First Date?

8 1 0
                                    

Selene's POV

Hindi ko alam kung kailan yung last time na pumunta ako sa Star City, sasabihin lang kasi ni kuya na aksaya lang sa oras at pera yung pagpunta dito. Naging excited tuloy ako lalo na at ang daming bagong rides simula nung huling pumunta ako dito.

Hindi ko naman kasi matanggihan si Dustin nung sinabi niyang gusto niyang pumunta dito. Ayan, hindi ko tuloy nasamahan si Leigh sa concert ngayong gabi.

"Nasaan ka na ba?" Tanong ko kay Dustin na kausap ko sa phone. Nasaan na ba 'tong batang 'to?

Bigla siyang umubo. "Ate, hindi ako makakapunta. May sakit ako eh." Baliw nito. Sana sinabi niya bago ako pumunta dito. "Hanapin mo na lang si kuya." Tapos bigla niyang binaba yung tawag.

Kuya? Si Justin? "Selene." Napatingin ako sa likod at nandun si Justin na nakablack hoodie at ripped jeans, amusement park look talaga.

Buti na lang at normal fashion ko na yung jeans at sneakers tapos yung three fourths na damit. Inexplain lang niya na tinawagan daw siya ni Dustin. Binigay din niya yung ride all you can sa akin. Kaya kahit gusto kong umuwi na, di na ako matanggi.

"Simulan na lang natin yung Physics project natin." Sabi niya at napatango ako. Siya naman ang partner ko sa project kung saan kailangan naming gumawa ng prototype ng isang amusement park ride. "Saan na tayo?"

“Ferris wheel. Yun naman project natin, diba?” Nagdecide kasi kami na ferris wheel na lang gawin namin dahil madaling iexplain.

Natawa siya at napatingin na lang ako sa kanya. Ano kayang problema nito? “Sayang naman yung ticket.” Sabi niya that made me nod. Sa bagay, sayang ang ride all you can. “Isa pa, mas romantic ang ferris wheel sa gabi.”

Napailing lang ako, sanay siguro siyang nilalandi lahat ng babae pero hindi naman eepekto sa akin yan eh.

Hinawakan niya yung kamay ko at dinala ako sa harap ng Horror House. “Pag natakot ka, yumakap ka lang sa akin.”

Hindi naman naging effective yung plano niya dahil walang nangyaring nakakagulat sa Horror House at isa pa, sa bata lang ata umeepekto yung takot dun. Nagbump cars kami at sa totoo lang, sumakit yung leeg ko kakabangga niya sa akin. Parang bata naman kasi ‘tong kasama ko.

Inaya ko siya sa Cyclone Loop pero umiling lang siya, takot pa ata siya sa mataas. Sumakay kami sa Gyro Drop at medyo napahigpit yung hawak ko sa kamay niya pagbaba namin.

Pagkatapos namin sa Viking, todo ngiti siya. Sigaw kasi siya ng sigaw, hindi ko naman maintindihan kung anong sinasabi niya. Sumakay din kami ng Wild River at ang pinakamasayang part ay yung nahulog yung log na sinasakyan namin at medyo nabasa kami ni Justin.

Hinubad niya yung hoodie niya at pinasuot sa akin dahil basang basa yung three fourths ko. Nakasuot siya ng black na tshirt sa loob ng hoodie niya na sinuot ko. Ang bango pa ng pabango niya.

Bago kami pumila sa ferris wheel, nagaya siyang kumain kaya bumili kami ng fries at burger dahil ayaw niya kumain ng marami. Ang weak!

Napadaan kami sa isang basketball game na ang goal ay makashoot ng tatlong bola para makuha yung stuff toy na panda.

"Ang cute nung panda." Bigla kong nasabi sabay hinto. Kung sana nandito si Doha para laruin yung game, eh di sana may panda na ako paguwi.

Sa gulat ko, nagbigay si Justin ng pera dun sa operator at nagsimulang magshoot ng limang bola pero isa lang ang pumasok. Napailing ako, wala talagang talent ‘to. “Tara na, hindi ka naman magaling dyan eh.”

“Kukunin ko yung panda na yun.” Sabi niya sabay bigay uli ng pera sa operator.

Ngayong nakasama ko siya, tatlong bagay lang ang naconclude ko.

Una, napakayaman ni Justin. Nilibre niya ako ng pass, pagkain, at nakaapat na try na siya sa basketball game na ‘to. Yung ginastos niya sa paglalaro, pwede nang ipambili ng isang stuff toy sa Blue Magic.

Pangalawa, talagang pag may gusto siyang bagay, gagawin niya lahat para makuha yun. Kaya siguro natuwa ako nung nakuha niya yung inaasam niyang panda after six tries.

Pangatlo, ang charming niya pala.

Napailing ako sa huling naisip ko. Hindi. Hindi charming si Justin Christian Santos. Pero bakit ang hirap paniwalain ng sarili ko?

Nakapila kami sa ferris wheel dahil medyo gabi na at marami nang nakapila na halos lahat ay lovers, ang awkward tuloy. Baka pagkamalan pa kaming lovers lalo na at buhat pa rin niya yung panda na nakuha niya. Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa ferris wheel na nasa harap namin at pinagaralan yung structure para magawan na ng sketch for project.

Kitang kita yung mga ilaw sa Roxas Boulevard pagdating ng bagon ng ferris wheel sa pinakataas kaya mas naamaze ako. Naniwala na ako sa sinabi ni Justin na mas maeenjoy ang ferris wheel sa gabi. Sana kasama ko sila tatay ngayon, malamang matutuwa si nanay at lalo na si Alex sa mga ilaw.

“Nagenjoy ka ba?” tanong niya at napatango ako, nakatingin pa rin sa labas. “Buti naman.” May sabay na malalim na paghinga ang pagkakasabi niya nun kaya napatingin ako sa kanya.

Sa gulat ko, nakatitig siya sa akin na parang kanina pa ako tinitingnan. "Bakit?"

Umiling siya at natahimik ako, baka ayaw niya makipagusap. Pero namumula yung tenga niya habang mahigpit na nakakapit sa panda na nakuha niya.

Nang matapos na kami sa ferris wheel, dire-diretso na si Justin sa exit na hindi man lang ako kinakausap. Gusto ko pa sana pumunta sa ibang rides o kumain pero baka gusto na niyang umuwi.

Medyo mahihirapan na din akong sumakay kapag nagpagabi pa ako. Pumara siya ng taxi at sa gulat ko ay tinulak ako papasok. “Boss, pakihatid na lang siya sa kanila.” Sabi niya sabay abot ng pera sa driver.

Magrereact pa sana ako nang ibato niya yung panda sa akin. “Alagaan mo si Anja ah.” Sabi niya at biglang sinara yung pinto bago pa ako makareact.
Anja? Akala ko hindi 'to para sa akin.

Napatitig ako sa panda na nakangiti sa akin. Bakit kamukha niya si Justin? “Miss, mainit ba dyan sa likod?” tanong ni manong driver sabay adjust ng aircon. “Namumula ka.”

Bakit namumula ako kung giniginaw naman ako sa likod ng taxi? At bakit ang lakas ng amoy ng pabango ni Justin sa hoodie na suot ko?

Hindi. Delikado yung iniisip ko ngayon. Imposible 'tong tumatakbo sa isip ko.

Biglang nagvibrate yung phone ko, registering kuya's number. Bakit biglang tumawag si kuya Apollo? "Nasaan ka?" Pero bago pa ako makapagsalita, nagpatuloy na siya. "Dinala ni Doha si tatay dito sa ospital. Nasaan ka ba?"

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon