Chapter 13

13 1 0
                                    

BAR

Kakaiba ata ngayon? Bat ang daming tao ngayon dito? Dati naman sakto lang. Ano bang meron? May artista ba? Tsk. Maganda pa nga ata ako sa artista eh whahaha

Pupunta na nga muna ako sa CR, gusto kong magre - touch eh.

Di naman ako nahirapang sumingit, sexy nga ako di ba? Pero nung malapit na akong makapunta sa CR,

"Ouch!" Ano ba naman oh! Di kasi nag iingat eh.

"Tignan mo nga yang ginawa mo sa dress ko---"

"Crislyn??" Oh.. isa sya sa kaibigan ni wayne diba? Wag mo sabihing kasama nya si wayne?

"Ah yah! Bat ka nandito?" Tanga crislyn? Ano pa ba ginagawa sa bar?

"Ah.. sorry nga pala, ang tanga ko, natapunan ka pa tuloy" mukha namang sincere sya

"Ahm no. It's okay" syempre nginitian ko sya

"May kasama ka? Or ikaw lang mag isa?"

"Ako lang. Wala naman akong friends eh"

"Ah ganon ba? Edi maki - join ka nalang samin" ako? Makiki - join? Tss.

"Sige na, please" ano ba? Sasabay ba ko o hindi?

"Hmm.. okay. Wait CR lang ako"

"Sige, wait kita dito ha?"

WAYNE

Nakakainis talaga tong mga ugok na to. Ang dami namang ibang BAR. Bakit ba dito pa kami? Sobrang ingay tapos ang dami dami pang tao. Tapos yung mga babae? Tss. Halata namang mga nakatingin samin. Mga pa - cute. Di naman bagay.

Nasan ba si drey? Kanina pa yun ah? pero hanggang ngayon wala pa rin. Napaka bagal talaga kumilos nun kahit kailan. Maitanong na nga lang kay chase kung nasan na ba yung tao na yun.

Hinanap naman ng mga mata ko si chase. Pero Walangya!! Ang bilis maka  - sungkit ng babae! 20 minutes palang kami tapos nakikipag  - flirt na agad. Walastic talaga. Si chase kasi ang pinaka - playboy dito samin. Ngayon yang babae na yan ang kasama nya, pero maya - maya lang iba na naman.

Kasama namin pati mga girlfriend nila acer, drey, and bryce. Whahaha kala siguro nila makaka - pang - chicks sila ngayon. Bantay sarado tuloy sila. Kami lang ni chase ang walang girlfriend saming magkakabarda. Kaya tignan mo, kung makapambabae wagas. Pero ako? Huh mabait kaya ako. Di lang halata. Pero malakas ako mantrip. Ngayon boring kasi wala akong mapagtripan.

Wag na nga lang kay chase. Tumingin ako kay acer, nag ce - cellphone lang naman sya eh. Kasi nag CR yung girlfriend nya. Kaya sya na lang ang tatanungin ko

"Acer, nasan na ba si drey? Kanina pa yun ah?"

"Ewan ko dun! Di ka pa nasanay wayne. Alam mo namang ang kupad nun kumilos. Talo pa ang babae!" Tama naman sya eh, walang duda.

"Oh ayan na pala eh! Eh sino yung kasama nya?" Tama sya papalapit na nga si drey dito sa table namin. At may kasama sya. Napangiti ako. Kung di ako nagkakamali, si Crislyn yun. May mapagti  - tripan na ko.

In The End   Where stories live. Discover now