"oooohhh kamusta crislyn? Tagal din nating di nagkita ah?"
"Okay lang ako! Ikaw? Okay ka na ba sa plano mo?" Huh! Ako pa kinalaban nya? Tss sinisimulan na naman ako nito ah!
"What did you say?"
"Tss wag ka ngang magmalinis! I know na alam mo ang sinasabi ko!"
"Walang hiya ka!" Lumapit sya sakin at sasampalin nya na sana ng masalo ko ang braso nya
"Ano? Mananakit ka? Kasi alam mong totoo yung mga sinasabi ko?"
"How dare you!" Di ko na nasalo yung braso nya, tumama na lang sa pisnge ko yung kamay nya. In short, sinampal nya ko
"Oh? Okay na? Nakasakit ka na? Sana naman sa pananakit mong yan, tigilan mo na si wayne!"
"Whahahah nagpapatawa ka ba?!"
"Mukha ba?" Sasampalin nya na dapat uli ako nang maitulak ko sya. Sabay nun ay bumukas ang pinto at pumasok si Dwayne. "Crislyn?! What happened?" di ko sya sinagot. Tumingin lang ako ng masama kay Laide. tingin ko naman nahuhulaan nya na. Bwisit to! Ang panget ng 1st Day ko!!!
At ang babaita.. inirapan lang ako. Sino naman kaya ang pumatol dito sa babaeng to? And what the? Fiance ng CEO??? Nagpapatawa? May pumatol? Sabagay, lahat nga pala naloloko nya. Goodluck nalang sa kaniya kung sino man sya!
"Crislyn, ayusin muna yang sarili mo, malapit na yung CEO" tsk!! okay na ko kanina eh! kung di lang dahil sa bwisit na babaeng to! lalabas sana muna ako ng biglang bumukas yung pinto
O_O
CEO??
Sya??
Panaginip bato?
"Crislyn...?" Sya nga... Ewan. Di ko alam. Di ko alam kung pano ipapaliwanag yung nararamdaman ko, pero isa lang ang gusto kong mangyare, ang yakapin sya. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol kay ellie. Pero pano? pano? Iba ang sitwasyon ngayon. Saka Crislyn, diba ayaw mo? bakit yan ang iniisip mo? wag mo ipahalata na namiss mo sya. Ipakita mo na okay ka, kahit hindi naman naging kayo. isipin mo na isang di malilimutang pangyayare lang ang nangyare sa inyo, isipin mo na, pasko lang at binigyan ka nya ng isang napakagandang regalo, si ellie.
Bigla akong bumalik sa sarili ko ng kalabitin ako ni dwayne. "Huy, okay ka lang? may lagnat ka ba? bakit di mo agad sinabi sakin? dapat di ka na---"
"No, im okay. Badtrip lang" Ugh! naguguluhan ako. pano na kami? kung.. kung ganon?!!! si Laide ang Fiance ng CEO? na si, Wayne? ang ama ni ellie? So wala na talagang pag-asa? ako na lang ba talaga ang umaasa na pwedeng maging kami? Pano ko matutupad ang gusto ni ellie na makita at makasama ang totoo nyang daddy?
Umupo na kami at nagsimula na ang dapat pag-usapan. nakikinig lang ako sa kanila. nakayuko, minsan naman ay tumitingin ako kay wayne, pero pa sikreto lang. Iba na sya ngayon, parang napaka laki talaga ng pinagbago nya, parang.. parang ang COLD nya. Lalo na kanina nung binanggit nya yung pangalan ko, parang, ewan, basta iba na sya, iba na yung level ng kagwapuhan nya. Whaha kamukha nya si ellie. Halatang sya ang daddy ni ellie.
Pagkatapos ng ilan pang minuto ay natapos na rin. Sabay sabay kaming tumayo at nagshake hands. una akong nakipagshake hands kay Laide. Bwisit na to! Nag acohol pa?! Tss pagawa ko pa sa kaniyang lollipop ang kamay ko eh! di parin sya nagbabago. At ang last.. kay wayne. Di ko alam kung guni guni ko lang o totoo talaga. Nakangiti sya sakin. Or maybe nagaasume lang uli ko na masaya na bumalik ako pilipinas. Tss bakit ba ganto ang iniisip ko? Iba ang plano ko diba? Hayy bakit ba ko nagkakaganito? Dahil ba, namiss ko sya ng sobra?
Nasa kotse na kami ni dwayne. Actually ang napagusapan namin, kapag papasok kami sa trabaho, yung kanya ang gagamitin namin. At ang sakin naman kapag mamamasyal kaming tatlo nila ellie.
"Crislyn, yung about kanina sa office ng CEO, anong nangyare? Bakit parang nakipag away ka?" Tss oo nga pala. Ang sabi ko sa kaniya ngayon ko ikikwento ang nangyare kanina.
"Nagkasagutan lang kami nung f-fiance ba yun? Ng CEO?" banggitin or bigkasin ko man ang salitang fiance, ang sakit sakit na.
"Nagkasagutan? Bakit? Anong meron?"
"Dahil dun sa CEO"
"Wait lang ah.. di ko magets. Pwede ba diretchuhin muna? Alam mo namang slow ako diba?"
"Si wayne, kabarkada namin sya dati. Then, bumalik galing ibang planeta yng EX girlfriend nya. Kaya ayun. Di na sya sumama samin. Nahahati na yung oras nya samin na barkada nya at kay laide" tss bumabalik na naman ang kahapon.
"Then"
"Nalaman ko na ginagamit nya na naman si wayne para sa sarili nyang kapakanan. Di ko sinabi kay wayne pero yung ngayon? Na f-fiance na sya ni wayne? Tss di malabong ginagamit nya lang uli si wayne"
"Eh kung ganon.. bakit parang ang laking epekto sayo ang tungkol sa kanila--"
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita "Dahil sya ang totoong daddy ni ellie"
Bigla syang nagpreno kaya muntik na kong mauntog. Salamat sa seatbelt.
"WHAT THE?! sya? Ama ni ellie? Pano nangyare yun?" Di makapaniwalang tanong nya. Alam ko na dati pa na ganto ang magiging reaction nya.
"Nakwento ko na sayo diba?"
"Pero kung ganon.. bakit di mo pa sabihin kay ellie ang totoo? Na malapit lang sa kaniya ang daddy nya?"
Umiling ako "You don't understand dwayne"
"Pero crislyn, i know na iniisip mo lang ang alam mong tama para kay ellie. Pero isipin mo naman ang anak mo"
"Nakaya namin ng wala sya ng anim na taon. Di malayong makaya namin ng wala sya habang buhay---"
"Habang buhay? What the hell crislyn? Di mo ba iniisip si ellie?"
"God knows na sya ang lagi kong iniisip"
"Eh kung ganon, bakit di mo sabihin sa kaniya ang totoo?"
"Dahil yun ang alam kong tama!"
"Really? Crislyn, matagal na kaming bestfriend ni ellie. And every single day na magkasama kami, yun ang lagi nyang bukambibig.. ang daddy nya"
"Dwayne, can you please stop this nonsense---"
"Nonsense? Ayaw mo naman atang lumaking walang ama si ellie, right?"
"Of course!" Gusto ko ng mabuo ang pamilya namin.
"Then, fight for it!"
"How? May fiance na sya" natahimik naman sya bigla kaya tumahimik na lang rin ako. Di ko alam na aabot kami sa ganito. Yung magkakasagutan kami. Dahil pareho lang kami na ang iniisip ay si ellie.
Hanggang sa makarating na kami sa bahay. Mukhang tulog na ata si ellie. Napagod ata sa school.