Chapter 25

12 0 0
                                    


WAYNE


Gagawin ko ba yung gusto ni crislyn? Ano bang trip nun? Porket ba di ko na sya napagtitripan ako naman ang pagtitripan nya? I - date ko daw sya? Pano na yan? Lagi kaming lumalabas ni laide. Pano ko hahatiin yung oras ko sa kanilang dalawa? Sa totoo lang? Pwede namang di ako pumayag sa sinabi nya eh. Kaso.. pag hindi sumama si crislyn, sigurado akong magagalit sakin si shaira. Lalo na yung dalawang mongoloid na sila yunamei at caramel. Ugh!! Ano ba? Papayag ba ko? Matagal na kaming di nagkikita or nag uusap man lang ni laide so gusto kong makasama ko sya lagi. Kahit na sinaktan at niloko nya ko dati.


Tapos na kong maligo kaya naman inayos ko na ang sarili ko. Humarap muna ako sa salamin at tinignan ang itsura ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko, dumiretcho ako sa pinaradahan ko ng kotse ko. At nagsimula na kong magdrive. Didiretcho kasi ako sa unit ni laide, lalabas kasi kami ngayon. Nang makarating ako sa condo nya, pinapasok naman agad ako ng security guard. Kilala nya na kasi ako, saka sinabi ata ni laide na papapasukin agad ako pag pumunta ako dito.


Nang marating ko na yung unit nya ay nagdoorbell na ko. Mabilis naman bumukas yung pinto at nakita ko agad si laide na nakabihis na. Di naman sya excited no? Haha

"Wait lang ah. Pasok ka na muna"

"Ah hindi. Okay na ko dito. Hintayin kita" sabi ko na lang. Di kasi ako komportable sa unit nya. Ewan. Basta ayoko pumasok.

"Ah sige" pumasok agad sya at may kinuha lang ata kaya mabilis naman syang lumabas. Dumiretcho na kami sa parking lot at pinagbukas ko sya ng pinto

"Na - miss ko to, wayne" nginitian ko lang sya. Ngayon ko lang nalaman na nakakamiss pala ang pagbubukas ko ng pinto.

Pumasok na rin agad ako at nagmaneho na papuntang mall. Dun kasi gusto ni laide, gusto nya daw mag ikot ikot kasama ako.

Nang makarating na kami don ay pinark ko muna yung kotse ko at pumasok na kami sa mall na magka holding hands.

"Wayne, samahan mo naman ako. Gusto ko kasing bumili ng dress. Wala na kong masuot eh" sabi nya. Wala naman akong magagawa dahil yun naman talaga ang pinunta ko dito, ang samahan sya sa pagiikot daw

Pagkapasok namin ay pinagtitinginan agad kami i mean ako ng mga babae. Si laide naman hinigpitan lang yung pagkakahawak sa kamay ko. Muntik ko nang makalimutan, Selosa nga pala to!

Nang makapasok na kami sa gusto nyang bilhan ay naghanap na agad sya ng mga type nyang damit at sinukat yun isa isa. Isa isa nya yung sinuot at kada labas nya ay tinatanong nya sakin kung bagay ba. Tss mga babae talaga, kailangan pang itanong sa iba kung bagay sa kanila yung suot nila.


Pagkatapos nyang bumili ng mga type nyang damit ay lumabas  kami at nag ikot ikot. Again

"Babe, san mo gustong kumain?" pa sweet na tanong nya. Nagkibit - balikat lang ako sa kanya

"Katulad ka pa rin ng dati. Kung san ka yayain, dun ka lang kakain"

"Tara na nga! Chowking na lang! Trip ko kumain dun eh" saka nya ko hinila. Nang makarating kami don ay tinanong nya ako kung anong gusto kong kainin, pero ang sabi ko lang ay katulad na lang nung sa kanya. Umalis naman sya agad at um - order na ng kakain namin.


Marami ding tao ngayon. Kailan nga ba nawalan ng tao sa mall? Sus kung alam ko lang, aircon at wifi lang ang pinunta ng mga yan dito. Haha nang mapalingon ako sa may bandang bintana ay may nakita akong apat na babae. Tss naalala ko na naman tuloy yung sinasabi nung baliw na babaeng yun.


Ano nga ba? O - oo ako o hindi?


Pag kasi di sumama to, kukuyugin ako ng mga bubuyog na yun eh. Hindi naman ako selfish. Kaya kailangan ko talang pag isipan







In The End   Where stories live. Discover now