Siguro ilang buwan na simula nung pumunta kami sa birthday ni chienna, nakabalik na rin sya sa paris dahil nga model sya dun, at may bago na syang project.
Ganon pa rin naman, busy pa rin sa school. Kahit di halata. Whahah. Nasa bahay lang ako, saturday kasi ngayon eh. Saka wala naman kaming napagusapan na maggagala or kung ano man na gagawin ngayon.
Kaya heto ako ngayon, naalala ko kasi yung hiniram ko sa library, yung libro ng 'In The End' hehe kaya iyon, binasa ko na lang, kesa naman maboring ako
Ang cute ng story. Pero bakit ganon? Parehas yung nangyayare dun sa nangyayare ngayon sakin?
Tss baka naman di lang sinasadya. Or baka, ganon talaga?
Tss ano ba yan? Whaha kung ano ano sinasabi ko wala naman akong maintindihan sa sinasabi ko
Nasa may garden ako nagbabasa, mahangin kasi dito at fresh pa ang hangin, maaliwas din at makakapag relax din ng maayos
"Mam nakahanda na po yung pagkain nyo" tinanguan ko lang sya at tinabi na rin yung libro na binabasa ko
Bago ako pumunta sa may lamesa at nilapag ko muna sa may drawer yung libro
"Anong ulam yung niluto mo? Nagugutom na ko eh" hehe kala mo di nakakain ng isang linggo eh no? Tss iba na to!
"Tinolang manok po" waaaahh ang sarap. Lalapit na sana ako ng may maamoy akong di gusto ng sistema ko, kaya naman nagtakip ako ng ilong ko. Psh ano ba yun? Ambaho!
"Bakit po mam? May problema po ba?"
"Ano yung mabaho?" Tanong ko habang nakatakip pa rin ang ilong gamit ang kamay ko
"Wala naman po ah. Mabango naman po yung alam" tatanggalin ko na sana yung pagkakatakip ko sa ilong ko ng may maamoy uli ako
"Amoy luya! Kadiri! Ang baho!"
"P - po? Mabango naman po ah!" Sabay amoy nya sa tinola
"Ang baho kaya!"
"Ayaw nyo po ba? Sige po luto na lang po ako ng bago"
"Sayang naman. Pero ayoko kasi nung amoy" sayang. Ang dami pa naman.
Dahil wala naman akong magagawa kaya maghintay na lang ako nung bago niyang lulutuin. Sinabi ko sa kanila na yung tinolang manok na lang ang ulamin nila.
Pagkaluto ay naghain agad siya ng panibago at kumain na ko.
Pansin ko, ang lakas ko kumain ngayon. Feeling ko nga tumataba na ko eh. Tss lakas kong kumain ngayon ah! Pano na yan pag tumaba ako ng sobra?
Panget ko na!"Kanin pa po?"
"Ah hehhe oo" nilagyan naman agad nya ako ng kanin at lumamon na uli ako. Oo, parang lamon ang ginagawa ko ngayon at hindi simpleng pagkain.
Nagmumukha ako PG ah! Tss sorna! Gutom lang talaga!Pagtapos kong kumain ay parang di ko na kayang tumayo sa bigat ng tyan ko. Hayyy lakas ko kasi kumain eh! May dragon ba ko sa tyan ko? Hala! Sure ako malaki na sya lalo
"Okay lang po kayo?"
"Ah oo hehe. Sige akyat lang ako sa kwarto, sabay sabay na kayong kumain, kung mamaya pa kayo kakain baka magutom din kayo katulad ko" nagsitawan lang sila