Maaga akong nagising ngayon, dahil sa ingay nitong cellphone ko. Nag alarm na kasi. Saka maaga akong papasok ngayon para makapag review pa, kahit last minute na. Bumangon na ako sa kama ko at dumiretcho sa CR. Pagkatapos ay nagbihis na. Bumaba na rin ako para mag almusal. Kailangan kong mag almusal ngayon, para naman magkalaman yung utak ko. Kahit marami na akong nareview.
Pagkatapos kong kumain ay sumakay na ako sa kotse ko at nagsimula nang magdrive papuntang school. Mabilis naman akong nakarating, kaya naman gora na muna ako sa library. Naglakad ako papuntang 3rd floor. At nga naman oh.. pagkaminamalas, sa lahat ng pwedeng makasalubong sa campus na to, sya pa talaga? Pati yung mga body guards nyang The Clowns. Nagtatawanan pa sila
"Oh look. Goodmorning crislyn!" Bati ni Laide. Weh? Di ako natuwa sa bati nya parang nang iinsulto eh
"Pano mo naman nasabing
'Good morning'? Parang wala namang good sa morning ah. Lalo na.. kung ikaw ang makakasalubong ko! Alam mo? Ang ganda ng umaga ko.. pero nasira agad! Kaaga aga, ikaw agad
bubungad sakin? Oh c'mon.. Nightnare ba to? Di ako nainform" di makapaniwalang sabi ko. Yung parang nang aasar pa habang sinasabi ko yun. Whahahah speechless ang lola nyo! So dahil baka di pa ako makapagreview dahil sinasayang lang nila yung oras ko, dumiretcho na ako sa library at iniwan sila, lalo na si Laide na nakanganga sa mga sinabi ko. Smirk**************************
Tapos na rin sa wakas! Hayyy kailangan ko atang kumain ngayon. Nagutom ako kasasagot sa test papers eh. Sure ako, mga 99.9 % na papasa ako. Hindi lang ako papasa, makakaperfect ako. Madali lang kasi ang exam. So easy
Pagkalabas ko ng room ko ay nakasalubong ko sila yunamei na nagtatawanan.
"Uy crislyn!" - shaira
"Uh hi! Kamusta exam nyo? Ayos ba?"
"Oh yeah" - sabay sabay na sagot nila sakin
"So ano? Tapos na ang finals. May plano ba kayo? Sembreak na natin oh"
"Oo, nga! Masaya siguro kung mag out of town tayo" - shaira
Rrriingg rrriingg
"Yes babe.... naman! Ako pa?..... ngayon na?.... bakit?..... Ahm okay sige, punta na kami dyan" sagot ni caramel sa phone nya
"Bakit daw tumawag si babe mo?"
"Punta daw tayo sa secret room" - caramel
"Bakit?" - yunamei
"Abay ewan ko!" - caramel.
Pumunta na kaming apat sa secret room. Ano bang trip nila? Bat kailangan pang pumunta kami don? Pambihira!"Bat nyo ba kami pinapunta dito?!" Sigaw ni shaira
"May sasabihin si wayne, papunta na yun dito hintayin nyo lang" biglang sabi ni acer. Nung binanggit nya yung pangalan ni wayne, nabwisit na naman ako! Kainis!
"Tungkol ba saan yan?" Tanong ni yunamei. Saka bumakas yung pinto at pumasok si wayne.