Help

17 0 0
                                    

Marco's POV

Pauwi na kami ni Rya nang makita namin ang isang kotse na over speeding palabas ng school. Pagpunta namin sa parking lot, may dalawang malalaking lalake na mukhang may pinapahirapang isang lalake.

Humawak si Rya sa braso ko. "Tulungan mo." Ang laki kaya ng katawan nung dalawa tapos gusto niyang makisali ako sa gulo nila? Paano pag masira kagwapuhan ko nito?

"Ano yan?" Sigaw ko at tumigil yung dalawa. Kakabahan pa sana ako nang mukha silang bored na umalis na.

"Oh my God!" Sigaw ni Rya at tumakbo sa tabi nung lalakeng namamaga ang mukha. "Kenjie." Kilala niya yung lalake? Agad niyang kinuha ang phone niya at chineck ko kung humihinga pa yung Kenjie. "Elle, si Kenjie nandito..." Tapos bigla siyang tumigil.

Aaah. Siya yung kasama ni Elle sa picture niya sa homepage. "Biglang nadisconnect." Sabi niya at tinry tumawag uli pero umiling siya.

"Hindi ba muna natin siya dadalhin sa hospital?" I asked at napatampal siya ng noo niya. Ang cute talaga nito.

Tinulungan kong buhatin si Kenjie habang si Rya ang nagopen ng kotse. Madali akong nagdrive papunta sa ospital at agad namang inasikaso ng mga nurse si Kenjie.

Instead of leaving, hinintay muna naming maging okay si Kenjie pero nagulat na lang kami ni Rya sa kung sinong nakita namin sa lobby. Si Leighton at Selene.

"Leighton! Selene!" Sigaw ko sabay sorry sa mga nakaupo na naistorbo ko. Napalingon naman sila sa akin at napansin ko yung benda sa paa ni Selene. "Anong nangyari sa'yo?"

Umiling siya kahit medyo nagulat. "Sprain lang 'to." Sabi niya sabay tingin sa paa niya at napatango ako. Ang clumsy niya kasi eh. "Bakit nandito ka? Sinong kasama mo?"

"Si Rya."

"Anong nangyari kay Rya?" Tanong ni Leigh at napangiti ako. Kahit ano pang sabihin nila na magkanya-kanya, hindi nila maalis na nagwoworry pa rin sila sa isa't isa.

Umiling ako. "Kasama ko lang siya. May dinala kasi kami dito sa ospital." Natahimik silang pareho at nagkatinginan. Buti na lang nakita ko sila dito. "Gusto kayong kausapin ni Rya kaya lang hindi kayo pumasok kanina."

"Akala ko pumasok ka." Sabi ni Leigh kay Selene kaya natawa na lang siya. "Anyways, where is Rya? At sinong dinala niyo dito?"

Napakunot yung noo ko. Sino nga ba yun? "Si Ken..." I gave up, hindi ko maalala. "Kaibigan ni Elle."

Nagkatinginan silang dalawa. "Si Kenjie?" Tanong ni Leigh at tumango ako. Aah. Kenjie nga pala. "Nandito si Elle?"

"Tinawagan pero nagdisconnect yung call." Sabi ko habang naglalakad na kami papunta kay Rya.

Awkward. Yun ang masasabi ko habang pinapanood silang tatlo. Parang takot na takot sila lumapit kay Rya na isa pang takot na hawakan yung dalawa.

Lumabas yung doktor mula sa emergency room at tiningnan kaming apat. Hindi ko alam kung bakit sa pangVIP na room siya dinala pero dahil sa St. Dominic siya nagaaral, baka nga mayaman 'to. "What happened to Mr. Villafuente?" Tanong ng doktor at nagulat ako, mayaman nga.

Rya shrugged. "Nakita na lang namin siyang ganyan." And I was surprised. Bakit hindi niya sinabi na nabugbog siya ng dalawang lalake?

"Kailangan malaman 'to ni Dr. Villafuente."

"I'll inform him." Sabi ni Leighton kaya napatingin kami ni Rya sa kanya. Tumango lang yung doctor at bumalik sa loob. Siguro pareho kami ng iniisip ni Rya ngayon. Bakit kailangang si Leighton pa ang magsabi?

"Ano bang nangyari kay Kenjie?" Tanong ni Selene.

Napatingin ako sa kanilang tatlo, nagpapakiramdaman. "Nakita na lang namin na may dalawang lalakeng bumubugbog sa kanya." Kwento ko.

"Kasama niya si Elle?" At umiling ako. Napatingin naman si Selene kay Leighton. "Tapos hindi niyo macontact si Elle?" Tumango ako.

Lumapit si Rya sa dalawa. "Ano bang nangyayari?" Tanong niya kaya napabuntong hininga si Selene.

Ang tagal kasi nilang walang balita sa isa't isa. Ayan tuloy, para silang nangangapa sa kung paano kakausapin ang isa't isa.

"Binabawalan kasi si Elle na makipagkita kay Kenjie. And I'm sure bodyguards niya ang gumawa nun." Explanation ni Leigh. Bakit naman bawal sila magkita? Akala ko ba sila. "Kapag nalaman ni Dr. Villafuente na parents ni Elle ang may gawa nito..." She stopped at napatingin kay Selene, na parang pinapakiusapan siyang ituloy ang sinasabi niya.

Selene sighed. "Baka ituloy ang engagement ni Leigh at Kenjie."

"What?" Sigaw ni Rya. Akala ko si Elle at Kenjie? Paano naging si Leigh? Ang gulo!

Naupo kami sa may lobby at kinwento ni Selene ang lahat habang nanahimik naman si Leigh. "Eh anong sabi ni Joshua?" Tanong ni Rya.

Natahimik si Leigh at biglang napayakap kay Rya. Hindi naman siya nagsalita pero umiiyak na siya sa balikat ng kaibigan niya. Siguro mah nangyari sa kanila ni Joshua.

"Ano nang plano niyo?" Tanong uli ni Rya habang hinahaplos yung likod ni Leigh para patahanin ito.

Umiling si Selene. "Rya, ikaw ang planmaker sa atin. Kailangan namin ng tulong mo." Sabi niya and I smiled, nodding kay Rya. Urging her na maging okay na sa mga kaibigan niya. Kailangan niya yun to move on. Kailangan niya yun to be happy.

She nodded as answer. "Iisip ako ng paraan." Promise niya sabay haplos sa buhok ni Selene. "Namiss ko yung black hair mo."

"Mas namiss kita!" Comment ni Selene kaya napatayo ako. Kailangan nila ng alone time, makikisali pa ba ako?

Naghahanap ako ng vendo para makabili ng inumin pero nakarating ako sa cafeteria ng ospital kung saan may mga nurse na nagkakagulo dahil sa doktor na kadadaan lang. May black siyang buhok at may suot na salamin, mukhang anime.

"Ang gwapo ni Doctor Perez." Sabi nung isa sa cashier na binigyan ko ng bayad. "Kaya lang mukhang may girlfriend na siya."

"Kapatid niya yun." Talaga naman. Uso din pala tsismis sa ospital.

Umiling yung nurse. "Dinedeny niyang kapatid niya yun. Girlfriend nga pakilala niya sa floor namin eh."

Napashrug yung cashier. "Baka ampon yung isa sa kanila." Kinuha ko yung sukli ko at lumabas sa cafeteria.

Bumalik ako sa tatlo, dala dala yung mga tubig na binili ko. Nagulat ako na may doktor na kausap si Selene, lalakeng mukhang anime. "Kuya." Pagtawag niya na parang naiinis na siya. Kuya? Hindi kaya si Selene yung pinaguusapan ng nurse at cashier kanina?

At bakit medyo pamilyar yung lalake? Parang hindi nga talaga siya papasang kapatid ni Selene. Pero may kahawig siya. Di ko lang maisip kung sino.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon