Habang kumakain kami ay may bigla na naman akong naisip. Huh! Kawawa ka ngayong babae ka.
"Girls. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo" napatigil naman sila sa pagkain at tumingin sakin
"Nag usap kami ni wayne. Ang sabi ko, kailangan nya kong idate para mapapayag akong sumama sa inyo sa batangas" nagsilakihan naman yung mga mata nila
"Sabi ko sayo eh! Inlove na nga sya kay wayne!" - yunamei
"No!"
"Anong no? Eh gusto mo ngang idate ka ni wayne diba?" - shaira
"Mali naman kayo eh!"
"Eh ano?" - caramel
"Sinabi ko lang yun dahil gusto kong mawalan sya ng time kay laide. Alam nyo na. Tanga pa naman yun si wayne. Kasi kung lagi silang magsasama or lalabas nang magkasama. Pwedeng mafall uli si tanga sa manggagamit diba?" Nagsitanguan naman sila
"Oo nga no? May point ka" - shaira
"Teka.." sabi ni caramel sabay ngiti. Tss ngiting aso kamo!
"Ano naman yan?"
"Bat concern ka?" - caramel
"Kaibigan ko sya. Ayoko naman na maging tanga nalang sya forever diba? Maraming tanga kaya wag na syang dumagdag pa!"
"Ah okay gets ko na! Hehe" - caramel
"So anong plano mo ngayon?"- shaira
"Oo nga! Sali kami!" -caramel
"Hmm.. ngayon na kaya? Habang magkasama sila? Diba? Tama ako? Para wala nang kasama paguwi si laide" nagsingitian sila at sabay sabay na tumango yung excited na excited
Lumapit ako kila wayne and laide na busy sa pag kukulitan. Nung nasa harap na nila ako ay sabay silang napatingin sakin. Si wayne parang nagulat. Pero si malanding mangloloko na manggagamit na di laide ay nakataas pa ang isang kilay habang nakatingin sakin. Tss mukhang tuko!
"Oh.. may kailangan ka ba crislyn?" Tanong sakin ni laide. Yes! Kailangan ko si wayne ngayon! Oooppss
"Ah yah! May date kasi kami ni wayne ngayon eh! Diba wayne?" Tanong ko kay wayne na di alam ang isasagot! Whaha
"Di ba wayne? Ngayon yung date natin?" Sabi ko ulit sa kanya habang pinanlalakihan sya ng mata. Psh matakot sya!
"Ah eh.."
"Oh uh?"
"Sorry laide ah? Hindi kasi para sayo yung time ni wayne ngayon. Para sakin! So sorry. Nandyan naman sila caramel para may makausap ka" sabi ko sa kanya sabay hawak sa kamay ni wayne.
"Halika na, wayne. May date pa tayo"
"D - date?" Tanong ni laide
"Yah! Nakalimutan bang sabihin sayo ni wayne na may deal kami?" kumunot lang yung noo nya
Whaha natutuwa ako sa reaction nya!
Lumapit naman agad sila shaira. Napag usapan na kasi namin to kanina eh
"So.. lets go now, wayne?" Tumango sya pero parang di sigurado. Whahaha
Bago kami makalayo ni wayne ay narinig ko pa ang usapan nila yunamei and laide
"Ano ba?!" Iritang sabi ni laide
"Na - miss mo ba kami laide?"
Whahah kawawa naman. Wala na syang date!
Nang tuluyan na kaming nakalayo ay bigla na lang nyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Kanina pa pala kami magkahawak kamay
"Ano bang ginagawa mo?!"
"Deal"
"Alam kong may deal tayo. Pero hindi ngayon! Ngayon ang labas namin ni laide tapos ngayon mo gustong makipagdate ako sayo? Ganyan ka ba ka - desperadang maka - date kita?" Nasampal ko sya dahil sa sinabi nya. Wala syang karapatan na sabihan ako ng ganong salita. Dahil hindi naman para sakin tong ginagawa ko! Para sa kanya! Para hindi na sya nabubulag ng babaeng yon! Tapos ano? Ako yung sasabihan nya ng desperada?
"Sorry"
"Wala kang karapatan! Dahil unang una! Niloloko ka lang nung babaeng yun!"
"Di mo sya kilala"
"Di nga. Pero alam ko ugali nya. Wag ka naman sanang magpaka tanga wayne!"
"Tigilan na natin to. Saka pwede namang wag na nating ituloy tong deal natin eh. Kung ayaw mong sumama! Eh di wag mo!" Sabi nya sabay alis. Bwisit to. Gusto pang nasasampal eh!
Napag desisyunan kong umuwi na lang. Sumakay na ako sa kotse ko at nag umpisa nang magdrive. Tss nakakainis naman! Ang boring tuloy! Traffic pa! Tss buksan ko na nga lang yung radio. Ngayon lang ako napilitang makinig ng radyo! Bwisit kasi eh
Pagkabukas ko ay sakto namang tumugtog yung kanta ni justin bieber, yung "Never Say Never"
Never Say Never
Never Say Never
Yes! Tama tama. Hanggat kaya ko. Gagawa ako ng paraan para kay wayne. Kahit tanga sya. Kaibigan ko pa rin sya kahit papano. Kaya naman sasama ako sa bakasyon sa batangas! Tama tama. Sabay tango. Psh para kong tanga!
BEEP!! BEEP!
Ayy kabayo!! Napatingin ako sa labas ng kotse at gosh! Green na pala yung nasa stoplight! Ibig sabihin GO na!