Chapter 4

29 2 0
                                    


Nasa kwarto ko lang ako. At ano pa ba? Umiiyak, hayy kanina pa ko umiiyak. Di lang kasi ako makapaniwala na mangyayare ang mga nangyare ngayon sakin. Feeling ko.. ang sama kong Anak. Kahit na, ginagawa ko naman yung mga bagay na alam kong magiging proud sila sakin.

Pero wala pa rin pala! Wala pa rin pala silang makita. Pano na yung mga friends ko? Ayy oo nga pala! Wala kong friends! Bat ko nga ba nakalimutan yon? Wala akong friends, kasi masama daw ang ugali ko! As if naman may paki ako sa kanila! Di ko aayusin ang ugali ko para lang sa kanila! aba! Siniswerte ata sila?

Tok tok tok

"Mam, magdi - dinner na daw po kayo"

Bababa pa ba ko?

Magpapakita pa ba ko sa kanila?

Kakain pa ba ko?

Kaya ko ba silang harapin?

Pero ayoko pa.. ayoko pa silang harapin ngayon.

"Mam? Nandyan po ba kayo?"

"A-ah yes. B-bababa na ko"

Tsk ang sabi ko di ako bababa di ba? Ayoko?! Eh bakit iba ang lumalabas sa bibig ko? Pati ba naman ikaw? Na bibig ko? Tataliwas sakin? Ganon ba ko kasamang anak?

"Ah sige po mam!"

Hayy pano ba to?! Bat ba ko nahihiya sa kanila? Dapat nga sila yung mahiya sakin eh! Dahil wala silang time sakin! Sakin na Anak nila! Dahil ang time nila, para sa Business lang! The most important thing for my parents!

Nag ayos na ko ng sarili ko at bumaba na. Pagkababa ko, nakaayos na ang table. Nandon na rin sila daddy and mommy! Di pa sila kumakain, hinintay ata nila ako.

Umupo na ko sa upuan ko at walang sabi sabi ay kumuha agad ako ng pagkain at kinain yon.

"Bastos ka talaga!"

Di ko sila pinansin at tinuloy na lang ang pagkain ko. Aba! Sino nagsabi sa kanila na hintayin ako? Wala di ba? Tapos sasabihan nila ako ng BASTOS? Baka sila? Kumakain ako tapos KAKAUSAPIN AKO?

"Crislyn"

Daddy trying to talk to me. But i just shut my mouth and continue to eat. Kumakain ako! Wag silang bastos!

"CRISLYN!! CAN'T YOU HEAR? YOUR DAD IS TRYING TO TALK TO YOU!"

"So?" Pero sa pinggan ko lang ako nakatingin

"Wala ka talagang galang!"

"Then?" Walang ganang tanong ko.

"We're just want to tell you that on Monday, is the first day of your life in your new school. SO BE READY"

New school. TSS Eh ano ngayon? Kaya ko naman sarili ko. Kahit wala sila. Buong buhay ko nga ata wala sila sa tabi ko eh. Nayon pa kaya? Sanayan lang yan! At matagal na naman akong Independent.

"Hmm.. ok"

"And tomorrow, babalik na kami sa GREECE. Di pa kami tapos sa meeting namin don"

"Ayy ganon? Okay! Enjoy! And oo nga pala bago ko makalimutan, agahan nyo ah? Goodnight"

"Di porket wala kami dito. Pwede ka nang umalis at pumunta kung saan saan. We will always monitor you"

In The End   Where stories live. Discover now