Mga 7:20 na nang makarating kami, pa special kami eh no? Pero wow!! Ang laki laki ng bahay---- ooopsss mali! Mansyon. Oo tama! Mansyon! Malaki pa sa bahay namin to!
Sabay sabay na kaming pumasok, at grabe lang! Andami pong bisita. Mga hindi ko kilala, dapat pala di nalang ako sumama----
May biglang lumapit samin na babae, well--- ang ganda nya! Inggit ako promise. Nakangiti pa sya, para syang.. model? Ang perfect ng katawan eh! Kumpara mo naman kay caramel.. oooppss sorry! Kayo lang naman nakarinig diba? Hehe
"Sila na ba yung sinasabi mo, shaira?" Sabay ngiti samin
"Ah yes! Sila nga pala yung mga friends ko!, di halata no?!" Whaha loka loka to! Tas yun, pinakilala nya kami isa isa, ang galing nya lang ah.. naintindihan nya si shaira, kahit puro tawa lang naman ang ginagwa
"Ahm hello guys, nice to meet you!"
"Hello po" - caramel. Kunyare mabait eh no? Tss pagkain lang naman pinunta nyan dito eh!✌
"Hi!" Sabay ngiti, para di halatang pagkain lang din ang pinunta ko dito. Mwehehe
"Hi miss beautiful.." sabay kindat! Ewww. Talaga tong si chase, kadiri. Ang landi talaga. Buti at nginitian lang sya ni.. sino nga ba yun? Tss basta yung may birthday
"Ah oo nga pala! Dito yung table nyo, tara sunod kayo sakin!" Sinundan naman namin sya. At nang makaupo na kami, nagsalita sya
"Nakalimutan kong sabihin, ininvite ko rin si wayne, sinama nya yung girlfriend nya!" Girlfriend nya?
"Sinong girlfriend?" - yunamei
"Si laide"
"Si laide? Matagal na silang break!" - drey
"Yun din ang alam ko pero yun ang pakilala nya kahapon sakin eh" sila na? So.. wala na talaga? Wala nang pag asa? Tss.. ang bagal ko kasi eh, dapat pala sinabi ko na sa kanya na ģusto ko na sya.. nung panahong nasa resthouse pa kami.. tss gusto ko pa ba sya?
Kanina pa pala nakaalis yunh may birthday. Di ko man lang namalayan!
"Okay ka lang?" - shaira
"Oo naman! Bakit hindi?" Bat naman ako magiging di magiging okay?
"Si wayne.." - yunamei
"Anong gagawin ko sa kanya?!" Tss
"Yun oh.. tingin ka dun" saka nya tinuro, at ako naman si tanga, tumingin din
Sweet sweet nila ah! Teka, nakangati yung mata ko! Pati mata ko nilanggam?
"Sweet no? Whahaha" inirapan ko nalang sya. Bwisit! Palibhasa, alam nyang gusto ko na si wayne kaya naman grabe na makapang asar!
******************************
Nagsialisan na lahat ng mga invited. Si laide,nauna nang umuwi, may pupuntahan pa daw siya, kaya naman hinatid na sya ni wayne sa condo nya, tss sweet.
Yah! Mag iinuman daw kami, ngayon lang daw nya kami nakilala so, maganda daw kung magsama sama daw muna kami kahit ngayon lang, kahit simpleng inuman lang na kami kami lang. uuwi na kasi sya sa susunod na araw. Yung mga boys bumili na ng iinumin namin, at mabilis naman silang nakabalik. Alam nyo naman, mga lasenggero yan. kami naman kasama si Chienna, nagaayos na ng pwesto namin, gusto nya daw sa sala lang kami kaya naman ito kami at busy sa kakalinis, nilapag na namin ang pulutan daw at yung iinumin namin, at pumwesto na kami sa sahig, ang laki naman kasi sala eh
Ganto ang ayos namin ;
Wayne Yunamei
Drey
Caramel Shaira
Bryce
acer Chienna
Me Chase"Guys, oh, im sorry I forgot!" Sabi ni chienna, na ikinagulat naman namin, kaya napalingon kami sa kanya
"Bakit? Ano nakalimutan mo?"
"Tss nakalimutan nyang sabihin sa inyo na boyfriend nya ko" sabat naman ni chase. Di rin makapal mukha neto eh no?
Sabay sabay naman namin syang binatukan. Kapal eh
"A - ahh ang sakit ah!"
"Di ka lang manyak! Mahangin ka rin!" - caramel
"Whahaha" tawa naman ng tawa si chienna sa pinaggagagawa namin
"Bat ka tumatawa chienna?" - shaira
"Ang cute nyong magkakaibigan!"
"Cute ba yon?" - caramel
"Yah! Whaha"
"Guys, bat kaya ang tahimik nung isa dyan?" Pagpaparinig naman ni yunamei kay wayne. Nakatulala kasi
Napatingin naman samin si wayne, di ba sya aware na sya yung pinaguusapan namin?
"Sino na naman yang iniisip mo wayne?" - bryce
"Laide" tss bwisit! Sya na naman! hello. Ako po ang kaharap nya! At saka yung iniisip nya wala dito!