Dwayne POV
Hasyt! Bakit ba kasi tanong ako ng tanong? Ang tanga ko! Yan tuloy, ang awkward kanina. At ang mas ikinatanga ko lang.. Di man lang ako nagsorry sa kanya.
Alam ko namang ginagawa at iniisip nya lang ang alam niyang makakabuti kay ellie. Pero, ang iniisip ko rin ay si ellie. Alam ko kung gaano nya kagustong makita at makasama ang daddy nya. Ni hindi nya man lang alam ang itsura nito. Naaawa ako kay ellie, at the same time.. kay crislyn, dahil alam kong hindi nya ginusto yung nangyare.
Nung kwinikwento nya pa lang yung tungkol dun dati, nararamdaman ko, ni wala talaga syang idea kung meron nga bang nangyare. Ang tanga nung sitwasyon bwisit!
Pero.. may mas masakit pa pala.. pano na ko? God knows how much i love her.. una ko palang syang nakita, naatract na agad ako sa kanya that's why nung nasa airport ako, sa kanya talaga ako nakatitig. Iba kasi sya, lalo na kung tititigan mo sya.. unang tingin ko pa lang sa kanya, may pumapasok na agad sa isip ko. Alam nyo ba kung ano?
Simbahan.
Ewan pero ang weird lang talaga, dahil unang beses ko pa lang syang nakita tapos ganon agad? Ano yun? Naglolokohan ba tayo dito? No Girlfriend Since Birth ako. Di halata no? Gwapo ko kasi! And i already know that, no need to remind me, about that! Alam nyo bang maraming nahuhumaling sakin? Teka teka, lumalawak ata yung imagination ko? Hasyt basta yon!
May isa pang mas masakit.. sorry ha? Andami talaga kasing masakit sakin! Ulo ko, feelings ko, at pati yung ano ko.. yung ano.. yung..
puso ko..
ang sakit lang kasi. Almost 4 years akong naghintay ng 'oo' nya. Alam ko dati pa na may anak sya, si 'bestfriend'. Pero kahit alam ko na, na may anak na sya, di nawala kahit 1% ng feelings ko para sa kanya. Lagi ko syang nakikwento sa parents ko, ang saya lang dahil nagustuhan din nila si crislyn para sakin. Ang malala lang, ang daddy pala ni bestfriend ay si wayne, pinsan ko. What a small world! Hasyt ano bang laban ko sa kanya? Eh isa lang naman akong mamamayan na ubod ng kagwapuhan, tapos sya daddy na pala ni ellie. It hurts, baby!
Can somebody tell me pano lalaki ang lamang ng kagwapuhan ko sa totoong daddy?
Hasyt alam ko namang wala na syang feelings sa daddy ni ellie eh, sinabi nya sakin yun dati, na crush nya si wayne, pero mabilis ding nawala, kaso dumating si ellie. Kaya naman lagi nyang naalala si wayne kapag nakatitig sya kay ellie.
Kahit ganon. Di ako titigil! Alam kong may laban ako!
Crislyn POV
Dalawang linggo na rin ang nakalipas nung nagkasagutan kami ni dwayne. Pero okay na naman kami ngayon. Tss yun pa? Di ako kayang tiisin nun eh! Whaha gaya ngayon
"Crislyn, okay ka na ba? Kanin tayo mamaya sa labas!"
"Oh sige ba! Gutom na rin ako eh. Kaso tatapusin ko muna yung trabaho ko"
"Tara na nang matapos tayo agad. Tss tagal! Gusto mo pa binubuhat ka eh no?" Nagulat ako ng bigla nya akong buhatin "Dwayne! Ano ba? Baba mo nga ako!"
"Ayoko nga!"
"Dwayne, isa kukutusan kita!!"
"Dalawa! Pepektusan talaga kita!"
"Takot akooooo.." bwisit naman oh.. nangaasar pa! Hanggang sa makarating na kami sa harap ng elevator at pinindot nya na yung button. Hayst nakakahiya! Lahat na ng mga empleyado nakatingin na samin. Humanda talaga sakin to mamaya.
"Dwayne naman eh!! Andami nang nakatingin oh! Ibaba mo nga ako!!" Sakto namang bumukas yung elevator at nakita ko na nandon sa loob si wayne..
Nagulat ata sa samin. Nang mapansin ni dwayne na nandon sa loob si wayne, ay ibinaba nya na ako.
Parang ayokong pumasok. Pero si dwayne hinila lang ako papasok sa elevator. Mabalis din naman itong sumara. Kaming tatlo lang ang nasa loob, at sa kabilang gilid ako pumwesto sa gitna namin si dwayne. Ang awkward!!
"San mo gustong gawin yung date na tin?" Tss if i know.. nagpaparinig lang sya kay wayne.
"Kahit san!"
"Sure ka?! babe naman eh! Sagutin mo naman ako ng maayos! Date natin to oh!" babe? Date?!
Buti nalang at bumukas na yung elevator. Kay naman na una na akong lumabas. Salamat sayo elevator! Hulog ka ng langit!
Hanggang sa pinagpatuloy na namin yung trabaho namin, naiirita pa rin ako kay dwayne! Kanina pa to eh! Ano bang nakain nya? Pektusan ko kaya to ng mag tino?! Hayst sabihin ba namang "Babe! San tayo magdedate pagkasundo natin kay ellie?" Like Duh! Babe? Kailan nya pa ako naging babe? Bat di ako nainform? Sinabi nya yun kaharap ang mga katrabaho namin! At alam nyo bang nandito si wayne nung sinabi nya yon?! Hasyt kainis talaga! Baka isipin nun anak namin si ellie!! Saka---- teka, tama naman diba? Whoaaah its a great idea! Kapag nalaman nyang anak namin ni dwayne si ellie, hindi na sya magtataka sa mga bagay bagay. Magkamukha si wayne at ellie, at magkamukha rin wayne and dwayne! So pwedeng.. magkamukha si dwayne at ellie? Woaaah tama tama! Push namin to! Salamat naman at may naiambag na sya sa pagiisip ko ng mga bagay bagay para lang di magtaka si wayne.
"Hey babe! Di ka sasagot?!" Ayy oo nga pala. May sinasabi nga pala sya
"Ah yes hon! Sama natin si ellie para happy family!" Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni dwayne. Whaha ang sagwa! Feeling naman sya! Parang tanga! "S - sure!" Yun naman pala eh!
"Bigyan mo naman ako ng pampasigla ngayong araw, para sa future ni ellie" huh? Anong bang pinagsasasabi nito?! Ano bang pampasigla yung sinasabi nya? "Kisssssss!!" Sigawan ng nga katrabaho namin. Ingay ah! Bat parang di sila takot ngayon sa boss nila?
"Pano ba yan? Kiss daw?" Tss sumakay ka naman! Palapit ng papalapit yung mukha nya sa mukha ko.. gosh.. ano bang gagawin ko? I - upper cut ko kaya to? 3 - 5 inches na lang ang agwat namin, at unti na lang magdidikit na yung lips namin, kaya pumikit na lang ako ng dahan dahan 5, 4, 3, 2, .....