Isaiah's POV
Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakatuntong ng Manila pero sigurado ako na wala pang one year nang umalis ako. Life in Boston had many ups and down pero mas masaya ako compared dito. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa akong pabalikin ni Marco.
"Iho. Welcome back!" Pagbati ni tita Babes. Dahil nasa Boston na din kami nakatira, binenta na nila papa yung bahay namin dito kaya madalas kina Brianna na kami nakikitira pag pumupunta sa Pilipinas.
Biglang tumakbo si Isay papunta sa akin. "Kuya Two!" Natawa na lang ako, namiss ko din yung kakulitan ng batang 'to. "Chocolate ko."
"Mawawala ba yun?" Tanong ko sabay pisil sa ilong niya.
Napaupo ako sa couch habang nakakandong sa akin si Isay. "Wala si Brianna, may gagawin daw siya sa school ngayon." I smiled. Kahit pilitin ko sa sarili ko na hindi si Brianna ang pinunta ko dito, may part sa akin na gusto ko siyang makita. I want to see kung paano siya naggrow nung naghiwalay kami.
"Tita, si Marco po?" Tanong ko pero umiling lang siya. Nasaan kaya yung tarantadong yun? Gusto pa niyang pumunta ako dito, nawawala naman pala siya.
Napatingin ako sa mga frames na nasa taas ng piano, nandun pa rin yung picture namin ni Brianna nung first anniversary namin pero katabi na nun ay yung picture nila ni Marco. Napailing ako, hindi pa rin pala siya nagbabago.
Pumasok ako sa kwarto ni Marco at inopen yung laptop niya, tinype ko yung password niya na birthday ni Brianna at inopen yung folder na may pangalan niya. Kung hindi ko 'to kapatid, baka isipin kong stalker siya ni Brianna.
Maganda rin pala dulot ng break up namin.
Ni minsan, hindi ko pinlano na saktan si Brianna. Dati naniwala ako na mahal ko siya kaya niligawan ko. Nung naging kami, nalayo naman ang loob ni Marco sa akin dahil sa pangaagaw ko daw sa babaeng mahal niya. Sa una, wala akong pakealam. Kasalanan niya, ako ang pinauwi nila dito eh.
Pero ang gago kong kakambal, nagtry magsuicide maibalik lang daw sa kanya si Rya niya. Dun ko natuklasan na kulang pa pala ang pagmamahal ko kay Brianna kumpara sa pagmamahal ni Marco sa kanya. And that blood is indeed thicker than water.
Biglang nagring yung phone ko at naregister yung number ni Marco. Bago pa man ako makapagsalita, inunahan na niya ako. "Hoy gago, pumunta ka sa 183 Bar dito sa Makati." Mukhang lasing na ang loko.
Dali dali naman akong nagpahatid sa driver dun sa sinabi niyang bar. Agad ko siyang nakita kasama yung kapatid ni Paris. "Ngayon ko lang kayo nakita na magkasama, ang weirdo pala talaga." Sabi niya at napailing na lang ako. Ang dami nang nagsasabi niyan. Ang weirdo kaya ng may kakambal.
"Marco, uwi na tayo." Sabi ko sabay kuha ng baso na tutunggain niya sana. Parang bata talaga 'to kahit kailan. "Kailan ka ba tatanda?"
"Ikaw? Kailan ka ba tatanda?" Tanong niya. "Kambal tayo kaya sabay tayong tatanda." Natawa naman si Doha sa pinagsasabi niya. Batukan ko kaya 'tong lintek na 'to. "Kailan ka ba magsosorry sa kanya? Alam mo ba na dahil sa'yo, daig pa niya ang ampalaya sa pagiging bitter."
Tumango lang si Doha sa sinasabi ni Marco kaya napabuntong hininga ako. "Dahil sa'yo, nawala diskarte ni Doha. Dahil sa'yo, ayaw na niyang magmahal uli. Gago ka kasi Isaiah eh."
Napangiti ako. "Sino bang nagpakamatay sa kanya?" Bigla niyang hinawakan yung kwelyo ko. "Sinaktan ko siya para pumasok ka at buuin siya uli pero nahuli ka ng dating. Kasalanan ko pa ba yun Marco?"
Bigla siyang napabitiw sa akin. "Hindi ka ba pwedeng magsorry sa kanya, kuya?" Nagulat ako. Unang beses na tinawag akong kuya ni Marco. Kahit kambal kami, mas matanda ako sa kanya pero hindi niya matanggap yun kaya unang beses na tinawag niya akong kuya.
Napangiti ako. Dapat pala ako ang tumanda, tapos na siya. Alam na niya kung paano ipaglaban yung mga mahalaga sa kanya. Kaya panahon na para ako naman.
Hinatid ko si Marco pauwi at iniwan si Doha sa bar dahil maglalasing pa daw siya. Pagdating namin sa bahay, tinulungan ako ng driver na iakyat si Marco sa kwarto niya.
"Nandito ka na pala." Narinig kong sabi ni Brianna paglabas ko sa kwarto ni Marco. Siguro talagang namiss ko siya kaya bigla akong napayakap sa kanya. "Isaiah?"
"I'm sorry Brianna." Tanging nasabi ko. Tama si Marco, simpleng sorry lang bakit hindi ko pa masabi? "I'm sorry for hurting you. I know cliche na 'to pero gusto kong sabihin na talagang nagregret ako nung sinaktan kita."
Hinawakan ko yung pisngi niya at nakatingin pa rin siya sa akin. "Pero hindi ako nagsisisi na pinakawalan kita." I said at nakita ko yung gulat sa mata niya. "Hindi ginawa ang break up para makasakit, ginawa yun para malayo ka sa maling tao na akala mo ay tama para sa'yo."
"So Brianna, let's be friends. Okay?"
Pero instead of shaking my hand and accepting the truce, sinampal niya ako. "Friends mo mukha mo." At pumasok siya sa kwarto niya ng padabog.
I shook my head, affected pa rin talaga siya. Napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit but I definitely deserved that.
Dahil kahit ilang sampal pa matanggap ko, kung ikakagaan ng loob niya, bakit hindi?
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanfictionFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...