Chapter 31

5 0 0
                                    


CRISLYN


Nagpahinga lang kaming lahat ng mga ilang oras, napagod kasi kami sa byahe kahit nakaupo lang naman kami. Psh bat kaya ganon no? Parang timang lang! So yun, pagkagising ko syempre dumilat ako. Tas naligo at nagbihis. Then, lumabas na ko ng kwarto namin ni.. wayne! Paggising ko wala na sya, and sure naman ako na kasama sya ni malanding manglolokong manggamit na si laide!  Ano pa bang bago? Tss. Pagbaba ko nakita ko agad sila na nagtatawanan.

"Oh hi dear! Crislear! Crystal Clear!" Sino pa nga ba? Edi si caramel

"Ury, tabi ka sakin" - shaira

"Oo na!" Saka ko tumabi kay shaira.

Kaya naman pala sila nagtatawanan dahil kumakain sila ng pop corn habang nanunuod ng Horror Movie.

HORROR MOVIE??!!

tas nagtatawanan? Aba't iba tong mga to ah! Mga mongoloid nga! Ang mga pinapanuod lang naman po nila ay Paranormal Activity

"Hala ka laide! Nandyan lang sila sa tabi tabi!" Asar sa kanya ni chase. Takot pala sya sa multo? Whahaha now i know.. huh! May naiisip na naman akong ka - monggoloidan


******************************


Anong oras na, at tanghali na rin.  kaya naman kakain na kami. Ang ulam namin adobo saka menudo. Sila yunamei and caramel ang nagluto. Ang boys naman ang naghanda ng mga plates and etc.

"Babe, ano gusto mo? Itong adobo or menudo?" Tanong naman ni laide  habang nilalagyan ng kanin si wayne sa plato. Tss ang arte ng lola nyo!

"Ah wayne, mas masarap ang menudo, ito oh gusto mo?" sabi ko sabay taas ng kilay kay laide

"Babe, alam mo bang mas masarap ang adobo" tss lasang mantika kaya! Kumunot naman ang noo ni wayne saming dalawa ni laide

"Oo nga wayne, mas masarap ang menudo kasi kulang ng ingredient yung adobo eh!" Sabat naman ni yunamei. Pfffft--- galing talaga ng mga bestfriend ko! Napaka supportive! Tumaas naman ang kilay ni laide, kawawang laide, walang kaibigan

"Ano naman ang kulang?!" - laide

"Dahon ng Laurel!" Proud na sabi naman ni caramel

"What the! Laurel?" - drey

"Pffffft--- whahaha" - bryce

"Dapat namitas ka nalang!" - chase

"Okay sige, yang menudo na lang ang kakainin ko" sabi na lang ni wayne. Heyey!! Ako ang panalo!! Ano ka ngayon?!

Nagsikainan na kami, at walang may balak na magsalita. Sa pagkakaalam ko, maiingay yan kumain ah? Bat ang tahimik nila ngayon? Totoo nga bang kulang yung ingredient nila sa adobo? Kulang ng Laurel?

"Crislyn, pwede bang kunin mo yung tubig sa ref?" Kunyaring mabait na si laide. Makautos wagas? Sipain ko sya sa eardrums eh! Tignan natin kung anong sounds

Tinaasan ko lang sya ng kilay at pumunta na ko sa may kusina. Kinuha ko na rin yung tubig na sinasabi nya saka ko sinara yung ref. Tss lalabas na sana ako ng makita ko yung mga suka, toyo, asin at asukal.

Owww WHAHAHAH

kunuha ko yun lahat at nilapag sa lamesa. Huh! Alam ko na ang gagawin ko! Kumuha ako ng baso at naglagay ng 1 kutsarang asukal, tas 1/4 na kutsara na asin. Tas sinunod ko yung tubig sa pitsel, naglagay ako mga kalahati ng baso. Then, yung suka naman, tas yung toyo. Ohhh!!! Ang cute ng kulay!! Masarap to! Tikman ko kaya? Sige sige. Try lang!

Hinalo ko muna, saka ako naglagay sa kutsara nung laman nun, tas dire diretcho ko yung ininom. Hmm--- what the!!!!!! Nailapag ko agad yung kutsara na hawak ko kanina at pumunta sa lababo. Pwe!! ewww kadiri!!

"Oh crislyn? Anyare sayo?!" - caramel. Shocks

"H - ha? Ahh.. hehe wala! Wala!" Whahah muntanga ko

"Sure ka?"

"Oo nga! Tara na! Baka nabubulunan na yung nag utos nito!"

"G na G?"

"Tss. Alam mo naman kung bakit, right? Manuod ka na lang!" evil laugh*

Sabay na kaming bumalik sa lamesa. Huh! hawak hawak ko na yung pitsel at baso na may.. 'Toyo't suka' Whahaha

"Hay salamat! Painom!" - laide. Tss goodluck na lang sayo!

"Ah laide. Ginawan kita ng Iced Tea, Nalaman ko kasi na favorite mo eh!" Oo tama, Iced Tea nalang, magkakulay naman sila e. Mwehehe

"Oh.. talaga! Wow how sweet naman is you?" Sweet na sweet.

"Ito oh!" Saka ko inabot sa kanya

"Thanks!" Ininom nya na yung binigay kong baso na may lamang 'Fresh Iced Tea' na ginawa ko kanina. Kaya di pa sya nag rereact kasi diniretcho nya yung pagkainom. Uhaw na uhaw na nga ata.

"Hmm.. thanks crislyn! Ang sara-----" saka sya pumunta sa lababo at inilabas yung ininom nya! Whahaha

Nagsitinginan sila sakin. Pero ang girls? Huh! Nakangiti sila sakin na parang ang sinasabi ay 'Good Job!'. Yah right! Mwehehe

"Oh? Bat kayo nakatingin?"

"Why?? Tingin mo, bakit? Alam mo ang ginawa mo! Isang beses pa na ulitin mo to, ako makakalaban mo" saka sya tumayo at pinuntahan si laide na kanina pa ata sumusuka

Bwisit! Kainis! Tss.

"Pfffffft---" - boys

"Ang galing mo crislyn ah! Gusto ko yun!" - drey

"Oo nga! Effective!" - bryce

"Next time ulit!" - acer

"Teka teka, ano bang nilagay mo dun? Bakit ganon yung kulay?" - chase. Whahah tas yun kwinento ko sa kanila yung ginawa ko.

"Pffffffft----"

"Lakas mo!" - chase

"Nice! Nice!" - drey

Tawanan lang kami hanggang sa dumating naman agad sila laide and wayne, kaya naman pinigilan namin  yung tawa namin. Mwehehehe




In The End   Where stories live. Discover now