Nang malaman ko na sa kanya pala ako bumasak ay bumaba agad ako sa pagkakasalo nya sakin. Tss anong slow motion ba ang iniisip ko? Kadiri! Sa kanya ako nabagsak? Oh Pero hindi ako na fall sa kanya!! Mahirap na
"T - thanks" sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong nya sakin. Obvious ba?
"Di ko kasi maabot yung libro" sabay turo sa libro ng In The End, Umakyat sya sa upuan at inabot yung libro
"Oh eto oh" sabay bigay sakin
Gosh kailangan ko pa palang mahulog para lang makuha ko tong libro na to?
"Ehem*" biglang may nag fake na ubo sa likod nya. Ayy? Nandyan nga pala yung higad
"T - thanks uli" yun lang at umalis na ko sa harapan nila. Pagbalik ko sa table namin nila shaira, iba yung mga tinginan nila. Yung parang ngisi ba? problema nila?
"Ano na naman?!"
"Patay tayo dyan!" - yunamei
"Na - fall ang lola nyo!" - shaira
"Catch me, i'm falling for you.." kanta naman ni caramel.
Tsk
"Bahala nga kayo! Mag re - review na ko!"
*****************************
Nang matapos na kaming mag review ay sakto namang 10 mins. na lang ay next class na namin. So pinauna ko na sila, kasi gusto kong mag CR. Haggard na kasi ang lola nyo kaka - review. Pag talaga nagsi - CR ako dito, naaalala ko yung mga sinabi ni Laide. Nakakapikon lang!
Naghilamos muna ako at tumingin sa salamin. Bat ba di ko makalimutan yung nangyare kanina, nung nasalo ako ni wayne? Tsk. Pinunasan ko na yung mukha ko ng towel ko at naglagay din ako ng very light na lipstic. Sinuklay ko na rin yung buhok ko habang nakaharap sa salamin. Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Laide. Tumabi sya sakin at humarap sa salamin
"Lakas din ng loob mo no?" Sino ba kausap nito? Baliw lang? Dalawa lang kaming tao dito, so ako ba yung sinasabihan nya?
"Stupid. Ikaw ang kinakausap ko, crislyn" sabay harap nya sakin. Problema ba nito?
"Ah ako ba? Sorry ah? Kala ko kasi nababaliw ka na eh!" Boom! Kala mo ah?
"Iniinis mo ba ko?!" Sabay taas ng kilay nyang ewan! Kala ko kasi alambre dahil sa sobrang nipis
"Bat naman kita iinisin? Baka ikaw ang nang iinis sa sarili mo?" Umalis na ako sa harap nya at lalabas na sana nang magsalita sya
"Akin lang si wayne" edi sayo! Wala namang umaagaw! Kapal nang mukha mong magparinig, wala ka namang binatbat! Manloloko! Manggagamit!
"So? Gagawin ko?" Saka ako tuluyan nang lumabas nung CR na yun. Pero di pa ako nakakalayo nang marinig ko yung sigaw nya.
Huh! Di ako papatalo sayo! Nawala na yung pagka warfreak ko, pero binabalik mo. Goodluck na lang sayo girl! Ang saya nya palang maasar no? Ang sarap sa mata na nakikita mo syang nag iisip ng pambara sayo, pero wala syang masabi.
Ang gandang laban neto!