Chapter 28

6 0 0
                                    



Pagkatunog na pagkatunog ng alarm clock ko ay tumayo na ko. Mahirap na! Baka bungangaan na naman ako ng mga kaibigan kong pinaglihi sa megaphone.


So yun pagkabangon ko dumiretcho na ko sa CR at naligo na. Pagkalabas ko ay dumiretcho na rin ako sa walk in closet. Ano nga bang magandang isuot ngayon? Malamig pa naman dahil ilang oras kaming nasa van mamaya, ngayon na kasi yung alis namin papuntang batangas sa resthouse nila wayne. Tss yun syempre, pinanghawakan ko talaga yung "Never Say Never" ni Justin Bieber. Whahaha okay madali akong kausap. Feeling ko nga naiinlove na ako kay wayne,. Pero eh! Kailangan kong pigilan dahil pag pinagsama ang tanga at maganda, anong kakalabasan? Whehehe. Okay nang si laide na lang sa kanya. Kasi kung saken? Tss kawawa sya! Babatukan ko sya lagi para naman mawala na yung pagkatanga nya!

So yun pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko lang yung mga gamit ko at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko ay bigla kong naalala sila mommy  kailan kaya uwi nila? ngayon ko lang kasi narealize na mali rin pala ako. Mali na ganunin ko sila. Anak lang ako pero kung itrato ko sila parang napagdaan ko na lahat. Gusto kong magsorry sa kanila. Sa mga nagawa ko. Pero ni di ko nga alam kung kailan sila uuwi eh. Pero promise! Pag uwi na pag uwi nila magsosorry na ko! Gusto kong makalimutan na lahat ng mga kasalanan na ginawa ko kila mommy. Lalo na pag pumupunta ako sa BAR. Tama pala sila na ang pangit tignan nun, dahil babae nga ako. Pero ako si tanga, di ko pinapansin ang mga sinasabi nila sakin.

Kaya nagpapasalamat talaga ako sa mga kaibigan na meron ako ngayon. Sila ang laging nandyan para sakin. Kahit na napakasama kong anak. Naiintindihan pa rin nila ako. Sila ang nagpa realize sakin ng mga ginawa ko. Kahit na monggoloid, mga
Megaphone yung bunganga nila. May silbi rin pala sila whahah hayyy tama na nga. Naiiyak na ko eh. Pero masisi nyo ba ko? Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. Tapos yung mga kaibigan pa na napunta sakin ay mapagkakatiwalaan at naiintindihan aka sa mga ginagawa ko! Ayyy nako! Sabi ko nga diba, tama na? Tss naiiyak na talaga ako!

Kumain na lang ako habang hinihintay ko sila. Dito daw kasi kami magkikita kita. So dahil wala pa sila. Chibog chibog na muna ako. Pero nang kukuha na sana ako ng ulam ay bigla akong nakarinig ng sigawan. Psh nandyan na sila!

"Oh hi dear! Crislear! Crystal Clear!" Bungad agad sakin ni Caramel. Sabog na naman! Ano kayang nasingot nito?

"Ahm hello!" Sabi ko na lang. Wala naman kasi akong pwedeng sabihin na pang mongoloid kagaya ng kanya.


"Ikaw lang?" Sabi ko habang palingon lingon. May hinahanap kasi ako hihihi

"Ah.. yah! Why? May inaasahan ka pa bang iba?" Sabi nya habang nakangiti na nakakaloko

Alam na kasi nila dahil nasabi ko na sa kanila. Hayy kaya iyan! Wagas maka pangasar sakin. Pero pagkaharap naman namin yung mga boyfriend nila lalo na si ahm.. wayne. Kaya namang i - zipper ang mouth nila.


"Ah wala!"

"Weh? Di nga? Gusto mo tawagan ko?"

"Ah okay okay! Bilis!" Sorna. Excited po ako


"Wait.. nagri - ring na."


"Oh? Ano sabi?"

"Nagriring pa nga lang di ba?"


"Sorna!"

"Wait eto na.. ahm.. hello wayne!
........ ah ganon ba?! Sorry!!" Teka. Problema nito? Pinatay nya agad yung tawag

"Ano? Bat pinatay mo agad?"


"Tss si laide lang naman ang sumagot! Kapal nung babaeng yun! Dapat di na lang sinama yun eh!" Sabay kagat ng hotdog. Tss akin yun eh


"Yaan mo na!"

"Hayaan? Tss alam mo dapat akitin mo na yan si wayne. Tanga pa naman nun!" Akitin? Ano ko? Tanga? Wag na uyy crush ko lang sya!

Narinig namin na tumunog yung door bell kaya naman napatayo kami agad, pero si caramel na yung nagbukas ng gate

Nakita ko naman agad si wayne. At sino pa ba? Edi si malanding manlolokong manggagamit na si laide! Tss kala mo papatalo ako sayo?



In The End   Where stories live. Discover now