Aaahhck ang sakit ng ulo ko!! Bwisit ano bang ginawa ko kagabi at ganto kasakit yung ulo ko?! Para kong tanga na nagsasalita sa isip ko habang nakapikit.
Parang tanga lang no?
pero bakit ganon? ... ang sakit ng ulo ko!! Ang naaalala ko lang naman, pumunta kami sa birthday ng bestfriend ni shaira na si chienna, pagkatapos ng party ay nagsiuwian na sila tas naiwan kami kasi magiinuman pa daw kasi, ngayon lang daw kami nagkakilala at nagkausap ni chienna, and after non..
... pumunta na kami sa guestrooms kung saan kami makikitulog. Tas paglabas ko ng CR... syempre lumabas ako.. then.. pagkapasok ko sa room ay may biglang humawak sa braso ko at hinalikan ako...
WHAT??!!!!
Wayne...
Dahil don, napadilat ako at napatayo. What the heck?!! Asan ako?!! Bakit iba tong room na to?! Saka bakit----tss oo nga pala, nasa mansyon pa kami nila chienna.
Lumingon lingon ako...
Anong ginagawa nya dito?! Bakit dito sya natutulog?! Sa tabi ko pa ha?! Lumingon uli ako at nakita ko na nakakalat lahat ng damit ko.. what the heck! Napatingin ako sa katawan ko na nasa ilalim ng comforter..Bat.... a - ako naka h - hubad???
Di na ko pwedeng magtagal pa dito, dahil sure ako na baka may iba pang isipin yung lalaking yun
Kailangan ko nang makaalis. Ngayon na.Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng sakit sa may baba ko.
Gosh. Ano ba talagang nangyare? Wala akong maalala!!Kahit na sumasakit pa rin yung ano ko ay pinilit kong tumayo saka binalot sa kumot ang katawan ko, at isa isang pinulot yung mga damit ko sa floor.
Hindi naman siguro diba?
Mali naman siguro ang iniisip ko?
Agh!! Ano ba talagang nangyare?!!
Gusto kong tignan si wayne pero mas nangingibabaw sakin yung hiya, at baka bigla syang magising. Eh di pano na???
Dumiretcho ako sa CR at naglinid na ng katawan. Pagkatapos ay hindi muna ako lumabas, tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin.
Ano ba talagang nangyare?
Bat wala akong naaalala?
M - may n - nangyare ba s - samin?
Wala naman sana...
Di rin nagtagal ay lumabas na ko ng CR pero iniingatan ko talagang makagawa ng ingay. Dumiretcho ako sa may pinto, pero bago yun. Lumingon muna ako sa hinihigaan ko kanina
....May.......
.......D - dugo....
***********************************
Pagkarating ko sa room ay nagklase lang kami. Ganon naman lagi eh. Tss di pa ko nasanay? Tas yun. Tatlong oras yung klase namin pero kahit isang minuto di ko sila kinausap, lalo na si--- absent nga pala sya. Pagod ata---- huh?! Ano ba tong iniisip ko?!!!!!
Kahit lingon di ko ginagawa. Bakit? Ewan ko.. pero yung ang gusto ko. And ngayon, break time na namin kaya naman pupunta na ko sa canteen, pinapapunta kaso ako nila caramel eh.
"Ury!" Tawag sakin ni shaira, pero nginitian ko lang sya ng pilit. Wala ako sa mood
"Oh may problema ba?" - yunamei
"Bat ganyan yang mukha mo? Naka 0 ka ba sa quiz?" - caramel
Di ko sila pinansin at umupo nalang sa tabi ni shaira. Tinatamad akong magsalita at gumalaw. Bawat minuto kasi naaalala ko yung kanina.
"Di ka kakain crislyn?" - caramel. Umiling lang ako pero parang timang lang. Bigla na lang syang ngumiti. Problema nito?
"Sure ka?! Ngayon kalang nagdiet ah!
"Ayan na pala sila babe" excited na sabi naman ni caramel. Tss kala ko ba kami lang ang kakain? Bakit nandyan pati yung mga boyfriend nila? Tss lang forever! And what the!!! Eto na naman yung isip ko.. gumagana na naman. Kasama lang naman kasi nila si wayne! Tss. Salamat na lang at wala ata ngayon si laide!
Nagsiupuan na sila at syempre nagsitabihan sila sa mga girlfriends nila, pero si shaira, hayy ewan.. pero simula kanina di ko nakitang pumasok si drey. Sama siguro talaga yung loob nya. Pero okay naman si shaira. Parang wala lang nangyare, di nya ba talaga mahal si drey? Di nya ba minahal? Hayy move on nga lang dyan. May problema din ako
Tignan mo nga naman.. , sa harap ko pa umupo, ugh!
"Ay gosh! Oo nga pala crislyn, bakit di mo na kami hinintay kanina?" - yunamei
"H - huh?"
"Sa mansyon nila chienna"
"Ah.. eh.." ano ba idadahilan ko? Sasabihin ko bang dahil nagising ako na wala nakong damit at may du--- . NO NO NO
"Ih oh uh?" - bryce
"Ano kasi eh.. may ginawa pa kasi ako sa bahay kaya nauna na ko, ayoko naman kayong istorbohin sa magandang pagtulog nyo kaya naman nauna nako. Oo tama. Ganon nga.." napatingin naman ako sa harapan ko at nakatingin lang naman po sakin si wayne. Alam nya kaya? Ughhh hindi pwede! Walang nangyare di ba? wala diba? Wala?! Eh bakit yung tingin nya parang minu murder nya na ko sa isipan nya?
Mali ata ako.. sa may tenga ko sya nakatingin. Problema nya? Naiingit siguro sya sa hikaw ko? Tss. Napahawak tuloy ako sa may dalawang tenga ko.
Ugh! Nasaan yung isa? Bat isa na lang? Bat di ko to napansin kanina? Ugh! Ang cute cute nun eh! Pero teka.. di kaya...---' ooopps di naman siguro, baka naman nahulog ko lang at di ko na namalayan
"Ury, problema mo? Bat ang likot mo dyan?" - shaira. Napatigil naman agad ako at saka ko lang nalaman na lahat na pala sila ay nakatingin sakin. Ugh yung hikaw ko!