CRISLYN
Ang layo naman ng table nila! Sa dulo ba ng walang hanggan yun? Tsk. Bat kasi nag - oo pa ko eh.
"Malayo pa ba?" Ang sakit na ng paa ko eh. Excuse me. Naka - heels po ko.
"Ah hindi. Yan na oh" sabay turo sa may bandang gilid na table. Hayy salamat naman at natatanaw ko na.
Ang dami ata nila ngayon? May kasama silang limang babae.Yung isang babae, parang ang sama ng tingin nya sakin. Sino ba sya?
"Sorry guys"
"Okay lang drey! Sanay na kami sayo. Yung girlfriend mo nga pala. Kanina ka pa nyan hinihintay. Baka daw nambabae kana! Whahaha" kilala ko tong isang nagsalita. Si bryce.
Oh so drey pala name nya? Whaha kanina ko pa kasama, ngayon ko lang nalaman yung name nya. Pagkasabi nun ni bryce, siniko naman sya nung babae na masama yung tingin sakin kanina. Ah so yun pala yung girlfriend ni drey. Kaya pala ang sama ng tingin sakin nung babae kanina eh. Pero wow lang ah! Magaling naman pala sila mamili eh! Magaganda rin kasi yung mga girlfriend nila.
"Ah guys! Si crislyn nga pala! Nakasalubong ko kanina. Eh sakto namang wala syang kasama, so pina - join ko na satin"
"Kala namin nang babae kana eh!" Sabat naman ni acer
"Aba subukan nya lang! Ewan ko lang kung saan yan pupulutin!" Sabi naman ni ate, yung girlfriend ni drey.
Saka sya lumapit sakin
" Ahm hi! I'm Shaira! And you are?" Nakangiting bati nya sakin. Himala at may kumausap sakin
"I'm Crislyn Luxury. You can call me, Crislyn or luxury. Depende kung ano ang gusto mo" ngunitian ko rin sya.
"Ahmm.. Ury nalang! Pwede ba?" Ury? San nya naman nakuha yun? Ah.. sa luxURY. Dami nyang alam!
"Okay lang!" Wala naman na akong magagawa eh
"Girlfriend nga pala ako ni drey" yah i know!
May lumapit naman sakin na dalawa pang babae, yung isa kararating lang. Maganda rin at mukha ring mabait.
"Hello! i'm Caramel! Girlfriend naman ako ni bryce"
"Hi/Hello. Ako nga pala si Yunamei, girlfriend ni acer" wow naman! Ang ganda ng name nila! Bakit iba yung feeling ko ngayon? Kasi ngayon lang may nagpakilala sakin. Na gusto nilang maging parte ako ng pagkakaibigan nila! Waahh i love them na!!
"Ahm ikaw? Ano name mo?" Tanong naman ni caramel
"Nasabi nya na nga di ba? Ang kulit mo!" Irita namang sabi ni yunamei. Waahh nakakatuwa naman sila!
"Pagpasensyahan mo na yang mga yan ury ah? Mga may sapak lang talaga sila" bulong sakin ni shaira. Whahaha tama sya. May sapak nga sila.
"Eh ikaw crislyn? Girlfriend ka ba ni wayne?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni yunamei. Ako? Girlfriend ni wayne? Asa!! Don't me girls.
"Waaahh swerte mo girl!" Kinikilig naman na sabi ni caramel. Ako swerte? San banda? Buti pa si shaira behave
"Uyy wag nyo ngang i - pressure si crislyn. Tignan nyo.. Nahihiya tuloy! Kayo kasi eh!" UGH!!! PARI - PAREHAS LANG PALA SILA! ano nga bang aasahan ko? Eh mag kakaibigan tong mga to!
Namula tuloy ako. Tsk nakakahiya lang kasi nakatingin sakin ang limang magbabarkada! Lalo na si wayne, nakangisi pa! Ang ingay kasi ng mga to eh!
"A-ah girls" ugh bat ba ko nauutal? Bat ba ko apektado?
"N-nagkakamali kay---" di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil pinagtulungan na nila akong itulak papunta kay wayne. Mga 'to talaga!
Huli na ng nalaman ko yung posisyon namin ngayon. Nasa ibabaw nya lang naman ako. Pero ano pa ba ang iniisip ko? Kaya naman tumayo ako agad bigla.
"Oww sorry crislyn" sabay na sabi nilang tatlo
"N-no it's okay" napatingin ako kay wayne. Putekk!! Di na ba natatanggal yang ngisi na yan sa kanya? Oh since birth na yan sa kanya?