Ngayon na ang araw ng pagtatrabaho namin sa isa pang company ng daddy ni dwayne na iba na daw ang CEO. Sa pagkakaalam ko, iba na ang nagpapatakbo nito, pero isa ring santillan.
Magkasabay kaming pumasok ng elevator ni dwayne, kaming dalawa lang. sa totoo lang, kinakabahan ako. Iba kasi eh. Basta iba.
Si ellie naitransfer ko na sya sa bago nyang school, mukha namang okay sya dun. Pero, kinakabahan talaga ako ngayon. Promise
"Hey! Bat ka kinakabahan? Whaha" tignan mo to, mamamatay na ako dito sa kaba, tapos sya, nakuha nya pang tawanan ako?
"Aahhccckk!!" Nabatukan ko tuloy
"Ssshh"
"Whahaha okay okay, sabi ko nga quiet na ko eh" tumahimik naman na sya, ano ba pwede kong gawin habang di pa kami nakakarating sa 32 floor?
Oh okay, kinuha ko sa bag ko yung make up ko, mag reretouch mo na ako. Baka kasi isipin ng nagpapatakbo nitong company na ang chaka ko whaha
Habang nakatingin ako sa salamin ay nag reretouch na ko, nang mapansin ko si dwayne na nakatitig sakin
"Alam kong maganda ako dwayne!" Ngumisi naman sya at lumapit sakin sabay bulong sa tenga ko
"Dyan ako nainlove.. sa ganda mo.."
Itutulak ko na sana sya nang bumukas yung elevator, saka ko nakita na marami palang tao sa labas, at ang malala? Lahat sila nakatingin sakin.. samin.
Oh my gosh! nakakahiya! Unang araw pa lang namin dito, may kahihiyan na agad kaming nagawa?!
Siniko ko na si dwayne, wala ata syang balak na lumayo sakin eh.
"T - tara na! Nakakahiya ka!" Sabay hila ko sa kanya. Nakakahiya talaga!!
"Teka nga! Bat ka ba nagmamadali?" Nagtanong pa. Binitawan ko sya
"Nakakahiya kaya! Nakita mo ba yung mga tinginan nila? Ugh! Nakakahiya! Baka iba isipin nila!" Tinawanan nya lang ako
"Tawa pa sige!"
"Pffffffft ---- whaha sorry!"
"Tara na nga! Baka mahuli tayo nyan eh! Anong oras daw ba tayo dapat nandon?"
"8:30" tumingin ako sa wrist watch ko at sakto namang ---- oh ghad! 8:25 na!! Sabi ko na nga ba eh! Si dwayne kasi ang kulit eh!
"Tara na baka sigawan tayo nun! 5 mins na lang dwayne!"
"Mauna ka na, susunod na ako"
"Huh? bakit? Iiwan mo ko?!"
"Natatakot ka bang iwan kita?" Sarcastic na pagkakasabi nya. Di rin makapal mukha nito eh no?
"Joke lang! Eto di mabiro?!"
"Tss san ka ba kasi pupunta? Male - late na tayo oh!" Saka ko pinakita sa kanya yung wrist watch ko
"Mag si CR ako! bakit? Sama ka? Alam mo.. pwede ka namang sumama eh, ako bahala--- aray!!"
"Kapal mo ah! Ang bastos mo! Dyan ka na nga!" Saka ako nagwalk out. Ang bastos talaga non! "Whahaha sige hintayin mo na ako dun!" Di ko na sya Pinansin at naglakad na lang ako. Tanga ko. Di ko nga pala alam ang office nun. Sakto naman at may dumaan na babae, pwede naman atang magtanong dito diba? Di naman ata snobber to
"Miss, ahm where's the office of the CEO?" bigla namang tumaas ang kilay nya. Huh? Anyare? Masama nang magtanong? Kala ko naman matino to, di naman pala
"Bakit? Anong kailangan mo sa CEO?" tss kailangan nya pa bang malaman?
"Ah may kasama pa ako, kami yung pinadala ng Santillan Corp. from Paris" kumurap sya nang dalawa beses, at napalunok
"Oh i - im so s - sorry po mam.. siguradong ako nanaman ang papagalitan ng boss ko, im sorry po talaga! I didnt mean to---"
"Ano ka ba?! Okay lang. Alam ko naman na nabigla ka lang" OA naman neto! Takot na takot lang sa boss nya? by the way, sino ba boss nya? Nakakaintriga tuloy
"Thank you po mam! Dito po ang office of the CEO, sunod po kayo sakin" sumunod nga ako sa kanya, hanggang sa makarating na kami sa sinasabi nyang office of the CEO, pano ko nalaman? Nakalagay sa pinto eh!
"Ah wait lang po mam ah. Ipagpapaalam ko lang po kay sir na nandito na po kayo" tinanguan ko sya at pumasok na sya sa loob, ako naiwan lang sa labas. Nakakaintriga talaga yang boss nila!
Di rin nagtagal ay lumabas na sya, "Mam, wala pa po si sir, ang nasa loob lang po ay yung fiance nya, pero pwede na po kayong pumasok" nginitian ko sya at pumasok na ko
Pagpasok ko, nakaamoy agad ako ng.. ewan, pero parang ang familiar lang eh. So yun pagpasok ko may nakita akong babae na.. maganda, sexy, saka ang kapal ng make up, clown ata sya, Hayst naalala ko na naman yung the clowns, kamusta na kaya sila? Ano na kayang brand ng make up ang ginagamit nila ngayon?
Di ko makita yung mukha nya dahil nakatuon ang pangin nya sa cellphone nya at medyo sa malaking bintana. Yung makikita yung buong city. Basta ang ganda, saka ang aliwalas.
Siguro naramdaman nya na, na may tao na sa bandang likuran nya kaya unti unti na syang lumingon sakin. Pero habang lumilingin sya ay unti unti kong nakikita ang sinasabing fiance ng boss nila..
Nang makaharap na sya sakin ay halatang nagulat din sya sakin, pero mabilis ding nawala yung bakas ng gulat sa mukha nya at napalitan ng ngisi, ngisi na parang nang aasar na aso...
"Ooohh kamusta crislyn? Tagal din nating di nagkita ah!"