Natapos ang araw ko sa paglilinis ng hallway na yon! Grabe! Feeling ko talaga pinagkakaisahan nila ako eh!
I know kung anong place lang ang makakapagpawala na pagod ko. BAR
-----
Grabe walang paring pinagbago! Ang baho parin, amoy alak at sigarilyo. Lumapit ako sa may bartender at umorder. Ininom ko yun ng dirediretcho. Kaso nakulangan ako, kaya inorder ko na yung buong bottle nun. Ininom ko yun ng ako lang mag isa. Kaya ko naman eh! I think pag naubos ko to, mawawala na yung pagod ko.
Nung medyo onti na lang yung nasa bottle, tinignan ko yung paligid. Oh.. ang labo tapos parang tutumba na ko sa sobrang kalasingan ko. Pero, sanayan lang yan! Gusto ko pa nga eh! Alam ko na! O-order pa ko!
"Pssst! Kuyang bartender! Isa. Y-yung hard ah? Hehehe"
"Di na po pwede mam. Lasing na po kayo eh"
Nag init yung ulo ko sa sinabi nya. Sino sya para kwestyonin ako? Eh gusto ko pang uminom eh! May magagawa ba sya?
"Bingi ka ba?! I said! Gusto ko pa. Mahirap bang intindihin yun!"
"Mam yun po kasi yung policy dito"
"I don't care on what policy ang meron kayo! Ang gusto ko lang, ibigay mo sakin yung hinihingi ko! Kaya ko naman eh! You think, i don't have money? I have money! and i can buy this BAR!!"
"May problema ba dito?"
Sino naman tong lalaking to? Bigla bigla na lang sumusulpot! Whahahaha sya kaya tutulong sakin para maka order ng gusto ko?
Ano kaya itsura nito? Gwapo kaya?! Hihihihi siguro nga. Boses pa lang eh! Saka parang... parang kilala ko yung boses nya, parang narinig ko na sya somewhere. Di ko kasi maaninig yung face nya kasi alam nyo na.. lasing na ata talaga ako
"Hi" Sabay pa cute. Hihihi sana crush nya ko. Crush ko na kasi ata sya eh.
"Gusto pa po kasi nyang umorder. Kaso di na po pwede kasi nakalagay po yun sa policy ng Bar"
"Ah ganon ba? Sige sige ako ng bahala sa kanya"
Ayieeee crush nya nga siguro ako.. narinig nyo ba yun? Sya na daw bahala sakin? uyyyyy may namumuong love? Tss. I know walang forever. Pero i think samin meron!
"Hi! Kanina pa ko nagha - hi sayo bat di mo man lang ko pinapansin? Nakakapagtampo ka... "
Nginitian nya lang ako. Hihihi gwapo nya talaga! Nadadala ko sa ngiti nya. Alam ko na, kunyare nagtatampo talaga ako sa kanya
"Crislyn, wag ka ngang gumanyan! Para kang bata!"
"Huh? Kilala mo ko?" Stalker ko to no? Aminin..
"Oo naman"
"Ayieee kinikilig ako..."
"Hahahaha"
"Teka, bat ka ba napadpad dito? Sang planeta ka ba galing? Bat ang gwapo mo?"
"Ah.. d-dyan lang. Di mo ba ko naaalala"
"Hmm. Hindi eh! Di ko masyado maaninag yung mukha mo kasi lasing na ata talaga ako hihihi"
"Good!"
"Huh? Anong good? Aso ba ko?" Sa ganda kong to? Ginawa akong aso?!
"Huh? Ah hindi hahaha" hindi naman pala eh. Madali naman akong kausap
"Pwede ba ko sumama sayo?"
"H-huh? eh.. bakit?
"Wala lang! Feeling ko kasi safe ako sayo hihihi"
"Ah.. eh, ano kasi eh.."
"Ayaw mo ba sakin? Magtatampo na talaga ako sayo..."
"Hindi naman sa ganon, di kasi pwede eh. Siguro next time na lang" sabay ngiti. Nako kung di dahil sa ngiti nya di nya ko mapapa payag