WAYNE
Pagkagising ko, iba yung room na tinulugan ko kaya nagtaka ako. Pero bigla ko na lang naalala na kila chienna nga pala kami nakitulog dahil lasing na rin kami kagabi.
Tumayo rin agad ako at pumasok sa CR para gawin yung mga dapat kong gawin. Paglabas ko at kinuha ko lang yung phone ko nang may mapansin ako sa kama, ano to? Dugo? May sugat ba ko? Tss yaan na nga. may napansin akong kung anong kumikintab sa may sahig kaya naman kinuha ko, kanino naman to? Tss nilagay ko na lang sa bulsa ko yung singsing at tuluyan nang lumabas.
Pagkagaling ko sa bahay ay dumiretcho na rin ako sa school, pero langya! Break time na namin, whahah yaan na nga! Atleast pumasok ako, yun ang mahalaga
Tinext ako ni bryce na sa canteen daw ako dumiretcho dahil kasabay daw nila yung girlfriend nila. Tss anong connect?
Di pumasok ngayon si laide dahil may gagawin pa daw siya tungkol sa business ng family nila.
So wala na rin naman akong choice dahil wala rin akong kasabay, wala si laide, edi sa kanila na ko sasakay kahit na ang ko corny nila
Papasok pa lang ako ng canteen nang makita ko sila
"Wayne!" - drey
"Late ka ah! Nasobrahan ka ata sa inom!" - bryce
"Baka may problema?!" - chase. Tong lalaking to minsan di nakakatawa eh
"Tss tara na nga sa loob" saka kami sabay sabay na pumasok sa canteen, mabilis din naman namin nakita ang table ng mga girlfriend nila pati si crislyn.
Tss
"Ayan na pala sila babe"
Nagsiupuan na kami at sa harap ni crislyn ako umupo. Bakit? Trip ko lang bakit? Problema? Nakita ko naman na naiirita na sya kaya naman napapangisi na lang ako
"Ay gosh! Oo nga pala crislyn, bakit di mo na kami hinintay kanina?" - yunamei
"H - huh?"
"Sa mansyon nila chienna"
"Ah.. eh.." tss nagiisio ng isasagot?
"Ih oh uh?" - bryce
"Ano kasi eh.. may ginawa pa kasi ako sa bahay kaya nauna na ko, ayoko namna kayong istorbohin sa magandang pagtulog nyo kaya namn nauna nako. Oo tama. Ganon nga.." habang nakatingin ako sa kanya ay napatingin din sya sakit at kumunot ang noo
Napansin ko lang kasi yung hikaw niya, parang.. parang nakita ko na eh.
"Ury, problema mo? Bat ang likot mo dyan?" - shaira. Napatigil naman agad siya at saka lang pumasok sa isip ko kung saan ko nakita yung hikaw nya.
Yun yung nakita kanina, so.. sa kanya yun? Pano napunta don? Pumasok siya? Pero bakit wala naman akong narinig na bumukas ng pinto? Tss bat ko ba iniisip yun?
Kung iniisip nyo na ibabalik ko sa kanya yung hikaw nya, nagkakamali kayo. Di ko alam pero parang ewan eh. Parang ayoko. Ano naman gagawin ko dito? Tsss