Kanina pa kami nag uusap - usap. Tungkol sa mga kung ano anong bagay. Dahil sa kadaldalan nila, nalaman ko kung gaano pala ka - playboy tong si chase. Grabe! Yung kasama nya kaninang babae bigla nalang nawala. Tapos iba na naman ang kasama ngayon? Waahh kahit naman ganto ang ugali ko, warfreak or ano. May pakielam naman ako sa mga kapwa ko babae no!
Kahit naman wala pa akong nagiging boyfriend dahil sa ugali kong to, alam ko naman ang pakiramdam ng masaktan! Yung parang, nagmahal ka ng totoo tapos bigla na lang malalaman mo na sasaktan ka lang pala nya tapos paaasahin na mahal ka nya talaga! Wait wait wait! Parang ang OA ko na! Eto kasing si chase eh pasimuno!
"Bat ako ang pinag - uusapan nyo? Bat di na lang yung iba dyan na hindi nakapang - chicks ngayon dahil kasama yung mga girlfriend nila?!" Naaasar na sabi ni chase. Wheheh pikon!
"Ahh alam ko na!" Biglang singit naman ni acer
"Ano naman yun acer?" Tanong naman ni bryce. May binulong naman si acer kay bryce, tapos nag - tanguan sila. Tama nga sila shaira. May pagka - mongoloid nga silang magkakaibigan!
"Crislyn, nagkaboyfriend ka na? Or may boyfriend ka?" Na bigla naman ako sa tanong ni bryce. Ano bang trip nila? Bat napunta sakin?
"Ano ba naman kayo?! Bat napunta sakin yung usapan?" Naaasar na tanong ko sa kanila
"Wala lang! Basta sagot ka na lang!" Pinipilit talaga ako?
"Wala. Pa. Akong. Nagiging boyfriend, okay? Okay na?" Diniinan ko na ah
"Huh?! Eh kala ko ba.." Gulat na tanong ni caramel
"Diba boyfriend mo si wayne?" Tanong ni yunamei sabay tingin sakin pati kay wayne. Yun na nga yung dapat kong sabihin kanina eh. Inunahan lang nila ako
"No/Yes" sabay na sagot namin ni wayne. Aba! Tignan mo nga naman. Hanggang dito ba naman, pagti -tripan niya ako? Di ba sya nappagod?
"Yooownn!!" Sabay sabay na sigaw ng boys. Tsk
"Wait. Ano ba talaga?" - shaira
"Yung totoo? Kasi i am nalilito na eh!" Waahh conyo tong si yunamei?
"Yes or no?!" - caramel
"YES/NO NGA!!" sabay na naman kami.
"ANG GULO NYO!"
"BAT BA KASI AYAW MONG MANIWALA NA OO/HINDI NGA?!" putek nang - aasar talaga tong unggoy na to! Bibigyan ko na to ng saging
"Okay.. ang gulo nyo talaga.." sabay sabay na sabi naman ng girls.