Hayyy salamat naman at natapos na ang trabaho ko! Saka ako naginat
"Hhhaaaayyy---"
"Hi miss beautiful!"
"Hay kabayo! Ano kaba? Bat ka ba nanggugulat?" Yung feeling na nagiinat ka nang biglang nay alien na magsasalita sa gilid mo? Hayy nako! Kabayo talaga!
"Oh im sorry! Saka kabayo? Horse? Mukha ba akong kabayo? Sa gwapo kong to?" Kapal talaga nang mukha nito! Pero sa totoo lang, gwapo naman talaga sya.. kamukha nya si wayne, nagkataon pang Santillan ang apelyido nya at sumobra lang na letter 'D' yung name nya, pero kamukha nya talaga si wayne, parang magkamaganak sila. Ayoko namang itanong dahil baka napapraning lang ako at mapahiya pa ko. Gwapo rin kasi sya gaya ng ama ng anak ko.
"Matunaw ako" bumalik naman sa katinuan yung pagiisip ko ng magsalita sya bigla, nakatitig pala ako sa kanya? Di nga? "Alam kong gwapo ako pero sana naman wag mo nang ipamukha"
"Di ka rin makapal ano?" Sabay kuha ko sa bag ko at iniwan sya dun na nagpapahangin sa sarili nya. Malakas pa kasi sya sa electric fan eh.
10 minutes na lang kasi uwian na ng baby ko. Pumasok na ako sa elevator at sasara na sana nang biglang may kamay nahumarang kaya naman bumukas uli
Si dwayne lang naman, parehas na parehas talaga sila ni wayne, ang hilig talaga nila akong asarin. Tss
"Tinatakasan mo pa ko ah!" pumasok sya at tuluyan nang sumara yung elevator. Kaming dalawa lang ang nasa loob
"Anong bang sinasabi mo?" Patay malisyang sagot ko
"Yinaya kaya kita ng date kanina!" Sabay pout. Cute
"Psh pumayag ba ko?" Kala mo ah!
"Syempre papayag ka!"
"Kapal mo! Di mo ako mapapapayag dyan dwayne, tigilan mo ko"
"Tss okay, in one condition, "
"What?"
"Sagutin mo na kasi ako! Almost 6 years na akong nanliligaw sayo pero hanggang ngayon di mo parin ako sinasagot" bigla syang lumungkot. Ganyan nya ba ako kagusto at maginarte sya ng ganyan? At maghintay ng anim na taon masagot ko lang sya ng 'oo'?
"Dwayne.. alam mo naman diba? Sinabi ko naman sayo na-----"
"Kaya nga date na lang, ayaw mo pa akong pagbigyan" nakakakonsensya naman!
"Okay fine. Pano yung baby ko? Walang magbabantay dun" wala kasi kaming maid
"Edi isama mo, yun pa? Malakas yun si bestfriend sakin eh" saka sya ngumiti katulad kay wayne..
"Okay lang sayo?"
"Yeah no choice eh!" Whahaha buti at pumayag sya dahil di ko kayang di ko kasama ang anak ko. Sinasama ko kasi sya minsan kahit sa trabaho ko, kilala na rin kasi sya ng parents ni dwayne. Ewan ko pero dun nga ata sya nagmana ng kalokohan, sabihin ba naman na gusto nila ako sa anak nila? Whahaha
Lumabas na kami at dumiretcho sa pinagparkingan mg kotse namin, bat di ko napansin na magkatabi lang pala yung kotse namin?
"Ang pangit naman kung magkaiba tayo ng kotseng gagamitin diba?" Tinanguan ko na lang sya, ano yun? Date tapos magkaibang kotse yung gagamitin namin?
"Yung sakin nalang ang gamitin natin, para masolo naman kita kahit ngayong gabi lang. Maguutos na lang ako para sa kotse mo" ah okay.
O_O
anong masolo ang pinagsasasabi nitong siraulong to? Binatukan ko nga
"Ahhhhcck bat ka ba nangbabatok?!" Whahaha
" anong masolo ang pinagsasasabi mo?!!" Ngumisi lang sya. Abat siraulo talaga!
"Bakit di ba?"
"Hindi! Tss ewan ko sayo, sunduin na natin yung baby ko, baka mamaya kanina pa pala ako hinihintay nun" sabay tingin sa wrist watch ko
"Okay, sakay na my queen" saka nya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse
"Queen ka dyan!" Tumawa lang sya ng malakas. Babatukan ko uli to
"Ikaw ang queen ko at syempre, mawawala ba ang princess? ang princess naman ay si bestfriend, i can't wait to be the father of your child"
***************************
"Hi mommy! Kala ko di mo na ako susunduin eh!" Sabay yakap sakin, inabot ko naman yung bagpack niya at hinalikan sya sa pisnge
"Pwede bang gawin ni mommy yun? Ikaw talagang bata ka! Tara na nga!"
"Bestfriend?!!" Putek ang sakit sa tenga nang boses nang batang to! Tumingon ako sa mukha nya, at aba! Wag mo sabihing...
"Mommy waah.. totoo na ba to? sinagot mo na ba si bestfriend?" WALANGYA! nagmana talaga to sa daddy nya, malakas din mangasar!
"Nagbablush yung mommy mo oh! Kinikilig ata sa akin" kapal langs
"Tigilan mo ko dwayne ah!" Ngumisi lang sya
"Ayoko nga" ako pa inasar nya ah. Parehas talaga to si dwayne and wayne, konti na lang pagkakamalan ko nang sya ang daddy ng anak ko at hindi si wayne
"Edi walang date!! Tara na baby, gagawa pa tayo ng assignments mo" lalagpasan ko na dapat sya kaso naalala kong di ko nga pala ang kotse ko. Bwisit talaga
"Oh ano? Kahit anong iwas mo, sakin ka parin babagsak" di wow!