Chapter 20

4 0 0
                                    



Huli na nang malaman ko kung san ako dinala ng mga paa ko. Nandito na ko sa CR at ewan! Parang ang sama ng loob ko kahit wala namang dapat ikasama ng loob ko.
Na mo - mongoild na rin ba ko?

Pero.. pero bakit sumakit yung mata ko kanina nung nakita kong magyakap si wayne and laide? Inlove na ba ko? What the! Hell no!! Hindi ako maiinlove sa mongoloid na yun!
Never!

Bigla akong nakarinig ng mga tawanan, harutan at usapan ng mga malalanding estudyante, ang iingay talaga ng mga to kahit kailan. Actually wala pa sila sa loob ng CR pero rinig na rinig na yung mga bunganga nila! Papalapit pa lang ata sila

"Gosh! Talaga? Nagusap na uli kayo ni wayne?!"

"Waaaahh nakakakilig kayo!" Nang malapit na sila sa CR ay dali dali akong pumasok sa isa sa mga cubicle at nagtago doon. Ewan pero feeling ko, gusto kong makinig. Tsismosa na nga ata ako

Narinig ko na nakapasok na sila ng CR at narinig ko rin ang paglapag nila ng bag nila sa may sink. So kinuha ko ang phone ko at ni - record yung sasabihin pa nila.

Tss ang weird ko

"That wayne? Huh! Babalik din sya sakin!" Maarteng sabi ni Laide. Oo si Laide yun. Sure ako kahit kanina ko pa lang narinig ang boses nya. Sya lang naman kasi ang may malandi at maharot na boses na galing pa ata sa kaharian ng mga manloloko at manggagamit!

"Oh.. so ano nang plano mo?" Tanong nung isa sa mga kasama nya. Tatlo kasi sila

"Simple lang! I'll make him fall inlove with me again"

"So pano yan? Alam nya na niloko mo sya di ba?"

"Psh madali na lang yun mawala sa kanya, dahil gagawin ko ang lahat mahalin nya lang ako ulit" - Laide

"And?"

"Para makilala ako uli ng school!" Proud pa na sabi nya

"Malandi ka talaga!!" Gosh! Bat ako sumigaw? Crislyn nakalimutan mo bang nagtatago ka sa kanila para marinig at ma - record mo yang sasabihin nila?!

Napatigil ata sila dahil sa sigaw ko.

"M - may t - tao ba dyan?" Alam kong di Laide yung nagsalita. So crislyn! Umisip ka na ng palusot mo! Ngayon na! Pinatay ko muna yung pag - re - record sa phone ko

"Walanghiya ka talagang babae ka!..... Sino ka para landiin ang boyfriend ko?..... sinong boyfriend?..... nag mamaang - maangan ka pa?!..... di mo kilala? Yung boyfriend ko na inahas mo?..... si klein!! Ok na? Alam mo na?! Ha!" Sorry yan lang ang naisip kong palusot

"A - ahh sorry. Baka satin pa magalit si ate. Tara na alis na muna tayo para naman makapag isa si ate. Alam ko rin ang pakiramdam ng nasasaktan ka" narinig ko naman yung mga hakbang nila palabas ng CR. Kapal ng mukha nya! Alam nya ang pakiramdam ng nasasaktan? Psh baka ang alam nya ay ang pakiramdam ng manakit at manggamit ng iba! Kapal naman ng mukha nya

Lumabas na ako ng cubicle at humarap sa salamin. Bat ba ko nakikielam sa issue nila? Saka ano bang paki ko kung niloloko nya si wayne?

In The End   Where stories live. Discover now