Ilang linggo na rin kami magkakasama nila shaira. Hmm. Masasabi ko na mapagkakatiwalaan talaga silang mga kaibigan. Kasi sa ilang linggo na magkakasama kami ay nakwento na nga ata namin sa isa't isa ang buong buhay namin. Lalo na yung akin. Nung una, nagulat sila, kasi daw di naman daw halata na ganon ako sa parents ko. Mukha naman daw akong mabait. NICE
Pero di naman nagtagal ay naiintindihan naman daw nila ako. Kasi kung sa kanila daw mangyare yun. Sure daw sila na magagawa din nila yung ginagawa ko.At yun, dahil sa sobrang close namin. Di na kami mapaghiwalay. Kahit nga mga boyfriend nila. Para na talaga kaming magkakapatid eh. Yun din naman na ang turing ko sa kanila. Dahil sila lang ang nagparamdam sakin na pwede rin akong kaibiganin
. Nagtatampo na nga sila drey, bryce and acer eh, dahil unti na lang daw ang time sa kanila ng girlfriend nila. Whahaha pero syempre papadaig ba ang mga kaibigan ko? Sinasabi lang nila sa boyfriend nila na, subukan lang nilang mag hanap ng ibang babae, kundi, di na sila sisikatan ng araw! Cute nila! Minsan nga kinikilig na ko sa kanila eh. Pero pinipigilan ko lang kasi baka ako na naman ang mapagtripan nila bryce. Simple lang, aasarin nila ako kay wayne. Sasabihin nila, pwede naman daw kami ni wayne dahil wala naman daw kami pareho na boyfriend or girlfriend. Psh anong connect?
Tuwing break and uwian sabay sabay din kami. Then every saturday naman, shopping day namin. Grabe pala tong mga to mag shopping. Halos ikutin na namin ang buong mall mabili lang ang gusto nilang style ng damit. Whaha Siguro kada anong puntahan namin na bibilan nila, mga 1/4 na ng tinda nila ang nabibili namin. Lahat daw kasi gusto nila kaya naman lahat na lang binili nila. Ang saya lang! Kahit naman mayaman kami. Di naman ako ganun ka gastos katulad nila.
Di ko naman sila mapipigilan dahil mayaman naman sila. So bakit di na lang buong mall ang binili nila di ba? Nagpagod lang sila kakaikot.
Saturday ngayon, kaya naman SHOPPING DAY namin ngayon. Ano kaya ang susuotin ko ngayon? Nagsasawa na ko dress eh. Pati kahi - heels.
So dahil wala na akong napili kaya naman nag - jumper na lang ako. Yung style nya is black na short na may jumper. Tapos white na t - shirt. Para maiba naman! Tapos nag rubber shoes lang ako na black. Mukha kong kpop. Ang cute ko pala?! Oh di ba? Ang simple ko lang? Hehe kinuha ko na yung wallet ko pati yung phone ko. Oo nga pala, susunduin nila ako ngayon dito sa bahay. Ewan ko sa kanila. Yun trip nila eh. Hmm kailangan ko na nga atang i - ready ang paa ko para mamaya. Dahil sure akong mananakit na naman yung paa ko mamaya kakaikot ng mall.
Tok tok tok
"Pasok"
"Nandito na po sila mam yunamei" sabi naman nung maid namin. So okay nandyan na pala sila. So gora na! Um - oo lang ako tapos sumabay na ko sa kanyang bumaba. Mabilis naman kaming nakarating sa may sala and tama. Nandyan na nga sila. Bakit? Ang ingay eh! Alam nyo naman ang nga bunganga neto.
"Ang simple mo ngayon ury ah!" nakangiti na sabi naman ni shaira. Sobrang simple ko ba talaga ngayon?
"Oo nga! Sure ako maiinlove lalo nyan sayo si Wayne!" Sinamaan ko naman agad ng tingin si caramel. Loko to. Isingit ba naman si wayne?
( eh bakit parang natuwa ka naman?)
Hindi ako natutuwa ah? Pati ba naman isip ko?
"Ooppss sorna!"
"Bat nakangiti ka crislyn? Inlove ka na rin ba?" - yunamei
"Hayy nako! Oo na oo na! Natutuwa lang ako pero hindi ako inlove okay? Bat ba kailangan ko pang magpaliwanag?"
"Oo na ury!! Masyado kang defensive??!"
"Ewan ko sa inyo! Tara na nga! Ng maaga tayong makauwi!"
"Uy.. umiiwas sa usapan.." simaan ko rin ng tingin si yunamei.
"Sorna na crislyn, oo na isi - zipper ko na yung bunganga ko"
Sumakay kami sa kotse ni caramel at syempre sya rin ang driver namin. Sa tabi nya naman si shaira, tapos sa likod naman ako pati si yunamei. Mabilis naman kaming nakarating sa mall. At syempre ang una naming pinuntahan ay ang favorite nilang bilhan. Magaganda naman kasi talaga yung tinda dito. Mahal nga lang. Mayaman naman tong mga kasama ko eh.
"Girls. Gusto ko nito!" - caramel
"Edi bilin mo! Wala namang pumipigil sayo eh!" Iritang sagot naman ni shaira. Whahah basag!
"Tara na nga lang crislyn. Gusto bumili ng perfume eh. Paubos na kasi yung perfume ko sa bahay" - yunamei
"Edi mag downy ka na lang!" Walang gana kong sagot
"Seriously? Crislyn? Nagda - downy ka?"
"Hindi eh. nag jo - joke lang ako sayo! Bruha!"
"Ahh kala ko kung ano eh"
So yun bumili sya ng perfume. Pagkatapos nyang bumili ay bumalik na kami kila shaira and caramel na kanina pa nakukulitan.
"Oh mga bruha. Okay na kayo?"
"Oo! hehe ang ganda ng binili ko oh look!" - caramel
"Psh walang nagtatanong caramel!" Sinamaan na naman sya ng tingin ni caramel. Kanina pa kasi sya nambabasag trip eh. Whahah ang cute!
"Girls kain muna tayo!"
"Yah gutom na rin ako eh" - shaira
"Kailan ka ba di nagutom shaira?" Bawian ba to?
"Tama na yan girls! Kain na tayo!"
"Oo nga. San ba masarap? Sa jollibee?" - yunamei
"Yuck! Ano yun bata?!" - caramel
"Pizzahut na lang"
"Oo nga! Tara!" Pumunta na kami ng pizzahut at um - order na si shaira. Nang makabalik na sya ag kumain na agad kami. Kung ano ano lang ang pinag usapan namin hanggang sa napunta na ang usapan kay wayne
"Kamusta na kaya si Laide no?" Bigla namang sabi ni caramel
"Oo nga! Sana di na lang sya bumalik!" - shaira
"Ang sama ng ugali nyang gamitin lang si wayne para lang sumikat sya!" - yunamei
"Tama!" Sang ayon naman ni caranel and shaira. Teka nga! Di ko sila maintindihan
"Wait nga! Sino ba yang Laide na yan?! Ikwento nyo kaya sakin para naman maintindihan ko kayo di ba?!"
"Yun nga. Si Laide. Ex - girlfriend sya ni wayne. Ex - bestfriend din namin sya. Sya yung first girlfriend ni wayne. Minahal sya ni wayne ng totoo. Lahat binibigay ni wayne sa kanya. Pero nang malaman ni wayne na ginagamit lang pala sya ni Laide para lang maging famous. Nagbreak sila. Yun kasi ang pangarap talaga ni Laide dati pa. Na maging famous sa buong campus. Which is nangyare naman. At syempre nang malaman namin yun nagalit kami kay Laide. Di kasi talaga namin inaasahan na magagawa yun ni Laide eh. Mabait naman si Laide kaya malabo na magawa nya yun. Tapos sa huli sya pa ang nagalit dahil nakipag break sa kanya si wayne. Sinasabi nya na ginamit lang daw sya ni wayne which is sya naman" - shaira