Elle's POV
After what Leigh told me about Erika. Nagsimula na naman ako sa sleuthing business ko. Nung bata ako, idol ko si Conan kaya naman nahilig ako sa detective movies.
Dahil sa google, nalaman ko yung IP address ng nagpost ng pictures sa homepage. Nalaman ko na computer sa school namin ang ginamit and for the first time in my college life, pumasok ako sa school library.
Inopen ko yung computer na nakita ko sa IP address at tiningnan yung log ng mga students na gumamit. Dahil halos two months na ang nakalipas, nahirapan na akong hanapin yung profile ng student na gumamit ng computer.
Erika Celine Olivia Lim. Yan ang nakita kong pangalan ng gumamit ng computer sa exact time and date ng pagkakapost ng picture. Si Erika nga!
Hinanap ko yung student profile ni Erika at nakita na pareho din kami ng highschool na pinagmulan. Nasa visual arts department siya, interior design tulad nang kay Leigh.
Olivia? Yung nerd na kinaiinisan ni Leighton? Yung laging nakikipagdebate sa kanya sa klase? Tiningnan ko yung class schedule niya at halos lahat ng klase niya ay may overlap na klase naming lima. Hindi naman siya athlete pero irregular siya.
Hinanap ko siya sa Facebook at nakitangang may lima kaming common friends: si Rya, si Paris, si Doha, si Selene, at si Gio.
Si Gio? Bakit friends sila? Magkakilala ba sila? Dapat talaga magkaroon na ako ng pakealam sa mga classmate ko.
Tapos na ang OJT ng fourth years at balik school na din kami. Kailangan ko linawin ang lahat tungkol kay Erika. Kung bakit niya 'to ginagawa at ano ba talaga ang gusto niya.
Pumasok ako sa classroom nila para sa Physics at nakikipagdaldalan siya sa mga kaibigan niya. May kaibigan pala siya? Last Valentine's, ang loner niya. Sure pa nga ako na binili lang niya yung bouquet na dala niya nun eh.
"Erika." Tama nga si Leigh, para talaga siyang Selene. Pero iba naman itsura niya sa picture niya sa school profile. Tumayo siya at tumingin sa akin, kasama ng mga alipores niyang mukhang plastic. "Bakit pinost mo yung picture sa homepage? Ano ba talagang plano mo ha?"
"Kawawang Elle, nagiisa na lang." Sabi niya habang nakacross yung braso sa dibdib niya. Bitch! Makapagtaray, kala mo kagandahan. "Kawawa ka naman, iniwan ka na ng mg kaibigan mo."
"Elle?" Biglang may tumawag galing sa may pintuan. Si Selene. Balik black na yung buhok niya at nagsalamin na siya ulit. "Anong ginagawa mo dito?"
"Isa pang loser." Sabi ni Erika na may kasamang smirk. Aba, sumusobra na 'to ah.
Hinawakan ko yung braso ni Selene. "Hoy, lumaban ka naman. Ginagaya ka niya tapos wala kang gagawin."
"Hayaan mo na." Talaga naman 'tong si Selene. Mas nakakakastress pa siya. "Tara na."
"Cowards." Comment pa ni Erika sabay taas ng kilay.
Bwisit! Hinawakan ko yung pink sa buhok niya at tatangkain na hilahin yun. Pero pinigilan ako ni Selene kaya natulak siya ni Erika at bunagsak sa tabi ng desk. "Gabrielle! Selene!" Sigaw ng lalake at dere-deretso siya sa tabi ni Erika. "Ayos ka lang?"
Tinanong niya si Erika kung okay lang siya eh tinulak nga niya si Selene. "Hoy Doha Samuel!"
"Gabrielle, wag ka nga mageskandalo dito." At naginarte ang hitad sabay yakap kay Doha. Napatingin naman siya kay Selene na nakaupo pa rin sa sahig. "At Selene, please wag si Erika." Selene? Nasaan na yung Selena? Anong nangyayari? Bakit mas pinoprotektahan ni Doha si Erika ngayon?
"Kaya mong tumayo?" Narinig kong may nagtanong sa gilid. Lalakeng may violet na buhok, yung kasama ni Selene sa isang picture. Yung playboy. Binuhat niya si Selene bridal style at nakita ko na mukhang napilipit yung paa niya.
Tinulak ko yung balikat ni Doha at napatingin lang siya sa akin. "Problema mo? Ayos lang masaktan yung bestfriend mo, wag lang yung babaeng yan? Yung babaeng tumulak sa bestfriend mo!" Nakakabwisit 'tong si Doha ah.
Yumakap pa lalo si Erika kay Doha at napatitig ako. Sila ba? "Bakit Doha? Hindi pa ba niya alam na ikakasal na tayo?" Kahit mga classmates nila, nagulat sa sinabi niya. Ikakasal? Alam na ba ni Paris 'to?
Naguguluhan ako. Ang hirap talaga ng walang balita sa isa't isa, nagugulat na lang ako sa nangyayari. Bakit kasi nagkanya kanya pa kami?
Pinuntahan ko si Selene sa clinic at nakita ko si Paris na nilalagyan ng benda yung paa niya. "Sprain lang yan." Sabi niya kaya napatango lang si Selene. "Alam mo na yung tungkol kay Doha?" At tumango siya.
Napatingin sa akin si Selene at ngumiti kaya napalingon si Paris sa akin. "Kinwento ni Leigh yung arrange marriage, kumusta ka Elle?" Tanong ni Selene and it's Paris turn to be curious.
Napaupo ako sa kabilang side ng clinic bed. "Pinagbabawalan akong makipagkita kay Kenjie. May nakabantay nga sa akin lagi eh." I sighed in relief. Buti na lang may nasabihan ako tungkol dito. Kala ko mababaliw na ako eh. "Kailan kayo nagusap ni Leigh?"
Selene sighed. "Si kuya ang in charge sa daddy niya. Pumunta ako sa hospital at sobrang broken siya." Kwento niya at napatango ako.
Umiling si Paris. "Teka. Beb, anong nangyayari?" Napangiti ako. I missed my beb. Namimiss kong may tumatawag sa akin na beb. No, namimiss kong tinatawag niya akong beb.
Napangiti si Selene. "Gusto niyong umalis muna ako?" Tanong niya and we laughed.
"Namiss ko kayo!" Comment ni Paris at lumapit sa amin ni Selene, hugging the two of us.
We need a lot of catching up to do. Sayang lang at wala yung dalawa but at least, start na din ng pagiging okay namin.
"Saan ka galing?" Tanong ni Gio, kasunod ang dalawang bodyguard ni daddy na inassign para bantayan ako. Hindi ako pumasok sa klase at nagkwentuhan lang kaming tatlo sa clinic hanggang paalisin kami ng school nurse.
I glared at Gio, bakit ba sunud-sunuran siya sa daddy ko? At hanggang ngayon, palaisipan sa akin kung bakit magkaibigan sila ni Erika. Napakamysterious niya. Hindi ko talaga maintindihan yung takbo ng utak niya.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Magmula ngayon, hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko." Sabi niya sabay hila sa akin palabas ng campus.
"Ano ba, Gio? Nasasaktan ako!" Sigaw ko pero wala lang sa mga bodyguards. Kainis. Kanino ba sila nagtatrabaho? Hawak pa rin niya yung kamay ko at kinakaladkad ako papunta sa car park.
Isasakay na ako ni Gio sa kotse niya nang biglang may humila sa kabilang braso ko. "Giovanni, bitaw!" Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Kenjie yun.
Bigla siyang kinuha nung isang guard pero di niya pa rin binibitawan yung kamay ko. Sinipa ng isang guard yung kamay ni Kenjie kaya napabitaw siya at agad naman akong tinulak ni Gio sa loob ng kotse. "Ano ba Gio?"
"Wag ka na lumaban, Gab. Lalo lang masasaktan si Kenjie sa ginagawa mo." Pagbabanta niya at napatigil ako. Masasaktan si Kenjie? Napatingin ako kay Gio na nakatingin sa labas ng kotse. "Akin ka lang, Gab."
Tumunog yung phone ko. Si Rya. Agad kong sinagot ang tawag. "Elle, si Kenjie..." Tapos kinuha ni Gio yung phone ko at binato sa labas ng bintana. Fuck, yung cellphone ko!
"Giovanni!"
"Kung pwede lang itali kita, gagawin ko Gab."
Damn! Kung sa tingin ni Leigh, freaky si Erika. Mas freaky pa rin si Gio. Kaya siguro naging magkaibigan sila.
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanfictionFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...