AFTER 6 YEARS..
"Hahatid mo na po ako sa school?" Talaga tong batang to! Napakadaldal! Manang mana sa pinagmanahan! Pero kahit ganyan yan, love na love ko yan! Sya lang kasi ang kasama ko sa loob ng anim na taon. Sa lungkot at saya
"Mommy! You're crying! Why? Whats the problem?!" Isa pa to sa ikinakatuwa ko talaga sa kanya.. yung pagiging parang mas matanda na sya sakin kung makapagsalita? Gets nyo? Parang napagdaanan na lahat!
Whahaha
"B - baliw ka! Manang mana ka sakin!" Saka ko sya yinakap ng mahigpit na mahigpit! At kiniss ko sya ng maraming maraming marami!
"A - ah!! M - mommy! Nakikiliti na po a - ako!" Eh sa gusto ko syang ikiss eh bakit ba?! Masama bang ikiss ang anak ko?
Oo sya yung pinagbubuntis ko 6 years ago. Anak ko--- anak namin ni.. wayne. Kahit na ganon yung pangyayare, na magulo,
..masaya parin ako dahil may blessing akong natanggap mula don! Yun ay ang anak ko, my beautiful daughter! Yun! Makulit, madaldal, malambing, yan yung anak ko. Ewan ko nga kung saan nagmana yan eh! Sakin ba? O sa k - kanya? Di naman ata.. malayo sila eh
So yun pagkatapos kong makapanganak nun, nagpagawa na ako ng bahay, bakit? Kasi kung bibili ako, parang ang pangit diba? Eh kung ako mismo ang mag papagawa, maganda ang kalakabasan! wahaha saka gusto ko kasi ako ang mag dedesign ng bahay namin ng anak ko, ako yung magiisip ng theme ng kwarto nya, kasi sya ang baby ko! Sya lang.
Ewan ko kung ano na nangyare sa mga kaibigan ko, kung ano yung mga ginagawa nila. Simula kasi nung pumunta ako dito sa paris, tinapon ko na yung sim ko. Bakit? Wala kasi akong balak na may malaman sila tungkol sa akin ngayon. Wala rin kasi akong balak na sabihin o ipaalam kay wayne ang tungkol sa baby ko. Yes baby ko.
"Mommy naman eh! Tulala ka na naman!" Napatingin ako sa kanya bigla, tulala ba ako?
"Di ah! Ikaw talagang bata ka! Ang kulit kulit mo!"
"May iniisip ka na naman no? Crush mo?" Hala sya.. ako? May crush? Mag ka crush pa ba ako sa lagay na yan?
"Bat naman ako mag ka crush? Ikaw lang sapat na baby!" Sabay halik ko sa kanya
"Ayy ang corny mo mommy! Eww!" Alam nya ibig sabihin ng corny? Alien ba tong batang to? Andami nang alam!
"Baby.. wala si momm'ing crush okay? Nandyan ka naman eh! Diba love mo ko?"
"Yes po mommy! Cross my heart!" Sabay kiss sa may cheeks ko. Sweet ng batang to promise! "Mommy pwede po ba, wag mo na akong tawaging baby? Di na po ako baby okay? Saka may crush na po ako sa school!" Sabi nya na parang matanda na kung mag salita sa akin. At aba! Kinikikig pa ang baby ko! Big girl na nga sya!
"Sino? Si.. sino nga ba yun? Si.. si Channie? ayyyiiee" sabay sundot ko sa may bewang nya. At aba ang baby ko nagpapabebe pa?
"Eh bakit? Ikaw nga mommy crush ka ni Bestfriend Dwayne eh! Ayyyiiieee" sya naman ngayon ang sumusundot sa bewang ko. Bata talagang to oh!
Si Dwayne nga pala, kasama ko sa pinagtatarabahuhan ko. Ayoko kasing umasa sa mana nila mommy and daddy, gusto ko ako mismo ang magaangat ng buhay naming mag ina. Actually, daddy nya ang may ari nung company na yun. Yun nga, matagal na yung nanliligaw sakin. Simula pa nung pagkatungtong ko dito sa paris, sa may airport pa lang, nagtanong tanong kasi ako kung saan ba yung hotel na tutuluyan ko, eh sya agad napansin ko, kasi kung makatingin ba naman parang minumurder na ako sa isip nya eh. Yung feeling ba na parang pinagaaralan every inch ng balat ko. Malabo namang nasesexyhan sya sakin nung time na yun dahil buntis na po ako nun, medyo lumalaki na rin kasi yung tyan ko nun.
So yun, hanggang sa dumaan ang buwan, taon, hanggang sa maging magkatrabaho na kami, umamin sya sakin, pero binasted ko sya. Whahaha de joke lang! Ayoko muna kasing pumasok sa isang relasyon lalo nat buntis ako, mas maganda kung ako at ang anak ko lang ang iisipin ko. Pero ang loko, maghihitay raw sya.Bestfriend tawagan nila ng baby ko, ewan ko sa kanila, close sila eh! Edi sila na!
"Ayyyyiieee si mommy.. kinikilig!" Batang to, kakaltukan ko na to! Isa na lang!
"Ewan ko sayo! Tara na nga, hahatid na kita sa school!" Sabay kuha ko sa bagpack nya, kanina pa kami kumain kaya naman dumiretcho na kami sa may kotse at nagsimula na akong mag drive papunta sa school nya