Papunta na ako sa school namin, medyo iniingatan ko nga yung tyan ko eh, lalo pa ngayon na siya na lang yung natitira sakin, totoo nga yung sinasabi nila na 'Pag may nawala, may much better na darating' at siguro yun na yung baby ko. Wala akong balak sabihin kay wayne yun. Na buntis ako.. wala naman mangyayare pag sinabi ko sa kanya eh diba? Tss
Umakyat na ako sa room ko at nakita ko sila drey at mga kaibigan niya kasama si wayne na nagtatawanan.
"Oh nandyan na pala si crislyn eh!" - bryce
"Crislyn.." - drey
"Hmm?"
"Tumataba ka!" Lagot!
"Huh? Eh alam mo naman na malakas ako kumain diba? Haha oo yun nga!" Hayy pano ba ko makakatakas sa mga to?
"Go to your proper seat" oh thanks! salamat naman at nay teacher na
***************************
Nasa canteen na kami at nagugutom na ko! Gusto ko lahat ng nakikita ko. pero baka di na ko makalakad nyan mamaya dahil sa bigat ng tyan ko!
"Crislyn ano kakainin mo?" - yunamei
"Ah.. gusto ko ng carbonara, burger, french fries at apple!"
"Di ka naman gutom nyan no?" - shaira
"Bunt------ ah eh.. gutom ako eh!" Muntik na!!! ang tanga ko!
"Crislyn, bakit parang iba ka ngayon?" Nagtaka naman ako sa tanong ni drey. Anong iba? Di kaya.. alam nya na or napapansin nya na?
"Panong iba?" Kunyare di ko alam
"Di mo na pinapansin si wayne!" Tss wayne na naman. Di porket ama sya ng baby ko..
"Bat ko naman sya papansinin?" Baka masabi ko pa yung about sa baby
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa room namin, may klase pa kasi. Nagdiscuss lang tas activity, tas uwian na! Ang saya no?! Hehe
Umuwi rin ako ng maaga, pagkauwi ko ay kumain lang ako, kasabay yung mga maid namin. Masaya kasi pag may kasabay ka sa pagkain. Pagtapos ay ginawa ko lang yung project namin. At umakyat na ako kwarto.
Nagsearch ako ng mga cute na picture sa internet. Mga korean na baby. Hehe para magmukha ring korean yung baby ko no? Whahahah pagkatapos kong makahanap at makapagdownload ay kinuha ko yung libro ng 'In The End' at binasa ko lang yun, kinikilig pa nga ako eh.
Naalala ko tuloy yung mga sinabi nung doctor ni mommy
-wag magpupuyat
-wag magpalipas ng gutom
-wag kakain o iinom ng
malalamig-wag magpa tress
-bawal ma depress
Kaya naman tinabi ko na lang yung libro at nahiga na sa kama