfriend. Inabot niya yung baso ng cappuccino at napatingin ako sa kanya. "Renz, anong ginagawa mo?"
Napatitig siya sa akin. "I'm sorry sa nangyari dati pero past na yun." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "I regret what I did. I miss you, Paris." Bakit ba ang daming nakakamiss sa akin ngayong araw?
Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. "Past na nga yun Renz kaya kalimutan na natin." At umalis ako para iwan siya sa coffee shop. Tagal namin magkarelasyon pero di niya alam na hindi ako umiinom ng kape? Talaga naman!
"Paris!" I heard someone say kaya napalingon ako sa lalakeng patakbo sa way ko. I blinked in surprise. Si Rome?
Nang makalapit na siya, I hugged him tight. Eto na ba yung sign? Miss na miss ko na nga siya. "Rome. Bakit kasi umalis ka pa?" Tanong ko habang pinapalo yung dibdib niya.
"So totoo nga ang sinasabi nila." Tanong ng lalake kaya napatingin ako sa kanya. Hindi siya boses ni Rome. "Gusto mo nga si Rome."
Napatitig ako sa kanya. "Hindi ganun, Kit." Sabi ko at napangiti siya, ruffling my hair. Buti na lang talaga at matangkad siya kahit mas bata siya or kung hindi nabatukan ko na 'to.
He shook his head. "Don't worry, Paris. Tanggap ko naman na mahal mo talaga si Rome. Aalagaan na lang kita habang wala pa siya."
"Paano mo nasabi na mahal ko si Rome?"
"Halata naman eh. Siya yung hinahanap mo pag game. At..." Tinuro niya yung necklace ko. "Siya ang nagbigay niyan diba? Hindi mo naman iingatan yan kung hindi galing sa kanya eh."
Napatango ako. Hindi ko rin alam kung bakit masyado kong iniingatan ang necklace na 'to and he just answered why. "And you miss him. You're waiting for him." He said that made me stop. "Kaya you shut off Lorenz and the new admirer."
Napahawak ako sa braso niya. Why do my knees feel this week? "Kit, I'm sorry."
But he just smiled. Bakit kamukha niya si Rome? Or I'm just hallucinating? "Ayos lang yun ate Paris. Masaya ako kung saan ka masaya." Tinawag niya akong ate?
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Bakit kaya nandito 'to? Ngumiti lang siya bilang sagot at napailing ako. Napakasecretive talaga ni Kit.
Pero masaya ako na pumunta siya dito. He made me realize a lot of things and the most wonderful thing is knowing na may feelings nga ako for Rome. Naeexcite na ako umuwi para imessage siya sa FB mamaya.
Pagbaba ko ng taxi, nagulat ako nang makitang nakapark yung kotse nila papa sa labas ng bahay. Nandito sila? At bakit hindi nila pinasok yung kotse sa bahay?
Pagpasok ko, nasa sala silang lahat at si Sydney lang ang wala. "Opo dad. Papakasalan ko siya." Narinig kong sabi ni Doha at napatingin sa katabi niya. Dahil nakatalikod yun sa akin, yung blonde na buhok lang ang nakita ko maging yung pink sa dulo.
Pakasal agad? Hindi ba parang nagmamadali sina Doha at Selene? "Paris, thank God you're here. Help me." Sabi ni mama na parang nagmamakaawa. Nakita ko lang napanbuntong hininga si Doha at napatingin sa akin yung babaeng katabi niya.
Sino siya? Hindi siya si Selene? Pero akala ko... Biglang umiwas ng tingin si Doha at humarap kay papa. "Dad, desidido na ako. Papanagutan ko po si Erika." Nasabi niya at naihulog ko yung bag ko. Papanagutan? Nakabunti siya?
Biglang huminga ng malalim si papa. "Do what you know is right, Doha." At bigla siyang umakyat papunta sa kwarto niya. Napailing lang si mama, watching her only son sigh. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip naming pareho, paano na si Selene?
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanficFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...