Chapter 62

18 0 0
                                    

EPILOGUE

Ay nako!! Ang tagal naman nila!!! Kanina pa ko nandito ah! Sabi sabi sila na dapat 10:30 nandito na dapat sa mall na sinasabi nila. Tas ngayon, wala pa sila. Sabi din nila na kapag nalate, itatakwil na daw. Tss Like duh! Sinong niloko nila? Sila nga tong wala oh!!!! Ugh!! Ang aga kong nagising dahil, kahit paano ay natatakot akong itakwil nila. Whahaha Alam Kong joke lang nila yun, pero isipin palang yun ay di ko na kaya.

Pero ngayon?

Mukhang nabiktima na naman ako ah!

10:30 usapan, tas anong oras na oh.. Mag 12:00 na!!

15 mins na lang talaga. Pag wala pa sila aalis na ko.

Kung wala silang balak dumating sana nagtext or tawag man lang. Para kahit papano ay di nasasayang yung oras.

Dapat nasa bahay ako ngayon at naglilinis.

Yah! Whahaha kinacareer ko pagiging ASAWA ni Wayne no!

Asawa?

Di kami kasal.

Umaasa na naman ako..

Ni di pa nga sya nakikipag usap sakin about sa bagay na yan eh..

Wait.. Anong oras na ba?

12:27 na pala?

Ang bilis naman ng oras!

Aalis na ko! Tss di na ko mapipigilan. Wala atang balak yung tatlong yun pumunta eh.

Lumabas ako sa jollibee, whahaha jollibee talaga, kasi pag dun ako naghintay sa kanila. Di ako masyadong maboboring dahil nakakasingot ako ng manok Nila. Busog agad! Whahaha ganon na nga.

Tuluyan na akong naglakad at hinanap ang lugar kung San ang labasan whahaha malaki kasi talaga itong mall nato, di katulad ng iba.

Ayy teka, kung nandito na rin naman ako..

Bakit di ko muna aliwin ang sarili ko diba? Whahaha tama tama. Ano ba ang showing ngayon?

Hmm .

Okay.

Wala akong alam sa movies nila. Bahala na.

Nang makabili na ako ng ticket ay pumasok na ko.

San ba magandang pumwesto?

Hmm.. Dito na nga lang, sa bandang gitna. Para.. Whahaha gusto ko kasi yung nahihirapan ako eh.

So yun, umupo na ko.

Maya maya lang ay napuno na ng tao ang buong sinehan. Ganto siguro talaga kapag gustong gusto ng tao lang gaganap sa pelikula.

Whahaha kahit di ko alam.

So yun, sinimulan ko ng isa isahing kainin lang popcorn na binili ko

Nagsimula na ring magplay ang palabas

Siguro mga 15 mins narin akong nanunod ng biglang magstop at lumabo ng sobra ang screen.

In The End   Where stories live. Discover now