Na - shock ata sya sa sinabi ko. Well.. ako rin naman eh. Di ko alam kung paano ko nasabi, basta yun na yung lumabas sa bunganga ko. San ko naman nakuha yung " idate mo ko"? Tss tanga ko
"Sure ka ba sa sinasabi mo?" Tanong nya. Di ako sure eh. Pero gora na lang
"Yes. At kung ayaw mo eh di hindi. Di naman kita pinipilit. At alam ko naman na mas masaya kung kayo kayo na lang, baka makaistorbo pa ko sa moment NYO" diniinan ko talaga yung NYO. Diba? Malaking harang lang ako? Tumalikod na ako sa kanya ng magsalita sya, putek hilong hilo na ko ah! Kanina pa ko ikot ng ikot
"Kailan?" Napangiti na lang ako sa kanya at dumiretcho na sa canteen para kumain. Kanina pa may humahadlang sa pagkain ko eh.
Mula dito sa table ko. Nakita ko si laide kasama yung The Clowns. Ano bang bago? Pero habang nakatingin ako sa kanya, may sumisilay na nakakalokong ngiti sa labi ko.
Huh! Enjoyin mo na itong araw na to laide, dahil ako naman ang babanat sayo.
Pagkatapos ko kumain, lumabas na ako ng canteen at pumunta na sa pinag parking - an ko ng kotse ko.
Oh teka. Bat nandito yang mga yan?
"Crislyn!" - yunamei
"Kala ko nauna ka nang umuwi eh!" - caramel
"Naunang umuwi? Eh nandyan nga yang kotse ko oh!" Bara ko kay caramel. Bigla naman syang sumimangot
"Ang bad nyo! Sumbong ko kayo kay daddy, away nyo ko! Lagi na lang kayong nambabara ah!" Sabay pout ni caramel. Whahahah wawa.
I - date mo ko
Gosh! Nu ba yan? Bat bigla bigla na lang pumapasok sa isip ko yan?
"Tama na nga drama guys!"
"Guys, look at crislyn. Iba yung ngiti nya right? Ano kayang meron?" Nabigla ako sa sinabi ni yunamei. Matagal na pala akong nakatulala?
"Ury, may gusto ka bang sabihin?" - shaira
"W - wala" ba yan? Bat may utal - factor? Tss. Sabay sabay na kaming umuwi at malamang sa malamang , ako ang driver. Akin kasi yung kotse na gagamitin eh. Habang nasa kotse kami, at nagda drive ako. Nagkukulitan naman sila . Parang mga bata talaga. Bigla kung naalala yung sinabi ko kanina kay wayne bago ako umalis sa harap nya. Yung about sa "I - date mo ko". Bat ba kasi yun ang sinabi---- i mean nasabi ko eh. Yan tuloy kung ano anong naiisip ko.
Ah so okay.. alam ko na kung bakit yun ang nasabi ko, siguro gusto ko lang talaga syang i - save sa pangloloko at panggagamit sa kanya ni laide. Bat naman kasi ang tanga ni wayne eh, niloko na nga, ginamit na nga. Pumapayag pang lapitan ni laide. Ayy nako! Siguro kung may stage lang ang pagkatanga nya. Sure akong Stage 5 na sya! Di sya tanga, SOBRANG TANGA LANG!!
Siguro dapat hanggang maaga pa, mawalan na nang time si wayne kay laide, dahil habang sumasama sya kay laide, malaki ang posibilidad na mainlove sya ulit sa mangloloko't manggagamit na si LAIDE!!
"Ury, san tayo pupunta? Iba na yung dinadaanan mo" sabi ni shaira sabay kalabit sa braso ko. Napatigil naman ako sa pagda drive at napatingin sa kanila na, nagtatanong din kung saan ko ba balak pumunta.
"Huh?" Inosente kong tanong. Kumunot naman yung noo nila
"Tignan mo kung nasan na tayo" sabi naman ni yunamei sabay turo sa harap
"Ayy sorry" sabi ko na lang. Di ko kasi alam ang sasabihin ko eh
"At san ka pupunta?" - caramel
"Babalik. Diba mali yung dinaanan natin?"
"Wait wait! Dumiretcho kana. Malapit lang yung mall dito, gala muna tayo!" - caramel