"Caramel" tawag ko sa kanya, nagcecellphone lang kasi siya. At may naisip na akong paraan para di na umabot pa sa magdududa na sila sakin. "Oh?"
"Hmm.. naisip ko lang na.. pumunta sa paris, para na rin makapagbakasyon. At don na rin ako mag aaral" kumunot naman yung noo nya
"Pwede namang dito na lang ah?" Sabi na eh.. pero di pwede. Kailangan mapilit ko sila
"Saka kailangan ko rin pagaralan yung mga dapat kong gawin dahil ako na ang mamamahala ng company namin" napatango naman sya. Ibig sabihin ba pumapayag na siya?
"Im not convinced" eh? Paasa!
Bigla naman nagsipasukan sila shaira and yunamei na busy sa kakalandi sa boyfriend nila. Tss "Guys ano pinag uusapan nyo?" - shaira
"Si crislyn kasi may sinasabi!" - caramel
"Ano naman yun? Wag mo sabihing buntis ka?!" Saktong kakainom ko ng tubig ng sabihin niya yun kaya naman, nabulunan ako. Bwisit. Tamang tama ah!
"Sa paris na daw sya titira!" May sinabi ba kong ganon? Ah eh.. oo nga pala, parang ganon na rin yun. Tanga ko
"WHAT?!!" kailangan sabay sabay? Tinanguan ko na lang sila. Bigla namang bumukas yung pinto at mula don pumasok sila laide and wayne na magkaholding hands na may hawak na zagu. Sweet
Ang kapal naman ng babaeng to! Makahawak wagas! Baka nakakalimutan--mali mali, di nya alam yang kaholding hands nya ang daddy ng baby ko! Huh! Ex ka lang! Ako? Ina ng anak nya. So back off! Ewan ko hindi ko alam kung nagkabalikan na sila talaga. Pero wala akong pakielam!
"Hoy crislyn!!" Bulong sakin ni yunamei "Kanina ka pa nakatitig sa kamay nila! Baka mahalata ka nyan!" Tss oo nga pala. Napaisip lang naman ako.
"So yun nga, dahil kompleto tayo ngayon, mas maganda kung sasabihin ko na. Aalis na ko sa friday, pupunta na ko sa paris. Dun ko na rin tatapusin ang pag aaral ko. Kung ano mang address nun, sorry di ko pwedeng sabihin" yah. Baka kasi pumunta sila dun at saktong naipanganak ko na si baby, baka magtaka sila kung sino or ano ko yun.
"Ang bilis naman! Di ba pwedeng next year na?" Eh nakapanganak na ko nun? Tanga lang?
Marami pa silang kinulit kulit sakin para di na ko umalis, pero wala nang dahilan para mag stay pa ko dito. Kailangan kong itago yung baby ko sa kanila, lalong lalo na kay wayne. Ang tanga lang kasi ng sitwasyon eh. Ni walang kasiguraduhan kung may nangyare ba talaga. Basta nagising nalang ako ng ganon na ko. Wala man lang akong naalala na kahit ano, ang naaalala ko lang yung.. hinalikan nya ko, yun lang. Ang tanga no? Pati nga sya sure ako wala rin syang naalala eh. Kasi kung may naalala man sya, malalaman ko dahil pwedeng sabihin nya sakin yun. Pero.. kung wala namang nangyare, ano yun? Basta basta nalang may nabuo? Sino naman ang nakabuntis sakin? Wag mo sabibing..... multo? Nge! Pwede ba yun?!
Pero sa huli pumayag din sila. Dahil ang ginawa kong reason ay dahil sa business namin. Na ako ang mamamahala nun.
Pero alam nyo? Sa totoo lang? Wala akong balita sa business namin simula nung mawala sila mommy and daddy.
Pagpunta ko na lang sa paris, saka ko na lang rin aalamin yung tungkol dun. At syempre.. dahil sa kung ano anong dahilan ko, pumayag naman sila, wala naman silang magagawa eh. Kahit ayaw nila, aalis ako. Para sa ikabubuti rin namin yun ni baby.