"Oh so may ex pala sya?" Bigla namang sumama yung tingin nila sa akin. May mali ba sa sinabi ko?
"Problema nyo?!"
"Kakasabi lang di ba?!" - yunamei sabay irap
"Ex - girlfriend nga ni wayne di ba?" - caramel
"Sorry.. psh" bigla naman nila akong ngitian. Yung ngiting pandigma? Yung ngiting may iniisip na kalokohan na naman. Parang alam ko na..
"Uyyy selos!!" Shaira habang natatae na binubulate na kinikilig na ewan! See? Sabi na eh. Lakas talaga ng mga to mang asar eh no?
"Silence means yes, right?" - yunamei
"Naku nako!! Don't me!"
"Sus don't me don't me ka pa.. panghahawakan ko to crislyn, darating yung araw na sasabihin mo rin samin na, mahal mo na si wayne" seryosong sabi ni shaira. Psh di ba sya kinikilabutan sa mga sinasabi nya? Or Tulog sya? Pwes gigisingin ko sya para magising sya sa katotohanan na kahit kailan di ako maiinlove kay WAYNE STEPHEN SANTILLAN??!
"Tru tru sali ako dyan!" - yunamei
"Papaiwan ba ko? Syempre hindi no! Kaya naman.. sali rin ako dyan!" Sabay sabay silang nag ngitian at nagmaiba taya. Parang mga bata!
"Wah ikaw lang naiiba caramel! So libre mo kaming Milktea!" - shaira
"Ang daya daya nyo talaga!" Pagtatampo naman ni caramel. Mwehehe kawawang bata!
"So girls i think we're done na. So let's go na?" - shaira
***************************
SOMEONE POV
Kalalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko galing London. Sobra ata akong napagod sa byahe ko, feeling ko magkakasakit ako. So isa lang ang naisip kong puntahan kapag pagod ako.
BAR
Yah right!! Mahilig akong pumuntang club. Lalo na pag may iniisip ako. So bago ako pumunta sa Bar, dumiretcho muna akong hotel kung san ako tutuloy. Naligo muna ako syempre para iwas antok. Then, nagbihis na ko. Red dress lang ang sinuot ko na hanggang kalahati lang ng hita ko. Sakto lang naman ang ikli nya. Pero parang ang daring lang dahil sa kulay nitong red. Then ready to go na sa Bar
Sanay na naman ako sa gantong buhay ng Bar. Yung mabaho, amoy sigarilyo at alak. At may mga naglaladian - naghaharutan sa tabi tabi, na kala mo sila na lang tao sa lugar na yun. Grabe! So yah. Tumawag ako ng waiter at sinabi na yung order na gusto ko. Syempre, nilibot ko muna ang paningin ko habang hinhintay ko yung order ko. Ng biglang may maaninig yung mga mata ko na familiar sakin.. hindi lang familiar, familiar na familiar!
No other than,
WAYNE STEPHEN SANTILLAN..
My Ex - boyfriend..And now na nandito na ko, wala nang pwede pang makapagpigil pa sakin. I don't care kung may girlfriend or special someone na sya.
Ang sakin lang is..Di magtatagal..
YOU WILL BE MINE, AGAIN,
WAYNE STEPHEN SANTILLAN